Vote and Comment po :)
This is it :)
********************
2 weeks later....
(Chesca's POV)
Hanggang ngayon ay hindi parin ako mapakaniwala sa lahat ng nagawa at natuklasan ko.
Matagal ko ng hinahanap-hanap ang nanay ko... gustong-gusto ko siyang muling mahawakan at kahit makita ko man lang siya.
Pero di ko alam matagal ko napala siyang nakakasama... tinutulungan niya pala ako sa lahat ng problemang pinasok ko. Siya pala ang white lady na dati ring kinaTAKUTAN ko.
"Mama, sorry ngayon lang ulit kita nadalaw sa puntod mo, pati ikaw Papa...." tumigil ako sa pagsasalita at hinayaan ang mga luha kong kumawala sa aking mata. Nandito ako ngayon sa puntod nila. "Ma, ikaw pala yun, bakit po kasi late na kayo kung nagpakilala?! Edi sana nakapagbonding pa tayo!" Muli akong napahagulgol. "Pa, bakit ikaw di ka pa nagpapakita ulit sa akin?!" Ako.
Naramdaman kong may humawak sa likod ko at hinagod-hagod ito. Nilingon ko ito at tinignan. Si Skylar pala.
"Tahimik na silang lahat Chesca..." ani Mommy Lorein sabay yakap sa akin. Nilingon ko nalang siya at nginitian.
"Tita Cherry, bakit di rin po kayo nagpakilala sa akin?! Kaya po pala tinutulungan niyo ako eh!" Ani Skylar na nangingilid narin ang mga luha. Nakita kong lumapit sa kanya si Vlad na boyfriend niya pala.
"Ate Chesca... uuwi na ako sa amin sa batangas... hayaan mo dadalaw-dalaw rin ako sa inyo" ani Skylar sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Bumalik ka ha!" Ako. Tumango-tango siya at humarap sa akin.
"A-ate Chesca... thank you sa pagtulong sa amin ha! Kung wala ka sa tingin ko namatay na kaming lahat... th-thank you talaga...huhuhuh!" Humahagulgol din pala siya tulad ko.
"Okay lang... lagi kang mag-iingat ha! Vlad alagaan mo tong pinsan ko ha!" Ako.
"I will po" tugon nung gwapong boyfriend ni Skylar. Namiss ko tuloy si Christian...
"Sige, ingat kayo" ako. Muli akong niyakap ni Skylar at naglakad na paalis.
"Chesca" tawag sa akin ni Anna na kanina pa nasa likuran namin. Niyakap niya rin ako.
"Di na tayo guguluhin ulit ni Lorna" ako.

BINABASA MO ANG
Fear
Horror××× 7-teenagers 7-FEARS 1-past story 1-mystery to solve 1-solution.......... si Chesca ay isang dalagang nag-iisa na lamang sa buhay, simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Simula noon ay hindi...