3rd Chappie

134 6 0
                                    

Pagkabukas na pagkabukas ni Cian ng pinto I know exactly what I saw... na nakapag paluha sakin ng hindi inaasahan.

Nakita ko sila Kean at Chloe... 

.... 

.... 

.... 

Kissing like there's no tomorrow.

Nakita ata ako ni Cian na umiiyak at nakatingin lang sa kanilang dalawa kaya to make things worst hinila niya ako at talagang sinigurado na dadaan kami sa kanila, that made them stop from what they're doing, kami naman nilagpasan lang sila at dumeretso sa kusina.

Hindi ko na talaga kayang pigilan ang luha ko at talagang humagulgol ako pero ang ginawa niya ang mas lalong nagpaiyak sakin.....

Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya... Eto ang pagkakataon kung saan dapat akong kiligin pero things are different. And its not I'm prepared of. Not this one.

Pagkatapos ng ilang minuto ng pag iiyak ko nakadama na ako ng gutom at the same time awa dahil nabasa ko ng luha ang damit niya.

"I'm sorry"

Bigla kong sinabi sa kalagitnaan ng tahimik naming pagkain.

"For what?"

"About the..."

"Ah yung tungkol sa pagbigay mo sakin ng problema dahil sa nakatagos ka at ang unrequited love mo sa kapatid ko to think binasa mo ang damit ko ng luha mo and also the part that you are the first girl to enter into my room? Nah!! Wala yun."

Tumingin ako sa kanya bilang sign ng pagkainis ko. Akala ko eto na yung time na magiging mabait ako sa kanya at sya sa akin pero binalik nya lahat ng asar ko sa kanya.

Arghhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!

"Talgang ba...."

"You know what? Someone told me that tears are for those who deserve it so don't waste it for useless people"

Napahinto ako sa sasabihin ko sa kanya. Lalo na sa sinabi niya sakin.

Akala ko puro pangungulit at pangaasar lang ang alam niya. May deep side din pala siya.

"Yeah your right"

Sa oras ng pagkain namin dumating si Kean.

"Oh asan na si Chloe?"

Eto nanaman siya nangaasar talaga eh no?

"Umuwi na siya"

Sabay kuha ng tubig sa ref.

"Why? Naistorbo ba namin kayo?"

Tanong ng magaling niyang kapatid.

Hindi kaagad nakasagot si Kean instead tumingin siya sa shorts na suot ko. Malamang nagtataka yun kung bakit suot ko ang short ni Cian.

"Hindi kami nag ano..."

Oopsiiie... tinakpan ko agad ang bibig ko nasabi ko kasi ang nasa utak ko.Kasi baka isipin niya na nag ano kami ni Cian to think nasa kwarto niya kami kanina. Diba ganon sa napapanuod ko?

Nakita ko si Cian nakangiti. I'm sure nagets niya kung ano ang gusto kong sabihin.

"Nag ano Ceradine?"

Pang aasar ni Cian at nakangisi pa talaga.

"Ahm.... Ah....Eh"

"Alis na ako"

sabi ni Kean saka umalis sa kusina nila. Namimiss ko na yung Kean na kilala ko.

Pag tinitignan ko siya feeling ko ibang tao ang nasa harap ko. Ibang iba sa minahal kong Kean Fernandez.

Yung Kean na sweet, maalalahanin, yung titingin lang sayo ang ibang lalaki pag nasa mall kayo kala mo papatay na siya ng tao.

Yung nirerespeto ako na kahit nasa isang secluded area lang kami, panatag ka, safe kumbaga dahil alam mong wala siyang gagawin na hindi mo magugustuhan.

Nalulungkot ako, anong nangyari samin, sa kanya, bakit bigla nalang siyang nagbago at nakipagbreak?

"Uhm, Cian? Can I ask you something?" Nakatungo kong sabi.

"You're already asking"

Seriously? Hilig niya ding mangbara eh noh? Ayan nanaman siya eh.  

/(=_=)\

"Why?" Tanong ko

"Why what?" Curious niyang sabi.

"Why are you helping me? Why did you told your brother that we are together knowing the fact that we just broke up early this morning? We barely know each other! And why are you doing this for me?"

"Ang dami mo namang tanong"

"I'm serious"

Then nakita kong nag-iba ang expression niya sa mukha. From being a teaser to serious type.

"Just because..... you don't have to look for answer"

"Are you or should I say Do YOU perhaps like me?"

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon