21st Chappie

52 2 0
                                    

Binaba na ako ni Cian. Muntik na nga akong matumba, tsk! Si Dylan naman nagtataka.

"Bakit kayo..."

"Ah..eh.. naglunch kana? Tara na dali"

Hindi ko na pinatapos at hinatak ko na siya papasok sa elevator saka ko binelatan si Cian. Tsk! Epal kasi. Ang sama ng tingin sakin ni Cian sa elevator. Yan, tama lang sayo. Mag-isa ka. Che!

"Hindi ka pa ba nagla-lunch Dy?"

"Hindi pa naisipan ko kasing kunin muna yung phone ko, kayo?"

"Magla-lunch na din tara sabay na tayo"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CIAN'S POV

Tsk! Kaninang niyayaya ko ayaw niya tapos ngayon nakahanap pa ng kasabay maglunch. Ang tindi niya!

Humiwalay nalang akong maglunch. Sa open table ng isang resto malapit sa beach ko napagdesisyunang kumain. Saktong nakita ko si Bree na naghihintay.

"Mind if I join?" Nakangiti kong tanong. Tumingala siya sakin mula sa binabasang magazine.

"Sure!"

Nakangiti niyang tugon saka niya sinenyasan ang waiter na lumapit. Nang makapili na ako ng pagkain umalis na ito.

"Asan yung iba? Sina Josh?" Tanong ko ang tahimik kasi

"Ah nauna na matutulog pa daw yung iba"

Katahimikan nanaman. Hindi ko parin makalimutan ang ginawa ni Zia. Sa susunod hindi ko na siya pipilitin lalo na ang yayain siya.

"Nice ring ngayon ko lang ata nakita yan?"

Nakatingin siya sa kamay ko na nakapatong sa table. Tinago ko naman ang kamay ko.

"Uh yeah, binigay samin nung matanda"

"Samin?"

"Ceradine" simpleng tugon ko.

"Oh so its more like a couple ring? Mabuti naman at maayos na kayo"

"Medyo, pero hindi parin" Sabi ko kasi naalala ko nanaman yung kanina naiinis lang ako.

"Ano? Your crazy. Ang gulo ng sagot mo"

Tumawa siya sa sinabi ko. Maya maya nagtatawanan na kami. Makulit pala talaga si Brianna at madaldal.

Kasi last night yung uminom kami hindi siya gaanong umiimik.

Dumating na yung order namin saka kami kumain pero nag-uusap parin.

*FASTFORWARD*

Nauna na akong pumunta sa room at nagbihis. Nagsando lang ako at summer shorts. Magba-banana boat lang naman saka snorkeling.

Palabas na ako ng makasalubong ko si Zia. Hindi ko siya pinansin at ganon din ang ginawa niya.

Bumaba na ako sa lobby at nandun na din ang ibang kasama namin na naghihintay sa iba pa.

Nakita kong nakababa na si Zia at nagulat ako sa suot niya. O.O

Naka black two-pice siya at nakadress na manipis pero kita parin ang bikini niya sa loob. Damn this girl. Pasaway talaga!

Nabobosohan na siya eh. Kita ko namang ganun din ang suot ng ibang babaeng kasama namin pero naman! Ayoko pa naman ng ganon.

Lumabas na kami papunta sa beach pero ang sama ng tingin ko sa kanya at mukhang alam naman niya yun.

Ngiting aso naman sina Josh at Vidale sa mga nakikita nila. Mga G@g* talaga. Si Zen lang ata ang maayos dahil naka one-piece bikini nga pero nakashorts siya.

Hinatak ko si Zia para makalayo kami. Narinig ko pang nagreklamo siya.

"T-teka... hoy! San tayo.." Hindi niya na natuloy ang sinasabi niya nang maghubad ako ng sando sa harap niya.

"Isuot mo to. Alam mo namang ayaw ko ng ganyan diba!?" Medyo mataas na ang boses ko. Napanganga siya pero mukhang nagising sa sigaw ko.

"Kaya nga nagpatong ako ng shawl eh!"

"Kahit na, isuot mo to!"

"Hmmpf! Ayaw!" Nagcross siya ng arms. Ang kulit talaga.

"Ayaw mo ah"

"H-hoy t-teka anong g-ginagawa mo??"

Hinubad ko yung shawl niya saka sapilitang isinuot yung sando ko sakanya.

Buti nalang at medyo mahaba ito at umabot pa sa legs niya. Saka ko na siya hinatak pabalik sa mga kasama namin na pasakay na sa banana boat.

"Oh Era anong nangyari sayo? Ooh ang hot!"

Saad ni Crissy sa kanya na nabaling ang tingin sakin at nagpapaypay ng sarili gamit ang kamay. Hindi ko nalang pinansin

Josh: "Pre, nice one"  

Dana: "Yiih, kinikilig ako" 

Vidale: "Duma-damoves"

Bumalik ang tingin ko kay Zia na nakabusangot. Napangiti ako sa inaasal niya. Nagpapadyak pa ng paa ng parang bata. I hope she learned.her lesson.

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon