24th Chappie

79 2 2
                                    

CIAN'S POV

"Para kay Zia ito!"

*Punch*

"Bakit mo ginawa sa kanya yun Kean? Ha! Sabihin mo!!!!"

*Punch*

Hindi siya umiimik, ni hindi siya bumabawi sa mga suntok ko, kung meron man, yun yung bigla ko siyang sinunutok kaya bumawi siya. Napuruhan nga ako sa pisngi eh.

Simula kagabi. Ewan ko pero nung narinig ko ang hiniling ni Zia gusto kong patayin si Kean.

Basta nalang ako nagalit sa mga sinabi ni Zia, lalo pa nung bigla siyang lumuha nang makatulog.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nangyari sa kanilang dalawa yun kaya nga pumunta ako kay Kean.

Pero nanatiling tahimik siya. Mukhang hindi ito magsasalita kaya mabuti nang umuwi nalang ako

***

Pagkauwi, nakita kong tulog siya pero parang may mali. May mga rashes siya sa buong katawan.

Tapos nung hinawakan ko naman ang noo niya.

"Sh*t"

Binuhat ko siya na hirap na hirap huminga. At dinala sa malapit na ospital. Wala parin siyang malay na inilagay sa stretcher.

"Sir, hanggang dito nalang po kayo"

Damn! Ano ba talagang nangyari sa kanya. Maayos naman ako pag-alis ko bakit nung bumalik ako mainit na siya at may mga rashes pa.

Hindi kaya may kinain siya? O baka naman yung niluto ko. Aish! Ano ba to. Baka kasalanan ko naman. Tinawagan ko ang Mommy niya. Makalipas ang ilang minuto dumating din.

"A-anong nangyari kay Ceradine, Cian? Anong s-sabi ng doktor ha?" Maiyak iyak na tanong niya.

"H-hindi pa po lumalabas ang doktor Tita."

"P-pero ano ba talagang nangyari?" Sinabi ko sa kanya ang lahat.

"H-hindi kaya may hinalo kang kung anong seafood?"

Then it hit me. Tama, may nilagay akong seafood powder mix sa niluto ko. Sh*t pano nato. Pano pag napatay ko si Zia. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Paano na to? Biglang lumabas ang doktor.

"Cecilia?"

"John! W-what happened to my daughter??"

Tumayo si tita at lumapit sa doktor. Mukhang kilala niya. Tumayo na rin ako.

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon