CHAPTER 10

3 0 0
                                    

10. Hilary

Week passed after Gian and me became official.

Madie was very happy for me.

Well, Gio and Bea are not that really happy. I don't know. Hindi naman nila sinabi na hindi sila masaya para samin ni Gian pero, i can feel it. Ewan ko ba. Maybe i'm just assuming.

Anyway, hindi ko rin naman alam kung ano talaga yung dahilan kung bakit sila nagka-ganon or kung ano ang tumatakbo sa isip nila.

"Hi babe!" Ngiti ang isinalubong ni Gian sakin nang pumasok sya sa aking condo.

"Hello." I smiled.

I don't like endearments. Pero mapilit sya eh. Anong magagawa ko?

"Uhm. Gian, mamaya nga pala. Pupunta ko kila Gio."

"Wa-why?"

"Nothing. Simula kase nung tumawag ako sa kanya last week hindi na sya ulit nagpakita sakin."

"You missed him?"

"Of course!"

"Why?"

"Bacause he is my bestfriend."

"Wala naman akong magagawa, diba?"

"Yes. Sinasabi ko lang sayo para alam mo. I don't need your permission."

"Okay." He smiled.

Bumili sya nang aming kakainin para sa tanghalian sa isang fastfood chain. Habang wala sya ay nag tipa ako nang mai-ttext kay Gio.

To: Gio

Sergio, punta ko sa inyo mamaya.

Agad din namang nag reply si Gio saakin.

From: Gio

Wag na. May bisita ko.

To: Gio

Edi wow. Ayaw mo lang eh.

From: Gio

Sabi ngang meron. Makulit ka talaga.

Hindi ko na sya nireplyan pa. Kahit namang anong sabihin nya ay pupunta parin ako. Alam ko naman na hindi totoo yun.

Pag balik ni Gian ay kumain kami at umalis narin sya agad dahil alam nya naman na aalis ako.

Naligo ako agad at nag isinoot ko ang isang puting dress at black pumps. Meron din akong shoulder bag na dala at nag lagay ako nang light make up sa aking mukha. Then, i'm ready to go.

Kahit na tatlong taon na ang lumipas alam ko pa rin ang papunta kila Gio kaya hindi ako naligaw.

Pagkadating ko sa kanilang lugar ay nagmadali ako sa pagbaba sa aking kotse para makapunta agad sa kanilang pinto.

Nag doorbell ako pero walang nagbubukas kaya sumigaw pa ko.

"Sergioooooo!!!!"

"Teka lang!"

Binuksan nya ang pinto nang nakangiti pero nang makita nya ako ay nawala ang ngiting naka pinta sa mukha nya.

"Angeline." Aniya

"Mukhang hindi nga ako ang inaasahan mong bisita."

"Ah.. pasok. Pasok ka."

Isinarado nya ang pinto at bumaling agad sakin.

"Bakit ka nandito?" He asked me in a cold tone.

"I already told you na pupunta ako."

"Pero may bisita nga ako." Malamig parin ang tono nang pananalita nya.

"Oh! Angeline! Ikaw pala yan!" Pag bati ni mama Celia sakin nung makababa sya nang hagdan.

"Mama! Long time no see." Lumapit ako sa kanya at yinakap sya. I miss the mother of my bestfriend.

Naaalala ko dati nung madalas pa ko dito sa kanila. Tita ang tawag ko sa nanay ni Gio pero nung nag tagal siya na mismo ang nag sabi na mama na ang itawag ko sa kanya. She's like my mother too. Mabait sya sakin. She always cared about me. Minsan nga ay nagseselos na si Gio sakin.

"I miss you Angeline. Tatlong taon din tayong hindi nagkita at, napaka ganda mo na lalo!"

"Salamat po, mama."

"Akala ko ay yung bisita na ni Sergio ang dumating kaya bumaba ako. Hindi ko naman alam na may panauhing pangdangal pa siya."

Natawa nalang ako sa sinabi nang nanay ni Gio. May bisita nga talaga sya.

"Halika, maupo tayo roon." Inaya ako ni mama Celia na umupo sa sofa nila kaya sumunod naman ako sa kanya.

Nalibang ako sa pagke-kwentuhan namin ni mama Celia hanggang sa may nag doorbell pagkalipas ng thirty minutes.

Nagmadali agad si Gio sa pagpunta sa pintuan pero bago nya buksan ito ay inayos nya muna ang kanyang damit at buhok kahit maayos naman na ito.

"Hi, Gio!" Bungad ng isang mestizang babae sabay akap sa kanya.

What the heck!

"Hilary! Come in."

Hilary?! Kaano-ano naman nyang Hilary na yan?!

Without Farewells Where stories live. Discover now