CHAPTER 8

3 0 0
                                        

8. Nakaka-limutan

Kumain kami sa labas ni Gio nung gabing yun at hinatid naman nya ko sa condo ko.

Kinabukasan naman ay kinausap ako nang boss ko para sabihin sakin na postponed ang aking byahe sa singapore next week. Siguro ay sa susunod na tatlong buwan ko pa malalaman kung kailan ang byahe ko talaga. Tinanong ko kung anong dahilan ng pag-papaliban ng flight ko pero hindi naman sinabi kung ano ito.

"Oh my god! I'm so happy na hindi ka na agad aalis! Kase you know.. mamimiss kita!"

Nandito kami ngayon sa condo ko since linggo ngayon, parehas kaming walang pasok. Dito daw muna sya dahil nag sasawa na sya sa pagmumukha ng asawa nya. Tuwang-tuwa si Madie nang malaman nya na postponed ang byahe ko. Hindi na raw kase aalis ang bestfriend nya.

"Anyway, sino yung gwapong lalaki na nagsundo sayo kagabi? Hindi si Gian yun ah!"

Si Gio yung tinutukoy nya.

Hinatid kase ako kahapon ni Gio at may usapan din kami na susunduin naman nya ko kinagabihan.

"Si Gio. Yung nakwento ko sayo dati."

"Oh god! So, bumalik na sya!"

"Yeah. Last week."

"Ayos na kayo?"

"Oum. We're good friends."

"You still like him?"

"I don't know."

"Why?"

"Ewan ko ba. Madie. This is a secret ah. Kahit sa asawa mo wag mong sasabihin."

"Okay. What is it?"

"Simula nung bumalik si Gio. Lagi kaming magkasama. Parang nalilimutan ko na yung presensya ni Gian sa akin. You know. Like, hindi ko na nasasagot yung tawag nya. I did not bother to reply in his texts. I don't know. I think i'm starting to....."

"Starting to what? To like Gio again? C'mon Angie. Do you like Gian?"

"Yes. I know i like him but..."

"There is a but. You're not sure. Isipin mo kung ano mo ba talaga yang si Gio at kung ano ang nararamdaman mo kay Gian."

Pagtapos ng tanghalian ay sinundo ni Ely si Madie sa bahay.

"Pagpasensyahan mo na 'tong si Madilein at naka-istorbo pa ata sayo Angeline."

"No. It's fine Ely. Ayos lang. Never naka-istorbo si Madie sakin."

"Ikaw Eleandre magtigil ka nga! Hindi ko inaabala kaibigan ko! Tara na nga umuwi na tayo!" Pinagtulukan ni Madie ang asawa palabas ng aking unit.

"Angie. Una na kami ni Eleandre. Mag isip-isip ka dyan."

"Yeah. Ingat!"

Pag-alis nila Madie sa bahay ay nag ayos ako nang konti tsaka sumalampak ng higa sa aking kama.

Ano ko nga ba si Gio?

He is just my friend.

Ano yung nararamdaman ko kay Gian?

Uhm... i don't know.

I like him. I know i like him. And i will choose him. I can't afford to lose Gian. It feels like, i also lose my heart.

Yeah. I like Gian or should i say... i love Gian?

Mahaba ang naging tulog ko nung gabing yun at kinabukasan ay Bea naman ang nasa bahay.

"Anong oras pasok mo?" Tanong nito sakin.

"Alas tres pa. Si Gian, Alam mo kung nasaan?"

"Himala. After a week na kasama mo si Gio naalala mo rin si Gian."

"What do you mean, Beanca?"

"Tss.. gusto ko lang sabihin sayo Evangeline na simula nung bumalik yung bestfriend mo nalimutan mo si Gian na..... teka, ano mo nga ba si Gia? Wala nga pala kayong label kaya walang karapatan mag-reklamo yung tao sayo."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin ko o ang maging reaksyon ko.

Bea is right. Simula nung dumating si Gio at nakalimutan ko na si Gian.

You such a jerk, Angie!

Without Farewells Where stories live. Discover now