CHAPTER 23

4 0 0
                                    

23. Official

Umalis si Gio pagtapos naming mag-usap. Si Ely naman ang nag sundo kay Marga nung hapon. Nasa trabaho daw kase si Madie.

Masaya ako dahil hindi galit sakin si Gio. Pero at the same time. Parang hindi ko deserve na yung kabaitan na ipinakita nya ngayon.

Naalala ko yung panahong hiniling ko sa kanya na umalis na sa buhay ko.

"Do me a favor, Gio. Get fucking out of my life." May halong galit na saad ko sa kanya.

"Paano pag ayoko?" He coldly asked.

"Ako ang lalayo."

"Bakit, huh? Ganon ka ba kagalit sakin para palayuin ako?"

"Oo! Kaya nakikiusap ko, umalis ka na sa buhay ko!"

Umiling ito at nakita ko ang pag-patak ng luha nya habang naka-yuko sa harap ko.

Nag-angat ito nang tingin sakin.

"I won't. It's my choice. Hindi mo ko kailangan utusan kung lalayo ako o hindi. At ang ipinili ko ay, hindi ako lalayo sayo."

"Ano ba? Sa tingin mo nag bibiro ako? Seryoso ako! Umalis ka sa buhay ko!"

"Sa tingin mo nakiki-pag biruan din ako! Seryoso din ako! Hinding hindi ako aalis sa buhay mo kahit na ipag-tabuyan mo ko!"

"Fine! Ako ang aalis!"

Pagtapos ng pag-uusap na iyon ay mas lalong naging mabait si Gio sakin. He even treated me like a princess. Oh! Not just a princess. He treated me like a queen!

Si Madie pa nga ang gumawa nang paraan para hindi maka-punta si Gio sa bahay, tatlong araw bago ako umalis.

And now, it's been 3 weeks simula nung bumalik ako. I expected na galit sya sakin because i left him without saying goodbye, without any farewells. Pero ngayon na bumalik ako walang sabi-sabi ay umaasta syang para bang wala akong kasalanan na nagawa sa kanya noon.

"Hoi, babae!" Tawag ni Gio sakin nung pumasok sya sa aking kwarto.

"Bakit ba?!"

"Aalis na tayo! Aba! Malelate tayo sa last show!"

"Oo na. Patapos na."

"Kanina pa yan sinasabi!"

"Tsk. Basta! Nakabihis na nga ko diba!"

Naiirita pa ito nang sinarado nya ang pinto ng aking kwarto.

Sabi nya sakin ay mag suot ako nang kulay maroon din daw na damit. Naka maroon na t-shirt sya at khaki shorts. And me, i'm wearing a maroon overall shorts. I also wearing a black flats. Nag ponytail ako nanv buhok ko at nag lagay ng lip gloss sa aking labi.

Lumabas ako nang kwarto at napangiti naman sya nang makitang tapos na ko sa paghahanda ng sarili ko.

"After two and a half hours, natapos din ang prinsesa." Inirapan ko naman ito.

Dinala nya ko sa isang sinahan tsaka at pagtapos ay bumyahe kami papunta sa lugar na hindi ko alam, kakain daw kami.

"Hoi, Gio! Baka saan mo ko dalhin ah!"

"Oo. Kikidnapin na kita, tas papakasal tayo."

"Ulul! Pakasal ka mag-isa mo."

Tangina. Yung puso ko nag wawala.

Huminto kami sa isang exclusive restaurant.

Si Gio ang unang pumasok at hindi na muna ko pinasunod sa loob.

Naiwan na muna ko sa labas.

Puro kurtina ang salamin ng resto kaya hindi mo makita ang tao sa loob.

Habang nasa loob si Gio, pumasok sa isip ko ang, kung bakit ba ginagawa ni Gio ito. Is he likes me? Ano, may pabor ba syang hinihingi sakin?

"Angeline!" Narinig kong boses nya mula sa loob ng resto.

Sumenyas sya na pumasok na daw ako kaya naman nag lakad na ko papasok.

Lintek na Sergio 'to! Hindi manlang ako sinundo papasok o kaya naman ay hintayin ako sa pintuan.

Aba! Sinarado nya ang pinto kaya ako pa ang mag bubukas.

Pag bukas ko nang pinto ay bigla naman akong kinabahan.

Pano ba naman kase, patay yung ilaw sa loob. Ni katiting na liwanag ay wala akong matanaw.

Tangina. Mamaya may multo dito, tapos kunin ako tas hindi na ko makabalik!

Oh my godddd!!!!

"Gio! Gio, asan ka na uyyy!!!"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumakas ang aircon.

"Sergio! Hindi na nakakatuwa! Asan ka na!"

Tears start falling from my eyes.

Shit!

"Gio..." hindi na malinaw ang tunog ng boses ko dahil sa may nag babara dito.

May biglang yumakap sakin mula likod kaya naman napatili ako.

"Sshhh! Don't cry."

May biglang spotlight na nag tapat samin.

Ipinaharap nya ko sa kanya at pinunasan nya ang mga luha na lumalabas sa aking mga mata.

"Para saan 'to?" I asked him.

"I love you." He suddenly said.

"Huh?"

"Mahal kita. Matagal na. Yung taon na umamin ka sakin. Fuck! God really knows, na hindi ako maka-tapak ng airport kinabukasan. I know you really going to hate me. Nung kinuwento sakin ni mommy yung nagtanong ka kay manang. I can't sleep. Hindi ako makatulog dahil, damn! I know i broke your heart, and i'm sorry for that. Hindi ko sinabi sayo na aalis ako at mag-aaral ako sa ibang lugar, kase alam ko naman na pag nalaman mo, pipigilan mo kong umalis. At pag ginawa mo yun.." he chuckled. "Hindi na ko matutuloy sa pag alis."

I am still crying while hearing his side now. Patuloy sya sa pag punas ng luha ko.

"I love you. I'm sorry kung ngayon lang. Naduwag ako eh."

"Tell me, hindi ka galit sakin nung iniwan kita. Nung nag punta ako ng SG ng hindi nagpa-alam sayo?"

"Of course not. Mahal kita eh. Maiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa 'yun."

"Are you sure? Kaya mong sakyan yung topak ko?"

"Nakayanan ko nga ng ilang taon, ngayon pa kaya?"

"Baka iwan mo ko ulit?"

"Hindi na. Isasama na kita."

Pinunasan nya ulit ang luhang lumalabas sa mata ko gamit ang daliri nya.

"No more question. Now tell me, do you still like me?"

"I love you." I said that, tears start falling down again.

"That's it! Okay na! Babakuran na kita. We're official. Akin ka na. Akin ka lang."

Without Farewells Where stories live. Discover now