1. The unexpected visitor
Malakas ang volume ng aking tv sa loob ng aking condo unit. Wala akong kasama dito, namumuhay akong mag isa simula palang nung college. Nagta-trabaho kase sa ibang bansa ang parents ko. Wala akong pasok ngayon dahil linggo at pinaghahanda din nila ko para sa pagpunta ko sa singapore next week, ako kase ang ipapadala nila roon at pumayag naman ako. Wala naman akong maiiwan dito bukod kay Gian.
Hindi ko alam kung ano ko ba talaga si Gian. Halos isang taon narin kase simula naging malapit talaga kami sa isa't-isa.
Parang kami, pero walang label. Madalas kaming nagtatawagan. Nag te-text din sya sakin nang 'goodmorning' at 'goodnight' araw-araw. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga kami ni Gian. Kahit ako ay naguguluhan sa estado naming dalawa.
Nagkakilala kami dahil sa pinsan kong si Bea. Pinakilala sya sakin ni Bea three years ago. Yung panahong walang-wala ako. Panahong iniwan nya ko.
Hayyy! Ayoko nang balikan pa ang nakaraan. Sasakit lang ang ulo ko pag binalikan ko pa ang mga bagay na hindi maganda.
I received a message from Gian and he said on the message na pupunta sya dito sa condo.
Alam ni Gian ang passcode ko pati narin si Bea, sa pagkakatanda ko alam din ni---- Nevermind!
Normal lang ba yun? Yung kahit ilang taon na ang lumipas hindi mo parin malimot-limot ang isang tao kahit na saktan ka nya? Well, dun ko napatunayan ang sinasabi sakin mismo nang lalaking nang iwan sakin.
'Time will heal the pain. Not now but maybe someday.'
Yan ang eksaktong salita ang sinabi nya sakin at tama naman sya.
Pag tapos ng tatlong taon. Bumabalik narin ako sa dating ako. Ang Angeline na kilala nang lahat. Ang Angeline na masayahin. Hindi ganun kabilis pero atleast, bumabalik na ko sa dating ako.
Ayos na ko ngayon. Hindi na ko gaanong umiiyak sa gabi habang iniisip ang mga huling sandali kong kasama sya.
Hindi naman sya namatay. Pumunta lang sya sa lugar na malayo. Umalis sya nang walang paalam. Siguro nga dahil sa hindi naman nya ko nobya. Kaibigan nya lang naman ako eh. Kaibigan lang. Hindi na humigit pa roon.
Pero sa tingin ko naman ayos na ko ngayon.
Nagbukas ang pinto nang aking condo hudyat na may pumasok. Ala una pa lang naman. Siguro ay napa-aga si Gian.
"Gian, ikaw na ba yan?" Tanong ko pero walang sumagot kaya tumayo ako at pumunta malapit sa pinto.
Halos ma-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ang hindi inaasahang bisita dito sa tinutuluyan ko.
"Angeline!"
Teka?! Paanong nandito sya ngayon sa harap ko?
Tangina! Akala ko ayos na ko. Hindi pa pala...

YOU ARE READING
Without Farewells
Kısa HikayeHe left me without saying any goodbyes, i do the same thing to him. I left him without saying goodbye. Short story_ Entitled: Without Farewells Written by: Trix_ie