(THIRD PERSON'S POV)
"Ayos naba ang lahat?" Tanong ni Christian sa mga kasama. Tumango naman ang mga ito.
Hindi na nila hinintay pang magkamalay muli si Shaila dahil kailangan na talaga nilang tapusin ang lahat hanggat may oras pa....
"Ipasok niyo na ang lahat sa kotse upang makaalis na tayo" utos ni Oliver sa mga kasama. Agad namang kumilos ang mga ito.
*Sa loob ng kotse*
"Chesca, ayos ka lang ba?! Mag pahinga ka kaya muna" nagaalalang sabi ni Anna sa katabing kaibigan.
"Chesca magpahinga ka muna" ani Christian. Dahan-dahan niyang isinandal ang ulo ni Chesca sa kanyang balikat.
"Christian, anong oras na kayo naka-uwi? Parang puyat nq puyat yang si Chesca?" Tanong ni Oliver na nakaupo sa driver's sit.
"Mga 12:30 na kami naka-uwi. 12:00 na kasi nakapunta yung nanay ni Shaila dahil hinintay pa niya daw na makatulog ng mahimbing ang bunso niya" tugon ni Christian.
"Kamusta na si Shaila?" Tanong ni Anna.
"Wala pang may alam. Ngayon palang isinasagawa ang mga test sa kanya" ani Christian. "Tsaka, itetext niya nalang daw o itatawagan sa inyo kung ano ng kalagayan ni Shaila. At salamat daw sa pagsugod sa ospital kay Shaila at sa mga pinangbayad niyo daw sa ospital" dagdag pa ni Christian. Binayaran na kasi nila Oliver at Anna ang bills sq ospital ng umalis sila.
"Wala yon" ani Oliver na busy sa pagdri-drive.
"Sana maayos lang si Shaila" malungkot na sabi ni Anna.
"Di aayos ang buhay ni Shaila at maging atin kung di natin matatapos ang lahat ngayon. Di na tayo papatinag pa sa lahat ng pwedeng mangyari"ani Christian habang nakatingin sa tulog ng si Chesca.
Tumango naman ang magkapatid bilang pagsangayon sa sinabi ni Christian.
*RINGGG,RINGGG,RINGGG*
agad na kinuha ni Anna ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag.
Shaila's mother calling...
Hindi niya alam ang dahilan ngunit nakaramdam siya ng kaba ng mabasa kung sino ang natawag sa kanya.
"Hello?" Bungad ni Shaila.
"Anna, huhuhu..... si Shaila!" Sabi nito habang naiyak.
"B-bakit po?! Ano pong nangyari kay Shaila?" Nag-aalalang tanong ni Anna. Bigla ring nakaramdam ng kaba ang dalawa niya pang kasama ng marinig at makita ang naging reaksyon ni Anna.
"Si Shaila........ nagka-temporary insanity siya! Huhuhuhu! Ano ba talagang nangyari sa kanya?" Biglang tumulo ang luha niya sa narinig mula sa nanay ng kanyang kaibigan.
"A-anong nangyari kay Shaila?" Tanong ni Christian. Hindi sumagot si Anna bagkus ay umayak lamang ito ng umiyak.
"Anna, please mag salita ka!" Ani Oliver na huminto muna sa pagdri-drive at itinabi ang sasakyan.
"Si...... S-shaila, nagka-temporary Insanity siya! Tinakasan na siya ng tino!" Pilit na nagsalita si Anna sa pagitan ng mga hikbi niya. Biglang nanlumo ang dalawa sa narinig. Ang kanilang masayahing kaibigan na si Shaila ay tinakasan na ng tino. Tahimik lamang na natutulog si Chesca sa balikat ni Christian, wala itong alam sa mga nangyayari.
"Anna, Anna. Sumagot ka! Hello?" Sabi ng nanay ni Shaila na nasa kabilang linya. Bigla na lamang na-end ni Anna ang kanyang phone at nagpatuloy na lamang ito sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Fear
Horror××× 7-teenagers 7-FEARS 1-past story 1-mystery to solve 1-solution.......... si Chesca ay isang dalagang nag-iisa na lamang sa buhay, simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Simula noon ay hindi...