CHAPTER 4

4 0 0
                                        

4. Sorry

Hindi na nakapag-salita si Gio bumalik nalang sa kwarto na pinagtulugan nya kanina.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na bumalik na sya?" Tanong ni Gian nung umalis na si Gio sa tabi ko.

"Baka kase maistorbo lang kita sa trabaho mo."

"Kahit kailan ay hindi ka nakaka-istorbo sakin Angie."

Hinawakan ni Gian ang kamay ko at tinititigan nya ito at pinipisil-pisil pa nang bahagya.

"Please. Keep me Angie."

Napatingin ako sa kanya at nakita ko na malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Alam ko naman na ngayon palang tayo nagkaka-mabutihan talaga eh. Sa loob ng tatlong taon magka-kilala tayo. Yung dalawang taon dun ay puro sya ang bukam-bibig mo. Sya ang iniiyakan mo gabi-gabi. Alam ko naman na mas malaki ang na invest mong feelings mo sa kanya kesa sakin kaya hindi malabo na bumalik din yun agad ngayon. Mas matagal kayong magkaibigan at magka-kilala kesa sakin kaya mas kilala nyo ang isa't-isa. Pero sana... kahit malabo... kahit alam ko naman na talo na ko saming dalawa.... sana.... sana piliin mo ko." Pumatak ang kanyang mga luha at bumaling sakin. "Choose me, Evangeline. Hindi kita sasaktan. Aalagaan kita, hindi kita iiwan gaya nang ginawa nya sayo."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin gayong kahit ako ay naguguluhan nung bumalik si Gio kaninang umaga.

"Wag ka nang umiyak."

Wag kang mag-alala Gian. Kung dadating man sa puntong kailangan ko na mamili sa inyong dalawa. Baka sakali..... baka sakaling ikaw ang piliin ko.. baka.. sana...

Tahimik kami parehas ni Gian at walang nagtatangkang mag-salita. Si Gio naman ay hindi lumalabas sa kwarto.

Alas otso y media nang nagpaalam si Gian sakin na uuwi na sya. Sinabi nya rin na mag ingat daw ako.

Pag-alis nya, lumabas naman din si Gio sa kwarto.

"Syota mo?" He asked in a cold tone voice.

"Hindi."

"Pero nag-papahalik ka sa pisngi mo?!" Tumaas na tono nang pagsasalita nya ngayon.

"Paki-alam mo ba?!" Pasigaw na tanong ko na din.

"Hindi na kita kilala Angeline."

"Wala akong pake-alam! Nagtataka nga ako kung bakit ka pa bumalik samantalang ayos na ko ngayon!?"

Hindi ito nagsalita.

"Ikaw?! Bakit hindi ka nagpaalam sakin na aalis ka?! Magkasama tayo nung gabi na yun pero hindi ka nagpaalam sakin?! Hindi mo sinasagot yung mga tawag ko?! Tatlong buwan?! Tatlong punyetang buwan ako tumawag at nagte-text sayo! China-chat din kita pero hindi ka re-reply!? Ni-hindi ko alam kung buhay ka pa ba o patay ka na! Tapos babalik ka dito na para bang walang nangyari! Na para bang ayos tayo nung umalis ka?!"

Lumapit sya sakin at pinunasan nya nang kanyang daliri ang mga luhang tumakas sa mga mata ko.

Hinawi ko ang dalawang kamay nya at nagulat naman sya sa ginawa ko.

"Ano? Wala ka bang gustong sabihin?! Magsalita ka?! Mag-paliwanag ka?! Kaibigan mo ko 'di ba?! Teka. Kaya ba hindi ka nag-paalam kase kaibigan mo lang ako? Ganun ba yun? Hindi ako mahalaga sayo?"

"Hindi. Hindi ganoon yun. Mahalaga ka sakin." Niyakap nya ko pero pilit ko syang tinutulak palayo sakin. Nabigo ako sa pag-tulak sa kanya dahil masyado syang malakas. Nararamdaman ko ang bawat patak ng luha nya sa aking likod.

"I'm sorry. I'm very.. very sorry Evangeline."

Without Farewells Where stories live. Discover now