25th Chappie

66 2 0
                                    

"Zia, alam mo ba nang maabutan kitang walang malay, kinabahan ako kaya sa susunod, wag mo nang ulit akong pag-alalahin. Promise me that."

Napangiti ako ng maalala ko ang sinabing yun ni Cian nung gabing tabi kami sa hospital bed natulog.

Kyaaaaaah! Kinikilig ako! Hindi ko mapigilan ang mamula pag naaalala yun.

Nga pala matagal na akong nadischarge and since 1 week nalang bago matapos ang summer vacation naisipan ni Cian na umalis na dito.

Tsk! Kainis! Wala nang magsasaway saakin kung sunog o hindi ang pagkain.

Wala na ring NEAT-FREAK na magsasaway saakin ng:

"Zia, ano to?"

"Zia, pulutin mo to! Pulutin mo yan!"

"Aish! Zia ang kalat mo!"

"ZIAAAAAAAAAAA!"

Napangiti ako dahil dun. Mamimiss ko siya. Ano ba to? Erase. Erase. Erase.

"Zia, dalawang araw palang siyang wala okay? Wala to. Wala to."

~***~

Natapos ang isang linggong nanibago ako dahil nga sa wala si Cian. Naging dependent na ako simula nang nandito siya.

At ngayon nga, papasok na ako sa entrance ng academy ng makita ko si Cian..

Hindi ko alam pero parang natuwa ako ng makita siya. Lumapit ako sa kanya saka siya kinalabit...

"Cian?"

Humarap siya sakin, okay? Poker face nanaman siya.

"What is it?"

Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko. Napag-isipan ko yun bago magpasukan. Aish! Sasabihin ko ba?

"Ahm.... Ano...Eh... tatanog ko lang sana kung...."

"Zia, stop beating around the bush. What is it?"

Tumingin ako ng deretso sa mata niya. Aja, Zia kaya mo to!

"A-Ano, kase, t-tayo pa ba? I mean, kasi ano... gusto sanang manligaw ng aso ng kapit bahay ko."

Yumuko ako dahil sa hiya saka kinagat ang labi. Kyaaaah! Dapat hindi ko na tinanong pa yun. Ano bang ginagawa ko? Nakakahiya. Aaaaaah!

"Zia, walang aso ang kapit bahay mo. Silly."

Lumapit ang mukha niya sakin saka ngumiti. Feeling ko namumula nanaman ako. Sobrang lapit niya...

Tapos... tapos.. Pinitik niya ako? Aaaaah! Nagiging hobby niya na talagang gawin sakin yun. Napahawak ako sa noo ko.

"Subukan mo lang magpaligaw sa iba lagot ka sakin."

Napatigil ako sa paghimas sa noo ko. May lumabas na usok sa mga tenga ko at kasing kulay ko na ang kamatis sa sobrang pamumula.

"E-Eh? Ibig sabihin t-tayo pari...."

*TSUP!*

At ayun nanaman po siya. Hindi talaga matatapos ang araw nang hindi niya ako hinahalikan... Lahat ng dugo ko umakyat na sa ulo ko.

"Sapat na ba yan na sagot sa tanog mo?" Ngumiti siya sakin.

Nagsitigilan rin ang mga estudyante sa paglalalakad. Hinampas ko siya braso ng malakas...

"Nasa public place tayoooo. Baliw! >.<"

"Cian?"

Napalingon kaming dalawa ni Cian sa nagsalita.

Si Brianna? Dito siya nagaaral? Lumapit si Cian kay Bree, susunod na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Eraaaa!" Napangiti ako sa tumawag.

"Dy! Dito ka na talaga mag-aaral?"

Tuwang tuwa kong tanong sa kamya ng makalapit. Ginulo niya ang buhok ko saka tumango.

"Dy naman eh!"

"Nahirapan akong lumipat kasi nga 1 year nalang graduate na tayo pero siyempre nadala ng charm! *wink*"

"Yabang! Ano nga palang course mo?"

"Business Management. Hatid mo ko sa buliding ko. Hindi ko kasi alam."

Nagpacute pa ang loko sa harap ko. Natawa nalang ako saka tumango. Hinanap ko si Cian pero wala na siya.

"Building 3 diba?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at saka na kami umakyat ng hagdan.

Nagkukulitan kaming dalawa nang makarating sa room niya. Kahit kelan talaga ang kulit ni Dy.

"Bye Zia, lunch mamaya sabay tayo okay?"

Tumango ako sa kanya at saka pumasok na siya pero bago ako makaalis nakita kong nagtatawanan si Cian at Bree.

Magkatabi pa talaga. Tsk! Ang landi niya! Che! Magsama silang dalawa!

Padabog akong umkyat sa hagdan ng department ko nang may makabungguan ako.

"Miss sorry."

Tinulungan niya akong pulutin ang mga gamit kong nahulog.

Nang iaabot niya na saakin, napaangat ang ulo ko at nakita ko ang mukha niya.

O.O

OH-EM-GEEE!

A/N: Guuuuys... I was able to retrieve all my memories about this already erased story... so far it was close to it's original oneeee.... Magdiwanggggg..

(c)LovingBlu

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon