36th Chappie

161 1 0
                                    

Matapos ng huling pag-uusap namin ni Cian, sinubukan ko ang lahat para iwasan siya. Kahit oras oras nagpapakita siya.

"Ano? Naayos niyo na ba ang dapat ayusin? Well I guess not. Seeing your face right now says it all." Sabi niya sabay subo ng fries.

Kung ano man ang dahilan kung bakit lagi siya kumakain nun, wala akong ideya.

"Bes... pwede wag ngayon?" Wala kabuhay buhay kong sagot.

"Alam mo Era? Pwedeng pwede mo namang ayusin eh. Hindi mo na dapat pa pinapatagal yan pero anong ginagawa mo? Iniiwasan mo siya."

Silence. Alam ko namang isa rin ako sa may kasalanan. Pero ayoko pa.

"Ikaw ang pinkaduwag na taong nakilala ko. Ayaw mong harapin ang mga sitwasyong alam mong dapat ng maayos."

"So ano Crissy? Kumakampi ka na sa kanya ngayon?" Napakagat ako sa labi ko. Minsan talaga hindi ko mapigilan ang bibig ko.

Nagulat siya sa biglaan kong tanong. Tumayo na siya at halata ang inis sa mukha.

"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa. Pero sana magawa mong patawarin siya bago pa tuluyan siyang mawala sayo at mapunta sa iba."

Umalis na siya at naiwan akong nakaupo.

Tumayo ako para sana sundan siya at humingi ng tawad sa nasabi ko pero nagulat ako sa nakita ko.

Sa di kalayuan, kitang kita ko si Cian may kasama. Hindi. May kayakap. Si Brianna.

Napaupo ako sa nakita ko. Ito siguro ang sinasabi ni Crissy sakin. Hindi ko alam na may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

Ano ng gagawin ko? Nakaaway ko ang bestfriend ko dahil sa nangyayari saakin ngayon.

~***~

"Dy... Anong... *sob*.. gagawin ko?" Kasama ko si Dy ngayon sa apartment ko tutal sabado ngayon.

"Shhh. Wag ka ng umiyak." Lumapit siya sakin.

Lagi nalang akong umiiyak. Ano nalang gagawin ko sa buhay ko?

"Come here..." Hinawakan niya ako sa kamay ko at niyakap.

"Era... alam mo naman kung ano ang gagawin mo. Pinipilit mo lang takasan ang problema. I know you... bata palang tayo magkasama na tayo."

"Ayoko Dy...*sob* sobrang daming nangyayari... Si K-Kean...Si Cian at si Brianna... Si Crissy..."

Tama. Kinwento ko lahat lahat ng nangyari kay Dy. Mula sa pag-iwan sakin ni Kean hanggang sa pagpapanggap hanggang sa pag-aaway namin ni Cian.

"You know what Era? Napaniwala mo akong may relasyon nga kayo ni Cian..."

Natigil ako at tiningala siya.

"The way you smile when you are with him...the way you laugh"

"P-Pero mahal ko si Kean..." Umiling siya at ngumiti.

"No, you're over him..."

"Pero Dy..."

"You're over from Kean. Kung bakit ka umiyak ng balde dahil kay Kean? Simple. Well, that's because your shock, hindi mo inaasahan na gagawin niya yun sayo..."

"So you're telling me..."

"Yes, you love Cian" umiling ako saka umtras mula kay Dy.

"You love him long before everything... Hindi mo lang maamin sa sarili mo Era. I know you. I know every inch of you. And the way you look at him, the way he looks at you. It's the same."

"Nagbibiro ka lang Dy diba?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko...

"No Era. Hindi ba sinabi mo na mas nasaktan ka sa sinabi ni Cian sayo more than what Kean did to you right? Well I guess that explains it all."

"Nasaktan ka dahil hindi mo inaasahan na sa lahat ng tao sa kanya manggagaling ang mga salitang yun."

"At bakit ba nasasaktan ang isang tao Era?" My tears begun to subside at the continues rant of Dy.

Naiwan akong nakatulala. Hindi ko inaasahan na sa lahat ng tao, si Dy pa ang makakapagsabi sakin nito.

Ang makakapagpaalam.

I spent hours and hours that day to think.

Paikot ikot ang iniisip ko at isa lang ang kinahahantungan nitong sagot.

*Ding Dong!*

Isang tunog ang nakapagpatigil sa akin sa pagiisip.

Nawala sa isip ko kung anong oras na. Alas tres ng hapon. At hindi pa ako nakakapagtanghalian.

Mas lalong gumulo ang isip ko sa sinabi ni Dy.

Tumingin ako sa bintana... madilim. Mukhang tumugma na sa wakas ang forecast ng pag-asa.

Inayos ko ang sarili ko para bumaba na at tignan kung sino man ang nasa gate.

*Ding Dong!*

"Hindi niyo ba alam ang salitang mag....."

"Era! Please talk to me."

Si Cian. Nandito siya. Si Cian. Inaral ko ang mukha niya. Puyat. Halata ring nag-iiiyak siya ng mga nakaraang araw. Hindi maayos ang damit.

Medyo halata na rin ang balbas niya. At higit sa lahat amoy alak siya.

"Uminom ka ba?!"

"Hindi...OO, *sigh* Oo Zia." Yumuko siya sa hiya. Kahit gusto kong magusap kami hindi pwede lalo na at nakainom pa siya.

"Umuwi ka na Cian, walang patutunguhan ang pag-uusap nating ito." Sabi ko sabay pasok sa lob ng hindi siya nililingon.

(Kinikilig ako sa ginagawa ko... by the way... ang dami ko na palang readers?

Sa totoo lang nagstray na tong story sa original plot niya and nahihirapan akong gawan ng ending kaya dumadalang na ang UD. >3<

Kung sinong gustong magrequest ng gustong mangyari, pm me.. and we'll talk about it... hindi po ako nangangagat... ^_^

Nobela na... PM ME OKAY? ANG PLEASE VOMMENT IT ONLY TAKE SECONDS. -LovingBlu)

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon