(Chapter 20.2) "FAITH"

105 15 0
                                    

Vote and Comment po...

**************

(Third Person's POV)

Agad na binabaan ng tawag ni Lorein si Anna ng marinig na tumili ang anak niyang si Leslie.

Nagtatakbo ito sa taas upang tunguin ang kwarto ni Leslie. Ang pagkakaalam nito ay kasama nito ang kaibigan ng kanyang pamangkin na si Skylar. At eto ay si Shine.

Binuksan ni Lorein ang pinto ng kwarto ng kanyang anak at laking gulat at TAKOT niya sa kanyang nasaksihan.

Si Shine may hawak-hawak na matalim na kutsilyo at nakatapat ito kay Leslie na pinagsisiksikan ang sarili niya sa dulo ng kanyang kama dahil sa TAKOT.

Iginala ni Lorein ang mata niya at nakita niya ang lampshade na nasa bedside table ni Leslie. Agad niya itong dinampot at walang pagaalinlangan na"Layuan mo ang anak ko" buong lakas niya itong hinampas sa ulo ni Shine, agad itong bumaksak sa sahig. Nagmamadali niyang pinuntahan ang umiiyak niyang anak. Binuhat niya ito.

"San kayo pupunta?!" Laking gulat ni Lorein ng biglang hablutin ni Shine ang binti niya at sinaksak ito ng kutsilyo. Lumabas ang masasaganang dugo rito ng marahas na hugutin ito ni Shine.

Binitawan niya ang anak niyang si Leslie. "Pumunta ka sa kwarto ni Darren at i-lock niyo ang pinto! Wag na wag kayong lalabas kahit anumang marinig o makita niyo! Okay?" Ani Lorein. Tumango-tango ang kanyang anak. Hinalikan niya ito sa noo. "I love you." Ani Lorein. Tuluyan ng tumakbo paalis si Leslie at nagtungo sa kwarto ni Darren.

Laking gulat niya ng bigla siyang hilahin ni Shine na naging dahilan upang sumabasob siya sa sahig. Walang pagaalinlangan siyang dinaganan ni Shine.

"Kamag-anak ka pala niya ha?" Ani Shine habang nakangiti. Ibag-iba na ang boses nito. Dahil roon ay nalaman ni Lorein na sinasapian si Shine at malamang ay ang black lady na ikikwento ni Chesca sa kanya ng may kagagawan nito.

"Kung sino kaman tigilan mo na kami! Maawa ka!" Pagmamakaawa ni Lorein dito.

Ngumiti ng nakakaloko si Shine at itinutok ang kutsilyo sa leeg ni Lorein. "Maawa? Bakit naawa ba sa akin ang kapatid mo?" Ani ng black lady sa katawan ni Shine.

"Kapatid?" Tanging nasambit ni Lorein. Naguguluhan na siya sa pinagsasabi ng black lady.

Iginala ng black lady ang kutsilyo sa leeg ni Lorein papunta sa pisngi nito.
"Papatayin ko kayong lahat! Kasalanan to lahat ng kapatid mo!" Puno ng galit na sa sabi ng black lady na nasa katawan ni Shine.

Ibinuwelo nito ang kutsilyo at muli itong isinaksak kay Lorein.

"AHHHHHHHHHH" sigaw ni Lorein sa sakit. Ipinangharang niya ang kanyang palad upang di siya masaksak ni Shine sa mukha at sa palad niya ito naisaksak.

FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon