29th Chappie

50 2 0
                                    

"Cian, ikaw lang pala =_="

Inagaw na niya yung mga groceries na dala ko at iniwan ang mga paper bags sakin.

"Just like I thought, sinayang mo nanaman ang pera mo."

Inirapan ko siya dahil dun. Hindi pa kaya kami bati.

Pasalamat nalang siya at kinailangan ko ng tulong niya.

"Get in." Seryoso niyang sabi kaya pumasok nalang ako sa kotse niya.

May naalala ako kaya ngumiti ako saka hinawi amg buhok ko.

"Cian? Wala ka bang napapansin?"

Lumingon siya sakin habang nagdadrive. Ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis.

"Hmm... Wala naman."

Binalik niya na ang tingin sa daan.

"Wala? As in yung.. slight lang na nagbago sakin?"

"Nope." He said popping the word P.

"Okay. Fine. Edi wala." Sabi ko ng padabog. Tutal wala nanan siyang paki-al....

"You look stunningly beautiful even without it."

Bigla akong napalingon sa kanya. Parang nagsparkle ang mata ko sa sinabi niya.

"Talaga?"

"Hindi. =_=" Ay. Epal. Ayun na eh. Feeling ko ako na ang pinaka magandang unggoy tapos ganun?

Pero nagblush parin ako sa sinabi niyang yun. Kaya itinuon ko nalang ang atensyon sa nadadaanan naming mga bahay.

Huminto na ang sasakyan pero hindi sa aprtment ko. Nagulat ako kung kasaan kami ngayon.

"Cian? Anong ginagawa natin dito?"

Hindi. Hindi ko pa kayang makita si Kean. Ayoko pa. Hindi pa ako handa.

"Zia, you know what you need right now? Closure."

Nagsisimula nang magtubig ang mga mata ko pero nagagawa ko pang pigilan ang mga yun.

"Cian naman, wag mong gawin sakin to."

Umiling siya saka tumingin sakin ng seryoso.

"If you can't do it right now, kelan pa Zia?"

Umiling din ako saka siya tinalikuran. Patigasan kami ng ulo.

Naramdaman kong binuksan na niya amg pintuan ng kotse niya.

"You can't run away Zia. This is your chance."

Pumasok na siya sa loob ng mansyon nila. Ako? Nanatiling nandito sa loob ng kotse habang dala niya lahat ng pinamili ko.


~***~

Busy ako sa paglalaro sa cellphone ko nang may kumatok sa bintana ng kotse.

Tumingin ako sa paligid. Padiim na pala. At si Cian, salubong ang kilay sa labas.

Sumenyas siya na buksan ko ang bintana pero hindi ko ginawa. Naiinis ako sa kanya.

"Hindi ka pa ba lalabas diyan?"

Naramdaman ko ang matatalim na titig niya sakin.

"Hindi ako lalabas dito kahit uodin, putaktehin, amuyin o mabulok ako dito!"  Pagmamatigas ko.

Hindi naman kasi ganung kadali ang magmove on, lalo na't walang valid na reason kung bakit kami nagkaganun.

Kung pwede lang magka-amnesia ako gagawin ko, makalimutan ko lang ang sakit na binigay sakin ni Kean.

"Really?" Tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

"Kyaaaaaaaah! Cian, ibaba mo ako. Bw.... Nakakahilo!"

Bigla nalang niya akong binuhat na parang isang kilong bulak lang ako.

Yumg tiyan ko nakapatong sa shoulders niya at nakaharap ako sa likod niya. Argh! Nasusuka ako.

"Nope!"

Huminto siya sal nglakad uli. Naku Zia, isip. Mag-isip ka ng palusot.

"A-Ano pano yung groceries ko, may mga frozen yun baka masira. Cian iuwi mo na ako."

"Nuh-Uh!" Huminto siya at naglakad uli. Kyaaah. Isip pa.

"Tama. Ahm, kung matutulog ako dito, ano, w-wala akomg damit. Oo tama wala akomg isusuot."

"Nagshopping ka, I'm sure marami kang biniling damit."

Napasapo ako sa noo ko. Wala na talaga akong takasa kay Cian. T.T

"Kyaaaaaaaaaah! Cian ibaba mo ako. Naka mini skirt pa naman akooooo T.T"

Biglang umikot ang mundo ko at ang paa ko ay nasa lupa na. Binaba na niya ako.

Pagtingin ko sa kanya nagba blush siya. Teka, may nasabi ba akong mali?

Nasa pintuan na kami ng mansyon na yun kaya napilitan na akong pumasok.

Tumambad sakin si Kean na nanonood sa sala nila. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama an mga mata namin.

Kapwa gulat sa mga nangyayari.

Then all my memories with him came rushing in my head. Filling it with painful moments.

One tear. One pained tear escaped my eye. Nakatitig lang ako sa kanya ng mgaoras na yun.

Feeling ko. Feeling ko gusto kong yakapin siya. At magmakaawa.

Magmakaaawa na bumalik na siya sakin. Sabihin kung gaano ko siya na miss pero, mukhang ibang Kean na ang kaharap ko ngayon.

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon