33rd Chappie

49 1 0
                                    

Monday

Nagbibihis na ako ng makita ang mga paper bags. *Sigh*

Naalala ko ang nangyari, oo masakit pero sabi sakin ni Cian bago ako bumaba ng sasakyan niya...

"Move on. Zia, that's what you need."

Move on? Paano? Then it hit me. Maguumpisa ako. Magbabago. Lahat ng nakagawian ko iibahin ko. Maybe... maybe that's what Cian meant.

And before I knew it, nahablot ko na ang paper bags at pumunta sa banyo.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Magandang damit. High heels. Make up.

Sa lahat ng yun hindi nakaiwas ang lungkot sa mga mata ko. Okay. Zia. Kaya mo to.

Naglalakad ako papasok sa gate ng mapansin ko ang mga tingin ng tao sakin.

Selos. Puri. Insecure. At syempre hindi mawawala ang lagkit na tingin ng mga lalaki.

Napangiti ako. 'Zia.. Ito na ang chance mo.'

"Dy!!!" Masaya kong tawag at lumapit sa kanya. Halos maluwa ang mata niya ng makita ako.

"Era? I-Ikaw ba yan?" Umikot ako sa harapan niya at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"No one but the only!" Balik ko.

"Anong nangyari? Bakit? Paano?"

"Secret."

Sumama ang tingin niya sakin. Ngiti nalang ang naisukli ko sa bespren ko.

"I must say, bagay naman sayo. *Wink*" Nagulat ako sa pagkindat sakin ni Dy. Hinampas ko lang siya sa braso at nagkulitan bago tumuloy sa kanya kanayang klase.

~***~

"BEEEEES! My gosh... See? I told you bagay sayo."

Sumalubong ang malaks na tili sakin ni Crissy na makapasok ako sa canteen. Diba nga may usapan kami na magkikita.

"Medyo, naiilang pa nga ako dito eh."

Bulong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at saka sumubo ng fries bago nagsalita..

"Tsk! Don't worry masasanay ka rin. Tiis ganda sabi nga nila."

Nagkwentuhan pa kaming dalawa nun ng kung ano ano. Nakakatuwang magkaroon ng kaibigang katulad ni Crissy. Maarte pero kalog.

Habang nagtatawanan, hindi ko maiwasan ang mga tingin ng mga lalaki saakin. Nahagilap ko ang tingin ni Kean kasama si Chloe.

OO, buntis nga siya pero hindi pa mahahalata. Kung titignan mo ng mabuti dun mo lanng malalaman.

Lungkot ang sumilay sa mata ni Kean ng magkatinginan kaming dalawa pero dali dali niya yung iniwas.

Pakiramdam ko naging manipis ang hangin sa loob ng canteen at umiinit na rin ang mga mata ko.

Kahit ganun hindi ko parin maiwasan ang sakit na paulit ulit na dumadating sa isang tingin niya lang.

"UH-OH." Napatingin ako kay Crissy at sa direksyon kung saan siya nakatingin.

Cian. Isang galit na Cian na papunta sa direksyon ko.

"Let's talk." Matigas ang pagkakasabi niyang yun.

"Uh... Sige. Bes mauna na ako. Nakakatakot talaga ang bf mo." Binulong niya ang huling parte para hindi marinig ni Cian.

Dali daling umalis si Crissy sa tabi ko at naglaho na ng parang bula.

Napatingin ako sa direksyon nina Kean at Chloe na masayang nagtatawanan. Naramdaman kong umiinit nanaman ang gilid ng mga mata ko.

"I.SAID.LET'S.TALK" Hindi ko pinansin si Cian, sa halip ay tinitignan lang ang dalawang taong masaya na nagkukulitan.

"Cian.. Wag ngayon please." Pagmamakaawa ko at hindi parin inaalis ang tingin sa dalawa.

Kahit ngayon lang. Please Cian. Gusto ko munang saktan nalang ang sarili ko hanggang sa maging abo na itong puso ko.

Ito ang kailangan ko diba? Ang masaktan ng lalo, siguro dahil baka sa susunod hindi na ako masaktan pag nakita ko uli sila.

Ang masaktan ako ng sobra para maging manhid na rin pati ang emsyon ko.

Ang tanga ko lang. Niloloko na ako ni Kean hindi ko pa alam. 

Tama. Ibubuhos ko na lahat ng sakit baka bukas wala na ito. Baka pag gising ko hindi ko na kailangan ngumiti ng pilit sa harap ng ibang tao.

Na baka sa susunod na tumawa ako, wala nang peke at pilit na ngiti o tawa pero sa likod nun ay ang umiiyak at mahinang si Era.

Nakaramdam ako ng malamig na kamay sa braso ko. Tiningala ko ang Cian na namumula na sa galit.

Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako.

Hinatak niya lang ako papunta sa men's cr. Marami ang nagtinginan sa amin pero wala akong pakialam dahil busy ako sa pagpupumiglas.

Agad niyang sinarado ang pintuan matapos makalabas ang mga lalaking naguunahan na lumabas.

"WHAT IS WRONG WITH YOU ZIA!?" Sigaw niya. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang nakita si Cian magalit ng ganyan.

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon