7. Begin again
Kinabukasan ay pumasok ako sa trabaho at tinapos ko ang ilang paper works ko.
Nung nag break kami ay kasama ko si Madie.
Isa si Madie sa mga kaibigan ko dito.
"May kasabay ka mamaya?" Tanong ko sa kanya. Sya kase ang kasabay ko sa pag uwi pag hindi sya sinu-sundo nang asawa nya.
"Oo eh. Susunduin ako ni Ely."
Kasing edaran ko lang si Madie pero may asawa na ito. Arrange marriage kase sila ni Ely na asawa nya. Sa pagkaka-kwento nya sakin ay college palang ay kasal na sila.
"Ganun? Sige."
Sya ang bumili nang pagkain naming dalawa at ako naman ay nag ii-scroll lang sa facebook hanggang sa may nag notif sakin.
'Gio Velasquez sent you a friend request.'
Accept | Cancel
Hindi ko ito pinansin at dumating naman si Madie dala ang tray ng pagkain namin.
"Kamusta kayo ni Ely? Nung huling pasok ko magka-away kayo ah."
"Ayos naman na kami. Sinurprise nya ko eh."
"Sus! Marupok ka pala eh!"
"Wala eh. Mahal ko. Ganun naman talaga pag mahal mo yung tao diba? Hindi mo matiis."
"Yeah."
Pagtapos ng break ay bumalik narin kami sa mga trabaho namin.
Mabilis ang ang oras at hindi ko inakala na matatapos ko ang naiwang trabaho sakin ng maaga sa oras.
"Mads, baba lang ako." Paalam ko kay Madilein na busy'ing-busy sa trabaho nya.
"Tapos ka na?" Tanong nito.
"Oo eh."
"Hayyy, buti ka pa..."
Naglakad na ko at dumeretso ako sa ministop sa tabi lang ng office namin
Ano naman ang bibilin ko dito?
Iced tea? Chocolates? Ice cream?
"Uhm. Excuse me. Ano pong flavor ng ice cream nyo?"
"Chocolate po."
"Isa nga po."
Umalis ako sa counter saglit at kumuha ng isang iced tea.
Pag balik ko ay kinuha ko na rin ang ice cream ko sa counter at binayaran ang mga binili ko.
"Hindi ka parin nagbabago ah. Pag ikaw talaga nag tae dahil dyan sa kinakain mo." Boses palang niya ay alam ko nang si Gio yun.
Humarap ako sa kanya at naka-ngiti ito sakin.
"Pano mo nalaman na dito ako nag tatrabaho?"
"Dun ka sa kabila nag tatrabaho hindi dito sa ministop Angie."
Napa irap nalang ako sa kanya.
"Why are you here?" Tanong ko.
"Let's talk."
Walang anu-ano ay hinila nya ko palabas sa ministop.
"Hoy! Teka nga! Yung ice cream ko matatapon!"
"Tsk. Akin na!" Kinuha nya ang ice cream at sya ang nagdala habang naglalakad kami.
Tumigil kami sa harap ng isang sasakyan.
"Sakay." Utos nya sakin.
"Bakit hindi ikaw ang sumakay! Akina na nga yang ice cream ko! Matutunaw eh!"
Hinablot ko sa kanya ang pagkain ko at sya naman bumuntong hininga.
"Pasok na sa loob. Maguusap tayo."
"Tss. Kausapin mo sarili mo!"
"Evangeline." Seryoso ang tono ng boses nya at masama na ang tingin sakin.
Kinilabutan ako sa sobrang takot!
"Hmm.. papasok na!" Masungit na tugon ko sa kanya sabay irap sa ere.
Umikot sya sa harapan at tsaka pumasok sa driver seat.
"Ubusin mo muna yan bago tayo mag usap."
Binilisan ko nalang ang pagkain ko at pagtapos ay nagsalita naman na din si Gio.
"Galit ka pa rin?" He asked.
"Uhm.. medyo. Parang." Natawa ako nang bahagya sa mga naging sagot ko. "Hindi ko rin alam eh."
"I'm sorry. Alam ko naman na mali yung ginawa ko. Umalis nang walang paalam tas bigla nalang akong babalik na parang walang nangyari. Wala eh. Hindi ko alam kung pano kita kakausapin pagkatapos ng tatlong taon. Naging gago ako sa pag iwan sayo pagkatapos mo mag confess sakin. Sorry talaga Evangeline. Believe me. Walang araw at walang oras na hindi kita iniisip. Walang araw at oras na hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sayo. I am very sorry. Could you forgive me?"
Nakikita ko ang mga luha na nagbabadya na tumulo mula sa mga mata nya.
What should i say?
My mind keep saying na wag ko syang patawarin at umalis na ko dito sa sasakyan nya but my heart keep saying na patawarin ko na sya.
What should i do?
I'm torn between my heart and my mind.
"Angeline, Could you forgive me?"
Fuck! He's now crying!
"You're----" i gasped. "You are forgiven."
"Re--really?!"
"Yeah. I forgive you."
"Thank you!"
Niyakap nya ko at ramdam ko ang pag tulo nang kanyang luha sa likod ko.
"Let's just beging again."
![](https://img.wattpad.com/cover/191387504-288-k476720.jpg)
YOU ARE READING
Without Farewells
Historia CortaHe left me without saying any goodbyes, i do the same thing to him. I left him without saying goodbye. Short story_ Entitled: Without Farewells Written by: Trix_ie