CHAPTER 2

7 0 0
                                        

2. Parang walang nangyari

"Angeline!" Umalingaw-ngaw ang pamilyar na boses sa loob ng aking unit.

Paanong nandito sya sa harap ko ngayon?

"Gio." Mahinang usal ko sa pangalan nya.

Iniwan nya ang kanyang maleta sa harap ng pintong naka sarado na at dali-dali syang lumapit sakin at yinakap ako nang mahigpit.

"I missed you so much Angie!"

Hindi ako maka galaw. Pati ang aking mga kamay ay hindi magawang gantihan sya nang yakap. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang yakap-yakap nya ko. Sa loob ng tatlong taon ay hindi ko naramdaman ang yakap na iyon.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Speechless?" Tumawa pa ito nang bahagya.

Hindi ko alam kung ano ba ang ang dapat na sabihin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa wakas! Pagtapos ng tatlong taon nakita ko na ulit o sya o maiinis dahil dahil sa nararamdaman ko.

Nanunumbalik sakin ang lahat. Ang pag-alis nya nang walang paalam. Yung gabing kausap ko sya bago sya umalis.

"Kamusta? Ang tagal nating hindi nagkita."

Damn you Sergio Velasco! You're acting like there's nothing happened between you and me before you fucking leave me and did not called for damn three years!

"Masyado ka atang tahimik Evangeline? Aba! Naninibago ako sayo ah!"

"Huy! Bakit hindi ka makapag salita?! Speechless ka sa pag-dating ng gwapo mong bestfriend?"

Bestfriend. Yeah. I'm just his bestfriend. Teka? Bakit nga ba ko nag iinarte ngayon? Hindi naman naging kami kahit na trenta segundo man lang.

"I don't know what to say." Mahinang usal ko sa kanya. Sapat na para marinig nya ito gayong malapit naman sya sakin.

"It's fine. As expected ganyan ang reaksyon mo. Buti nalang at hindi ka lumipat ng condo at yun parin ang passcode mo. May i sleep here? Hindi pa ko umuuwi sa bahay eh, dito kase ako dumeretso."

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Bakit dito sya unang pumunta gayong kaibigan nya lang naman ako. Ang dapat na kasama ngayon ay ang pamilya nya at hindi ako 'yon.

"Na miss kita eh."

So, hindi nya na-miss ang kanyang pamilya? Ano ang ibig sabihin nya? Mas namiss nya ko kesa sa pamilya nya?

Pero bakit ngayon na bumalik sya. Para bang walang nangyari. Nakikipag usap sya sakin na para bang malapit parin kami sa isa't-isa gaya nang lumipas na tatlong taon bago sya bumalik.

Without Farewells Where stories live. Discover now