CHAPTER 3

5 0 0
                                    

3. Walang karapatan

Natulog si Gio sa kwarto ko at ako naman ay naiwan sa sala.

Hindi ako mapakali. Maya't-maya tumatayo ako at maglalakad kung saan dito sa unit ko kahit na walang dahilan at uupo din naman kalaunan.

Anong gagawin ko?

Should i call Bea? Gian?

Sino? Kanino ko sasabihin na nandito na si Gio?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mapapraning na ata ako dito kung wala akong makakausap.

I decided to call Bea but she didn't answer my call. Damn! Maybe she's busy at her work! Gian probably at his work too, saturday is his off and 6 in the evening is his out at his work.

I leave a message to Bea. Baka sakaling mabasa nya iyon pag nag break sya sa trabaho nya.

To: Bea Roze

Gio is back, and he is here in my condo sleeping in my room!

Binuksan ko ang tv pero hindi ako makapag-focus sa kung anung palabas man ang naroon. Lumilipad ang utak ko hindi ko alam kung paano ako makikitungo kay Gio mamaya pag nagising na sya.

Bandang two-thirty ng nag reply sakin ang pinsan ko.

From: Bea Roze

What?! Kelan pa? Just act normal. Wag ka mag-pahalata na apektado ka parin sa ginawa nya sayo three years ago.

To: Bea Roze

Kanina lang siguro. Ang sabi nya saakin ay dito sya dumeretso sa condo ko at hindi sa pamilya nya.

From: Bea Roze

Just do what i said. Sige na at magta-trabaho na ulit ako.

Mabilis ang oras hanggang sa nagising si Gio nang five-thirty.

Tahimik lang kami parehas.

"Penge akong pagkain sa ref mo ah!" Naka ngiti nitong paalam sakin.

"Sige lang." Pilit na ngiti kong tugon sa kanya.

Manggang hinog ang napili nya na kainin sa ref.

"Mahilig ka parin sa hinog na mangga." Komento nya habang binabalatan ito sa lamesa.

"Uhm.. yeah."

"Alam mo Gie, pakiramdam ko walang nagbago sayo sa loob ng tatlong taong---"

Hindi nya nadugtungan ang sasabihin nya dahil natahimik na din sya.

"Ikaw? Anong nangyari sa'yo sa loob ng tatlong taong wala tayong komonikasyon?" Hindi ko alam kung saan ko hinigot ang mga salitang 'yon. Kusa syang lumabas sa aking mga bibig.

Natahimik si Gio, alam ko at basa ko ang bawat ekspresyon ng mukha nya at hindi nagbago yun kahit na lumipas pa ang tatlong taong hindi kami nakapag-usap at walang kahit anong kumonikasyon.

"Uh...."

"Wag mo nalang sagutin. Kalimutan nalang din natin yun." Hilaw na ngumiti ako sa kanya.

"Ah.. oo nga." Naiilang man sya. Ngumiti naman sya sakin.

Nagbabalat parin sya nang mangga at nang matapos sya ay inalok nya ko.

Parehas kaming kumakain ng manggang binalatan nya habang nanonood sa tv.

Bakit kaya sya bumalik?

Bumakas na naman ang pinto at si Gian naman na ang pumasok.

Nakangiti ito pero nang makita nya si Gio at nawala ang ngiti na naka-pinta sa kanyang mukha.

"Angeline." Lumapit sya sakin at hinagkan ako sa aking pisngi.

"Gio diba?" Maangas na tonong tanong ni Gian sa katabi ko.

"Oo 'pre. Ikaw sino ka?" Mas maangas pa na tonong sagot ni Gio.

"Gian."

"Ano ka ni Angeline?" Salubong na kilay na tanong ni Gio sa kanya.

"Wala ka na don!" Salubong na rin ang kilay ni Gian sa tabi.

Nag tiim naman ang panga ni Gio sa naging sagot ni Gian sa kanya.

Kinakabahan ako sa kanilang dalawa. Napagitnaan ba naman ako.

"Bakit ayaw mo sabihin?" Salubong parin ang kilay ni Gio habang nagtatanong kay Gian.

"Bakit? Sino ka ba? Hindi ka naman nya nobyo ah? Kaibigan ka lang naman nya diba? Kaibigan na umalis ng walang paalam at hindi gumawa nang kahit anong paraan para makapag-usap kayong dalawa? Kaibigan ka lang! Kaya wala kang karapatan tanongin ang kung anong namamagitan samin ni Angeline!"






Without Farewells Where stories live. Discover now