CHAPTER 5

3 0 0
                                        

5. Ala-alang hindi na dapat balikan

Highschool palang ay mag-kaibigan na kami ni Sergio. Lagi nya kong kasama. Walang araw na hindi kami magkasamang dalawa. Minsan nga ay napagkakamalan na mag syota kaming dalawa pero tinatawanan nalang namin yung mga yun.

Pero, sana nga.. sana ay totoong mag syota kami. First year highschool ng naging magka-klase kami at seatmate ko sya 'nun. Magaling syang makisama kaya lahat ng mga kaklase namin ay kaibigan nya rin. Pero sa lahat ng yon, ako ang pinaka-malapit sa kanya. Isang subject lang kase ang hindi ko sya katabi. Duon nagsimula ang pagka-kaibigan naming dalawa. Nung nag second year high school na kami, magkaklase ulit kami hanggang sa mag third year kaya lalo kaming naging malapit sa isa't-isa. Kilala sya nang mga magulang ko at kilala rin ako nang parents nya. Nagsasabihan kami nang aming mga problema pati narin mga sekreto. Nang dumating ang panahong nag fourth year highschool kami ay hindi na kami magkaklase. Pang-umaga sya at ako naman ay tanghali. Sya ang gumagawa nang paraan para magkita kaming dalawa. Pagtapos nang klase nya sa tanghali at wala pa kong klase ay pumupunta sya sa silid namin at pag darating na ang guro saka sya lalabas. Pag uuwi naman ako sa gabi ay sinusundo nya ko dahil baka raw mapahamak ako pag ako lang mag-isa ang umuwi. Inihahatid nya ko sa bahay at pag naabutan na maaga ang uwi nang mga magulang ko sa trabaho ay doon na sya sa bahay nag-hahapunan.

Pag-dating nang college ay parehas ang university na pinag-enrollan namin. Binilan din ako nang daddy ko nang condo unit para hindi hassle sa pag pasok at pag uwi. Gaya nung fourth year kami, si Gio ang gumagawa nang paraan para magkita kami. Pag wala ang prof nya pupuntahan nya ko sa klase ko at minsan sabay kaming nag bi-break. Pero dahil busy na kami parehas sa pag-aaral, madalas ay sa cellphone nalang kami nag-uusap. Madalas syang tumatawag sakin araw-araw. Walang palya. Pagka-gising. Bago matulog. Pag wala syang ginagawa. Kung wala namang pasok, pumupunta sya sa condo ko. Alam nya ang passcode ko kaya pag wala syang pasok ay ako ay meron, nauuna sya sa condo at nagluluto sya nang magiging hapunan namin.

Madalas ay niloloko ako nang mga bago kong kaibigan na babae dahil parang kami na daw talaga. Pag tinatanong nila kung gusto ko si Gio, hindi ang isinasagot ko sa kanila. Tanging ang pinsan kong si Bea lang ang nakaka-alam na matagal ko nang gusto si Gio.

Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya? Parang lahat ng hinahanap ko sa lalaki ay nasa kanya na.

Natapos na naman ang isang school year at sa susunod na taon ay second year college na kami.

"Angie. Alis tayo mamaya." Rinig kong sabi ni Gio. Hindi ko sya nilingon dahil naka-focus ako sa pinapanood ko.

Nandito kami ngayon sa condo at nagluluto sya para sa tanghalian namin.

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan. Mag mall tayo, ikaw bahala."

"Sige!"

Simula nung isang araw ay dito natulog si Gio. Ewan ko ba sa kanya at dito nya gustong matulog. Siguro ay napagalitan sya sa bahay nila.

Gaya nga nang sabi umalis kami at maghapon kaming nag-gala. Nandito kami sa mall ngayon. Nag-hinto ako nang lakad nang makita ko ang isang kulay violet na teddy bear. Human size ito at nakaka-akit talaga ang itsura.

"Gusto mo?" Tanong nito sakin.

"Oo sana. Kaso wala akong pera. Tara na."

Hihilahin ko na sana sya palayo roon pero nagulat ako nang pumasok ito sa loob ng shop.

"Ate magkano po iyong naka display?" Tanong ni Gio sa sales lady.

"550 po sir."

Kinuha nya ang wallet nya at tila dudukot ng pera roon.

Without Farewells Where stories live. Discover now