(Chapter 16) "LAST SUFFER"

154 17 0
                                        

[A/N]

Paalala ko lang po, dont forget to VOTE and COMMENT...

THANKIES...

Unedited

And guys, plug ko lang po ang book club na Trio Book Club...

Guys, sali po kayo doon, napakasaya at maasahan ang mga members :)

And thank po sa kanila dahil sila ang gumawa ng bago kong book cover :)

*******************

(Christian's POV)

Ramdam ko ang TAKOT sa aking puso... nagmamadali kaming tuntunin ang lugar kung saan nagsimula ang lahat ang punong balete...

[A/N]

Guyz, pasensya ngayon ko lang na identify kung anong puno yung tinutukoy nila... puno po yo'n ng balete.....

NATATAKOT ako dahil kumikilos na naman ang babaeng itim at gumagawa na naman siya ng hakbang upang di namin masagawa ang seremonyas.

Sa tingin ko ay malapit na kami....

Kahit nagmamadali at madilim sa daan ay nilingon ko parin ang dalawang babaeng nasa likod ko.

"Malapit na tayo" sabi ko. Tumango naman si Chesca. Samantalang walang karea-reaksyon si Anna. Naiintindihan ko siya... pinili niyang mabuhay ang mas marami kesa sa buhay ng pinakamamahal niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Chesca habang natakbo at hila-hila ko ang biik na gagamitin namin. Hinawakan ko ang kamay ni Chesca dahil baka ito na ang maging huling paghawak ko sa kamay ng pinakamamahal ko. Dahil alam kong buhay ko ang kapalit nitong gagawin namin...

Lord, God kayo napong bahala kay Chesca at kay Anna.... kapag nawala na ako.....

(Chesca's POV)

Sa wakas at narating na namin ang lugar na ito... dali-dali naming inayos ang mga gamit na kakailanganin... pinwesto ko ang mga kandila ng pabilog at sa gitna naman noon ay pinuwesto ni Christian ang biik at itinali ito sa gitna. Si Anna naman ay tahimik lamang na nagdadasal sa isang tabi.

"Ngayon ko lang sasabihin muli to, at alam kong wala na akong pwede pqng lapitan kung hindi siya...... kahit anong pilit kong di siya paniwalaan, patuloy parin siya sa pagpaparamdam na mahal niya ako.... DIYOS AMA TULONG.... TULUNGAN NIYO KAMI... GABAYAN MO KAMI...... SA TANGING PANGALAN NG IYONG ANAK NA SI HESUS AMEN!"

Muli kong dinilat ang mga mata ko. Nakita kong nakatitig sa akin si Christian... bakit ganoon siya makatitig? Parang gusto niyang magpaalam? Puno ng lungkot ang mga mata niya...

(Anna's POV)

"Lord, gabayan niyo po kami....." paulit-ulit akong nananalangin.

Alam kong sa mga oras na'to ay wala na ang aking kuya... kahit ayokong mawala siya sa akin wala parin akong ginawa... pinili kong maayos na'tong problema na to hanggat may oras pa.....

"Tama ba ang naging disisyon ko?"

**********

(Third person's POV)

"Anna, Chesca. Pumasok na kayo sa loob ng bilog ng kandila!" Ani Christian. Agad na sumunod ang dalawang dalaga.

"Maghawak kamay tayo" utos ni Christian.

"Kailangan muna nating magdasal para hingin ang guidance ng Panginoon" ani Christian. Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon. "Anna, lead the prayer" pagkasabing-pagkasabi noon ni Christian ay biglang lumakas ang hangin at nagsimulang kumulog at kumidlat ng malakas. Dahil roo'y natakot si Anna.

FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon