14th Chappie

65 5 0
                                    

Ceradine'S POV

Hmmmp! Gabriel? Kelan pa naging Gabriel ang pangalan niya??? Tama siguro ang chismis sa school womanizer to. Buti nalang talaga kasama ko si Dy at hindi ako nabobore.

Hinatid na kami sa mga rooms. Ang gara nga eh kanya-kanya kami ng rooms. Pagkapasok na pagkapasok ko sa room. Hinagis ko ang bag ko sa sofa at sumalampak sa kama.

"Tsk! Gabriel pala ah?"

"I heard that"

Napaupo ako at tumingin sa lalaking nagsalita. Tsk! Si Cian lang pala. Nakasandal sa pader at nakacross arms.

"Eh ano naman ngayon?" Nagulat talaga ako sa kanya. Bakit naman kaya nandito toh?

"Mahal mo na ako noh?"

O.O !!

"A-ang kapal mo ah! H-hindi kaya"

"Eh bat ka nauutal?"

Naglakad siya palapit sakin at nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya. Waah! 1 inch nalang. Pumikit nalang ako.

"Hahahaha!!!"

Bigla nalang tumawa at saka nakahawak sa tiyan. Luh! Nabaliw na ata?

Nainis ako sa pagtawa niya. Hindi naman sa mainisin ako kundi sa kung BAKIT NIYA AKO PINAGLALARUAN.

Sa inis ko hinatak ko siya papunta sa pinto.

"Hoy bakit ka nanghahatak???"

"Umalis ka na nga. Kainis!" Isasarado ko na sana yung pinto kaso..

"Aray!!!!"

Sa gulat ko binuksan ko yung pinto at siya nakupo na habang hawak hawak ang kamay na naipit.

"Sinabi ko bang iharang mo ang kamay mo?"

Naguilty naman ako. Pinatayo ko siya saka pinaupo sa sofa. Hinananp ko kung nasaan ang medicine cabinet at natatarantang pumunta sa kanya nang kawakan ko ang kamay niya.

"Joke lang!" Nakapeace sign pa siya at nakangiti ng nakakaloko! Arrrrgh. Bakit ba ang laki ng sira nito sa ulo?

"Aray! Zia naman eh!"

Kinagat ko ang daliri niya sa inis ko. Atleast yang aray na yan totoo na. Haha buti nga.

"Para ka namang aso"

Hindi ko siya pinansin at saka humiga sa kama. Sumunod siya sakin. Nagtakip ako ng mata ko. Ano ba naman yan....

"Uy sorry na jino-joke lang naman kita eh"

Hindi ko siya sinagot. Nakaka-asar siya!

"Uy wag ka namang umiyak"

Umupo siya sa kama. Tinanggal niya yung kamay kong nakatakip sa mukha ko. Tuloy tuloy paring umaagos ang luha ko. Nakatingin lang ako sa kisame. Hindi ko siya pinapansin.

Kasi naman ang ayaw ko sa lahat yung niloloko ako. Alalang alala ako sa kanya kanina tapos niloloko niya lang pala ako. Akala ko kung ano na. 

Malay ko bang naputol na yung daliri niya tapos... aaaah! Nakaka-asar!

"Sige na sorry na oh"

"Promise di ko na uulitin"

"Uy" Hinatak niya ako. Magkayakap na kami pero umiiyak parin ako.

~***~

CIAN'S POV

Niloko ko lang siya umiyak na. Hays, napakaiyakin talaga neto. Niyakap ko na lang siya para tumahan na pero umiiyak parin.

"Gusto mo ng ice cream???"

Umalis siya mula sa pagkakayakap saka ngumiti. Pinahid ko yung luha niya at napangiti rin ako. Kahit kelan parang bata ang ugali nito, minsan nga nagtataka ako kung anong nagustuhan ni Kean dito.

Nagtataka siguro kayo kung bakit pinilit ko ang sarili ko sa babaeng ito, to the point na nakitira ako sa kanya.

Yun ay dahil ayaw kong makita si Kean lalo pa't nasa iisa kaming bubong. Half brother ko siya. Ako ang totoong anak pero mas pinapaboran siya ni Papa.

Hindi naman talaga kami magkadugo. Simula ng mamatay si Mama nagpakasal uli si Papa. Kaya kami naging magkapatid ay sa anak siya ng pinakasalan ni Papa.

Magkasing edad lang kami, mabait sakin ang naging pangalawang asawa ni Papa pero hindi ko gusto ang pagpapakasal nila dahil pakiramdam ko nagtataksil narin ako kay Mama.

Nagkaroon ako ng pagkakataon nang makilala ko si Zia, umiiyak siya sa park nun at saka ko lang naalala na siya yung girlfriend ni Kean.

Lalong nadagdagan ang galit ko kay Kean nun, kahit sila pa man ni Zia lagi siyang may kasama sa bahay na kung sino sinong babae. Yun ang hindi alam ni Papa at nung ina niya dahil lagi silang wala.

Gusto kong sabihin kay Zia ang ginagawa ni Kean pero baka lalo lang siyang umiyak. Gusto kong sabihin na hindi dapat iniiyakan ang ganong klase ng mga lalaki pero baka masaktan siya lalo.

Kaya naisipan kong gawin siyang girlfriend at nasa iisa na kaming bahay, sa apartment ni Zia.

Gabi gabi siyang umiiyak, hindi ko nalang pinapahalata na alam ko at dun ko naisipang protektahan si Zia para wala nang magpaiyak sa kanya.

Hindi ko alam pero.......

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon