35th Chappie

82 2 0
                                    


Dalawang linggo...

Dalawang linggo na ang nakaraan matapos ang insidenteng yun.

Gabi gabi akong umiiyak. Hindi ko rin alam kung bakit ganun nalang ako nasaktan sa mga sinabi niya.

Kung bakit ganun nalang ako naapektuhan sa mga sinabi niya.

Noong unang linggo, hindi ko siya nakita. At sigurado akong hindi ko rin gugustuhin ang makita siya.

Akala ko talaga hindi ko na siya makikita pa nun pero ng mga sumunod na araw, nagpakita siya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako maiiyak sa kalagayan naming dalawa ng magkita ng pangalawang linggo.

Swollen eyes. Chopped lips. Bags underneath the eyes. Rugged appearance. In short, miserable.

Humingi siya sakin ng tawad, pero ayoko pa, hindi ganun kadaling magpatawad, hindi ganun kadaling kalimutan ang lahat.

Siya ang pinakahuling taong inaasahan kong mananakit saakin, pero anong nangyari? Nakakainis lang kung paano ako naapektuhan sa mga sinabi niya at kung paano ako nagpaapekto.

He's just a stranger I met four months ago. Dapat wala lang sakin ang mga yun. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito?

Pakiramdam ko tinalo pa nito ang sakit na binigay sakin ni Kean. NO! He's just a stranger nothing more, nothing less.

"Alam mo bes, hindi ka masaksaktan kung hindi mo mahal si Ci... ehehe peace... sabi ko nga si he-who-must-not-be-named. Pwe! Ang haba!"

Minasamaan ko siya ng tingin kaya hindi na naituloy ang pagbanggit ng pangalan na yun. Pero natigilan ako sa sinabi niya.

"Aminin mo na kasing malakas ang tama mo sa KANYA!"

Isa pa tong si Crissy. Hindi niya kasi alam na peke lang ang lahat samin ni... Pero tama siya kung peke lang ba talaga ang lahat samin bakit ganito nalang kung masaktan ako?

Bakit?

Mahal ko pa si Kean diba? Iniyakan ko pa siya. Hindi pwede. Tama, hindi pwede.

"Ayusin mo nga yan bes. Tignan mo ang sarili mo. I barely recognize you. Tsk! I'll have to go but remember what I said."

Hinalikan niya ako sa pisngi nun bago umalis. Wala ako sa sariling pumunta na rin sa klase ko.

Buong oras, siya lang ang inisip ko.

Kung ano nang ginagawa niya ngayon? Kung nakakakain pa ba siya katulad ng nangyayari sakin ngayon? Kung umiiyak din ba siya sa gabi?

Dinismiss na kami pero lutang parin akong naglalakad palabas ng gate. Tumingala ako sa langit, mukhang uulan.

Naghintay ako sa labas ng school para kumuha ng taxi.

*Sigh* Kung hindi kami nagaway siguro nakauwi na ako ngayon dahil sa paghatid niya.

Biglang may huminto na asul na Audi sa harap ko. Natigilan ako sa paghinga. Feeling ko rin tumigil ang mundo ko.

Bumaba siya at lumapit sakin pero umatras ako saka nagumpisang maglakad. 'Fifteen minutes Zia, yun lang ang kailangan mo.'

"Zia, kausapin mo naman ako, please!" Narinig kong sigaw niya sakin pero tuloy parin ako sa paglalakad.

Ganitong pagkakataon kung saan naiinis ako sa distansya ng apartment ko at ng academy.

Sumunod siya sakay sa kotse niya at sinasabayan ang paglalakad ko. Hindi ko siya nililingon. Ayoko.

"Zia, kausapin mo ako. I'm sorry." Dinoble ko na ang bilis ng paglalakad ko. Pero mukhang may ibang plano ang panahon saakin.

Biglang umulan ng malakas. Great! Gusto kong sumigaw at magpasalamat sa inang kalikasan pero wala akong lakas.

"Shit! Zia, umuulan na. Sumakay ka na dito." Hindi ko parin siya nililingon. Buti nalang wala akong dalang libro ngayon.

Tumahimik...

Nang akala kong wala na siya, nakahinga ako ng maluwag, pero nagkamali ako. Isang malamig na kamay ang humawak sa kanang braso ko.

"Wag ng matigas ang ulo. I said GET.IN.THE.CAR!"

Nilingon ko siya ng masama. Basang basa na kaming dalawa sa malakas ng buhos ng ulan.

"LET.GO.OF.ME!"

Patigasan kami ng ulo. I'm not planning to back down. Baka nakakalimutan niyang siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

A hint of hurt quickly flashed his eyes, but I don't give a damn. Marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya at saka tumuloy sa paglalakad.

Nakikita ko na ang apartment ko sa di kalayuan kaya binilisan ko pa ang lakad.

Nang bubuksan ko na ang gate ko may humawak uli sa braso ko at alam ko ng kung sino yun.

"Zia, listen to me first. I'm sorry okay? I'm... I'm sorry... Please come back to me."

Nagulat ako ng harapin ko siya. Behind those raindrops, I know he's crying. He's crying.

"Please... I'm sorry."

~'LIKE YOU'RE SOME KIND OF BITCH!' 'DON'T BE THE INSENSITIVE GIRL I KNEW YOU ARE.'~

Memories of him saying those words to me came rushing. Dahan dahan kong binawi ang kamay ko at yumuko.

"Not now Cian. Umuwi ka na. Wala tayong dapat pag-usapan. Hindi ngayon. Hindi bukas."

Sinarado ko na ang gate pero bago yun, nasulyapan ko pa kung paano siya nasasaktan ngayon, sa mga sinabi ko.

A/N: VOMMENT PLEASE.... ganun ba talaga ka-lame tong story ko??? I need your insights please... T.T

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon