CHAPTER 16

3 0 0
                                        

16. All mine

Nandito ako ngayon sa ospital, hindi ko alam kung paano pero nagising nalang ako ngayon at si Madie ang nag babantay sakin.

"Oh. My. God! Buti naman at gising ka na!" Halos magtatalon pa ito sa tuwa nung nakitang gising na ko.

"Anong nangyari sakin?" I asked her.

"Naaksidente ka, three days ago. Ngayon ka lang nagising. Nabagok yung ulo tas dugo nang dugo." Paliwanag nito.

"Sinong nagdala sakin sa ospital?" Tanong ko naman.

"Meron daw dumaan na mag-babarkada galing outing, tas ayun. Nakita nila na naka-bangga yung sasakyan mo sa puno."

"Pano mo nalaman na nandito ako?"

"Tinawagan ako ni anoo..."

"Nino?"

"Kase ganito yun eh. Uhm.. nakita nung mga pulis yung cellphone mo tas si Gio yung huli mong kinontak daw. 1 day ago ang naka lagay at wala ka na daw ibang tinawagan. Tas ayun... limang beses pa tinawagan si Gio gamit yung number mo. Tas ayun. Nag punta sya sa office para sabihin samin, kaya nalaman ko."

"Uhm.. sino-sino nag punta dito?" Tanong ko ulit.

"Pinsan mo, yung jowa mo ta---"

"Hindi ko na boyfriend yun. He's my ex." Putol ko sa kanya.

"Why? Bea and Gian, cheated to me."

"Oh. Now. It's already cleared to me. Kaya sorry ng sorry si Beanca everytime na dumadalaw sya dito. Yung ex mo naman. Pinalabas ako nung may sinabi sayo."

"Si Gio? Bumalik ba sya nung binisita ako?"

"Oo. Araw-araw nandito sya. Pag nasa trabaho sya ako nag babantay sayo tsaka minsan kasama ko si Ely pero pag nandito na si Gio. Aalis na rin kami."

"Salamat. Naka-abala pa ko."

"No. Ayos lang, nukaba! Bestfriend kita diba?!"

"Salamat talaga."

"Ayos lang talaga. Uhm.. sayang lang dahil tuloy na daw next week yung flight mo papuntang singapore."

"Ano nangyari? Canceled na ba?"

"No. Ayaw mag desisyon ni Sir habang hindi ka pa nagigising."

"Good. Sabihin mo, tuloy yung alis ko next week."

"What?! Are you serious?!"

"Yes. I need to start my life again. Without Gian,  Bea and Gio."

"Wait? Akala ko ba mag kabati na kayo ni Gio? Ano? Warla na naman kayo?"

"Yes."

"Bakit?"

"Medyo mahabang kwento. Hayyy.. masyadong masakit lahat. His actions,mga salitang binibitawan nya sakin."

"Oh."

Dumating ang doktor at tinanong ako nito nang kung anu-ano ang nararamdaman ko. Kung nahihilo ba ko. Tinanong ko din kung pwede ako bumyahe papuntang singapore next week at sabi naman ay mukhang pwede dahil hindi naman daw malala ang tama nito sa ulo ko.

Dumating si Ely para sunduin naman ang asawa niya. Ayaw pa nga kong iwan ni Madie pero pinilit ko sya na umuwi na at kaya ko naman ang sarili ko.

Pag-alis nila Madie ay may dumating na nurse para daw kunin ang aking Blood Preasure.

Pag-alis nya ay syang pag dating ni Bea at ni Gian.

"Why you two are here?" Mataray na sagot ko.

"I'm sorry." Umiiyak na saad nito sakin.

"Okay." Malamig pa sa yelo na sagot ko sa kanya.

May ibinulong ang pinsan ko kay Gian at tumingin naman si Gian sakin bago lumabas.

"Angeline. I'm sorry.."

"Yan lang ba ang masasabi mo?"

"Hindi ko sya balak agawin sayo. Basta. Bigla nalang nangyari."

"Hindi mo balak pero ginawa mo parin! Tangina. Choice mo yun. Choice mo kung aagawin mo sakin o hindi!"

"Kaya nga nag so-sorry ako. I know i made a wrong desicion, i am very sorry..." humagulgol ito sa harapan ko.

"Dapat sinabi mo saakin na may gusto ka sakanya para hindi ko hinayaang lumalim pa ang pinag-samahan naming dalawa! Hindi yung aagawin mo sya ngayong pag-aari ko na!"

"Sorry... kahit isisi mo samin o sakin ang dahilan kung bakit ka naaksidente ayos lang. Tatanggapin ko, tatangapin namin."

"Hindi nyo kasalanan. Ako ang nag mamaneho nang sasakyan kaya kasalanan ko iyon."

"I'm sorry."

"Kung wala ka nang sasabihin, umalis ka na."

"Angeline. Sa totoo lang. Nung inagaw ko sya sayo, hindi ako nagsisi. Sya ang dahilan ng ligaya ko kaya kahit mali ay ayos na ko."

"Damn it! Get out!" Sigaw ko sa kanya kaya nagulat sya.

"I am very sorry, Evangeline."

"Fuck! I don't care about your sorry's! I said, Get Fucking Out!" Sigaw ko nang mas malakas kaya nagulat sya at lumabas na.

Isang oras ang lumipas, si Gio naman ang dumating.

"Kamusta ka na?"

Hindi ako sumagot sa kanya. Naalala ko yung ginawa nya sakin nung huling nagkita kami.

Tinignan ko ang palapulsuhan ko na diniinan nya noon. May konting pasa parin ito.

"Sorry." He murmured

"Fuck that sorry. Sinasabi nyo lang naman yan pag naka-sakit na diba?!"

"Siguro ay isa ako sa mga dahilan kung bakit ka naaksidente. Alam ko na ang nangyari at kung ano ba ang dahilan kung bat ka nag lasing. Pasensya na."

"Don't say sorry. Hindi kayo ang nag mamaneho nang sasakyan. Ako yun! Ako ang may kasalanan! Wala kayo, hindi kayo involve. Tanging ako lang. It's my fault so, the blame is all mine!"


Without Farewells Where stories live. Discover now