CHAPTER 14

3 0 0
                                        

14. Truth behind the lies

I am so drunk! I can't even walk straight!

But atleast, hindi na ko umiiyak. Wala narin naman akong maiiluha.

Palabas na ko nang bar ng bigla akong matumba dahil sa kalasingan. Agad naman akong tinulungan ng isang waiter sa bar kaya nakatayo agad ako. Hinatid din ako nito sa parking lot.

"Sigurado po ba kayong kaya nyo mag-drive, ma'am?" Tanong sakin ng waiter.

"Yes. I can. Salamat sa pag hatid."

Sumakay ako sa aking kotse at binuhay agad ang makina nito.

Tahimik ako habang nag dadrive. Talagang naka focus ako sa daan at pilit kong nilalabanan ang hilo na dulot ng alak sakin.

Sa awa naman d'yos ay nakauwi ako nang ligtas.

Pag dating sa condo ay hinagis ko nalang kung saan ang susi ng kotse ko at sumalampak na agad sa higaan.

Mabilis naman akong dinalaw ng antok dulot narin ng epekto ng alak.

Kinabukasan ay nagising ng alas dos y media.

Naghanap ako nang makakain sa ref pero dahil hindi pa nga ako nakakapag-grocery ay wala akong makakain doon.

Naligo nalang muna ko at pagtapos ay nag short ako na kulay puti tsaka off shoulder na pang itaas na kulay itim. Nag blower ako nang buhok at hinayaang ito ay naka lugay pagkatapos. Nag pulbo ako at nag lagay ng light color liptint sa labi ko. Tsinelas na kulay itim naman ang isinuot ko. Mas komportable kase pag naka tsinelas lang.

Natagalan pa ko sa paghahanap ng susi ng sasakyan dahil hindi ko matandaan kung saan ko ba inilagay yun. Nakita ko na nga lang ito sa ilalim ng sofa.

Tanging cellphone, pera at susi ng kotse ang dala ko nung umalis ako.

Dumeretso ako sa sasakyan ko at nag drive kung saan may pinaka-malapit na fastfood chain.

Pero kung minamalas nga naman ako ay napakaraming tao sa malalapit dito kaya napadpad ako sa mall.

Duon ako naghanap nang makakain hanggang sa naka hanap ako nang konti lang ang tao.

Omorder na agad ako at nang maihain sakin ang order ko ay kinain ko na agad yun. Habang kumakain ay nakita ko ang cellphone ko na nilagay ko sa ibabaw ng lamesa.

Binuksan ko iyon at nagtaka ako dahil wala man lang akong natanggap na text mula kay Gian. Nung nakaraan kase na late din akong nagising ay tadtad sya nang mensahe sakin at araw araw naman ay nag titext din yun pero nakakapag-taka dahil ni-tuldok ay wala akong natanggap.

Hindi ko nalang pinansin iyon at tinuloy ang pagkain.

Pagtapos ko naman kumain ay nagpahinga ako saglit at umalis narin doon. Nagikot na muna ko sa mall pero pinagsisihan ko ang ginawa ko dahil nakasalubong ko si Gian at Bea na nagtatawanan sa harap ko. Naka akbay si Gian kay Bea at si Bea naman ay naka paikot ang kamay sa bewang ni Gian.

Para silang nakakita ng multo nung nakita nila ko sa kanilang harapan. Otomatikong tumulo ang luha ko at tinanggal naman ni Gian ang kamay nya na naka akbay sa pinsan ko.

Walang sabi sabi ay tumalikod ako sa kanila at naglakad ng mabilis. Gaya nang mabilis na lakad ko ay syang mabilis din na pag daloy ng luha ko.

Naririnig ko ang pag tawag nila saakin pero hindi ako lumilingon. Binibilisan ko pa nga lalo ang pag-lalakad ko hanggang sa narating ko ang parking lot. Sumakay agad ako sa kotse ko at nag drive paalis doon sa lugar.

Hindi ako tanga. Kahit walang salita-salita ay alam ko ang nangyayari at nangyari. Hindi ko kailangan na mag bulagbulagan pa. Para ano? Para lalong saktan ang sarili ko?

Nasasaktan ako dahil sa dahilan na kung bakit sa dami nang babae, pinsan ko pa.

Nasasaktan ako dahil hindi ko alam kung saan ako tatakbo gayong galit sakin ang matalik kong kaibigan.

Nasasaktan ako dahil akala ko si Gian ang makakapitan ko ngayon dahil may problema ko. Ang nakakapang hinayang lang ay isa sya sa dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Nung dumating sa condo ay nag lock ako sa kwarto ko. Patuloy ang pag daloy ng luha ko. Tahimik. Hindi humihikbi. Ewan ko ba bakit hindi malabas lahat ng galit ko ngayon.

Masyado akong nabulag sa kasinungalingan ng iba kaya nasasaktan ako ngayon.

Well, i guess. Yun na yon. That's it! That is all the truth behind all the lies.

Without Farewells Where stories live. Discover now