13th Chappie

110 6 0
                                    

"there's this friend of mine na nagyaya ng vacation but your father and I can't go, we're both busy from work so we've decided na kayo nalang ang pumunta since nasasayangan kami. So do you two have other plans?"

Wew! Yun lang pala akala ko kung ano na.

"I think, we don't. San po ba yun? At kelan?"

"Sa isang hotel sa Palawan. Yung kasing friend ko na nagyaya is the owner. Next week monday." Huh? Eh friday na ngayon ah? Ah alam ko na!

"Pwede bang magsama pa ng isa? Please mom, gusto kong isama si Dy"

"Yeah sure, umuwi na pala si Marco?"

"Yep, kahapon lang po. Sinundo ko siya sa airport nung tumawag siya. Oo nga pala pasalubong niya sa inyo" Tumayo ako at kinuha ko yung paper bag.

"This is yours and Dad's"

"Sabihin mo kay Marco dumaan muna ng bahay para makamusta ko ang mommy niya and to thank him for these."

"Sure thing Mom"

Himala tahimik si Cian ngayon?

"Oh sige alis nako. Pagaling ka Era hah?"

Tumayo na si Mom at hinatid na siya ni Cian sa gate. Niyayakap ko ang pasalubong ni Dy na bear ng pumasok na si Cian.

"Hoy, baliw ka ba? Bakit sinabi mong.... Aish kadiri ka talaga"

Hindi siya sumagot.

"Hoy bakit ang tahimik mo?"

Dumeretso lang siya sa kwarto. Nga pala may divider na ang kwarto ang galing nga eh kulay blue yung pintura.

Siguro ginawa yun ni Cian nung nakitulog ako kay Dy.

~***~

Monday!

Kyaaah. I'm so excited. Sana madaming gwapo dun ahahaha. Joke Ang landi ko. Nasa airport kami. Ang tahimik ni Cian simula nung pumunta si Mom sa bahay. Hindi na siya nangungulit.

Tsk! Buti lang yun kahit papano tumahimik ang mundo ko. Asan na ba si Dylan? Ang tagal naman. Hindi pa kami nakasakay sa eroplano kasi hinihintay pa namin siya.

Hay sa wakas nakarating rin siya. Mas lalong siyang naging gwapo sa pagpunta niya sa France.

"Let's go"

Saka siya umakbay sakin. Yey! Palawan wait for us!

Cian's POV

Tsk! Kainis talaga tong babaeng to. At saka ako ang boyfriend niya bakit Dy ang tawag niya kay Marco.

Tss. Dy ano yun Daddy? Ang corny. Magsama sila. Ang tagal ng byahe kaya daldalan ng daldalan tong mga to nakakairita lang.

Sa wakas naglanding din. May naghintay na kotse na maghahatid samin sa hotel. Kahit hanggang sa kotse ang ingay nila.

"Cozy Hotel"

Pinapasok na kami at pagpasok namin may sumalubong na maganda, maputi, katamtaman ang height, nakapony tails na may inosenteng mukha.

Minsan lang ako ma-attract sa mga babae at ang isang to ay napabilang sa mga minsan na yun. Simple lang ang ganda niya and that makes her different.

Ngumiti siya sakin este samin at sinabing.

"So? Kayo ba ang kapalit nina Mr. And Mrs. Montez?"

"Uh yeah, ako pala si Ceradine, their daughter, but you can call me Era"

Sabi ng pangit na to. Tsk! Inilahad niya ang kamay niya at tinanggap naman yun ng babae.

"Ako pala si Brianna, actually si Mom and Dad ang may ari nitong hotel kaya ayun, got to entertain some visitors"

Ngumiti yung babae. Wala halong biro na maganda siya.

"Ah so anak ka nung friend nina Mom and Dad? Nice, I hope we can be friends"

Okay? Para lang kaming tanga dito ng bestfriend ni Zia na nakikinig sa kanila. (-.-")

Tumingin sakin si Zia. Nakaramdam ata.

"Ah oo nga pala si Marco bestfriend ko at....."

Aba't talagang nagisip pa siya ah?

"Gabriel, KAIBIGAN din niya"

Ngumiti ako pagkasabi ko nun. Eh ayaw akong ipakilala edi ako nalang. Kinamayan ko yung babae.

"Wow, nice alam niyo halos lahat ng inimbitahan nina Mom and Dad puro mga anak nila ang pumunta, buti naman at marami tayo."

Dagdag ni Brianna, ang ganda ng ngiti niya.... hmmmmm... (.V.) may naisip ako.

......

A/N: Hot,Hot,Hot Cian on the side. At the airport. 

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon