(Chesca's POV)
"Hay! Gabi na ha! Bakit wala pa si Christian kanina pa ako naghihintay dito ha!" Chesca
nasaktan ko yata siya sa mga sinabi ko....pagkatapos niya ako tulungan ng ilang beses ito pa ang isusukli ko.... sana mapatawad niya ako! sana rin umuwi na siya di niya alam ang mga pasikotsikot dito! baka maligaw siya! sa tingin ko kailangan ko ng lumabas at hanapin siya...
"RIIIIIIINNNNNGGGG"
Anna's calling.
"hello? Best nakita mo ba si Christian?! kasama mo ba siya?! Anong oras kayo huling nagkita?!" sunod-sunod na tanong ko...
"Best! pwede kalma lang! di ko alam kung anong sasagutin ko sa mga tanong mo!" Anna.
"Sorry! kasama mo ba si Christian?! kasi di pa siya na-uwi dito eh!" Chesca.
"Best nandito siya sa amin... nagmumukmok, ikaw naman kasi masyado kang makapagsalita parang ang laki ng kasalanan sayo ng tao! ayan tuloy nasaktan mo ng todo!" Anna.
"Sige pupunta na ako diyan, saglit lang!" Sabi ko.
"Bilisan mo best! Baka magsuicide to!" Sabi ni Anna.
"Best ano ba! Pinapakaba mo ako eh! Bantayan mo maigi ha! Baka gawin niya nga yun!" Sabi ko.
Tumawa muna siya bago nagsalita ulit. "Ang haba ng hair mo best! Halos lahat yata ng lalaki nagkakagusto sayo!" Pabirong sabi nito.
"Walang gusto sa akin si Christian okay?! Siguro naaawa lang siya sa akin kaya niya ako tinutulungan!" Malungkot na sabi ko.
Sa bawat araw na mag kasama kami, ilang beses na pagliligtas niya sa akin at sa bawat pagpapangiti niya sa akin............siguro nahulog na ako sa kanya... sa tingin ko mahal ko na siya... sa tingin ko di ko kaya mabuhay pa kung mawawala siya sa akin. Kaya sana mahal niya rin ako.
"Okay! Sabi mo eh, basta bilisan mo na!" sabi ni Anna.
"Okay! wag mo siyang pagbayaang umalis diyan ha?!" Sabi ko.
"Opo ma'am! Sige na! Bye best!" Sabi niya.
"Bye din best!" Sabi ko sabay end-call. Agad akong kumilos upang tumungo papunta kina Anna.
***********
Sana mapatawad ako ni Christian sa mga sinabi ko sa kanya...
"Teka, ba't parang nakasara yung mga ilaw nila sa bahay?!" Tanong ko sa aking sarili habang naka-dungaw sa bintana ng kotse ko.
"Matawagan nga si Anna!" Agad kong i-dinial ang number ni Anna.
"Ano ba Anna! Bakit ayaw mong sagutin! Makababa na nga lang!" Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba ng kotse.
***************
(Third Person's POV)
"Sigurado ka bang gagana tong plano mo?!" Tanong ni Christian kay Anna.
"Trust me okay?! Alam ko ang kiliti at gusto nitong bestfriend ko!" Sagot ni Anna habang inaabangan si Chesca sa kanyang pagpasok sa bahay.
Huminga ng malalim si Christian upang matanggal ang kabang kanyang nararamdaman.
"Pumwesto ka na dun bilis!" Nagmamadaling sabi ni Anna.
"Okay!" Agad namang tumakbo si Christian at tinungo ang kanyang puwesto.
************
"Bakit ayaw nilang sagutin yung mga tawag ko?!" Sabi ni Chesca sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Fear
Horror××× 7-teenagers 7-FEARS 1-past story 1-mystery to solve 1-solution.......... si Chesca ay isang dalagang nag-iisa na lamang sa buhay, simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Simula noon ay hindi...