20th Chappie

65 3 0
                                    

Nakita ko yung mga kasama namin at may kanya kanyang bili ng souvenir. Pumasok na kami sa Turtle Reserve na sinasabi nila.

Ang daming mga turtle! (Malamang Turtle reserve nga diba? =_=') pati sarili ko binabara ko na.

Ang daming mga lahi ng turtle dun pero mas gusto ko yung mga baby. Parang mamamatay sila pag hinawakan mo.

Tuwang tuwa akong laruin yung mga turtles nang magsalita si Vidale.

"Pre, nyemas ang boring naman dito"

Josh: "Pre, tiis tiis, mukhang natutuwa naman ang mga girls eh"

Vidale: "Bah, iniisip mo na ngayon ang feelings ng mga babae ah"

Binatukan ni Josh si Vidale, kahit kelan talaga. Ayan nanaman ang bulungan nila pero naririnig naman. -o-'

Dana: "oh? Ang ganda naman ng singsing mo Era"

Biglang sabi ni Dana na kinuha ang kamay ko saka tinitigan yung ring. Tumingin rin ang mga girls.

Crissy: "San mo binili?" 

Zen: "Nakita ko si Gabriel meron din nyan eh" 

Dana: "Yeee! Bati na sila. Lam mo ba binuhat ka niya kagabi? Lasing na lasing ka pa nga eh."

Saka niya ako siniko siko sa tagiliran. Wala akong naalala na binuhat niya ako. Well siguro nga. Kasi pano ako napunta sa kwarto.

Zen: "AEON?"

Crissy: "Ano meaning niyan?" 

Ako: "Hindi ko alam, hindi nga sinabi ni Ci- este Gabriel eh" 

Dana: "Alam niya ba?" 

Ako: "Ata?"

Josh: "Ano yang pinaguusapan nyo? Tara na, balik na sa hotel"

Sigaw samin ni Josh. Narinig ko nalang na bumulong si Crissy.

"Psh! KJ talaga"

Hmmmm. Parang may naaamoy ako. Sa sobrang pag-iisip ko naiwan na pala ako. Kinagulat ko nung may umakbay sakin pagtingin ko si Cian lang pala.

"Ang tagal mo nauna na sila"

#FASTFORWARD#

Cozy Hotel

Brianna: "Guys Banana Boat tayo pati snorkeling be ready at 3 and also your bikinis. Happy lunch!"

Sabi niya pagkadating namin sa lobby nila. Hays, buti naman makakatulog ako kasi ang tagal ng byahe.

Dumeretso na ako sa room ko at humiga sa kama, di ko alam nakasunod pala si Cian. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama nakacross arms, and worse nakatingin sakin.

"Problema mo?"

Sabi ko nang nakakunot ang noo. Kasi naman nakatitig lang siya >/////< Nakaka intimidate kaya ang tingin niya.

"Suplada. Tanghalian na." Tumalikod ako sa kanya at nagtalukbong.

"Inaaantok ako, kung gusto mo mauna ka na."

Naramdaman kong gumalaw yung kama. Tinanggal niya yun kumot saka niya ako pinaharap sakanya.

"Tumayo kana diyan, magla-lunch na"

Kinuha ko ulit yung kumot at nagtalukbong.

"Magugutuman ka lang, magkaka-ulcer ka pa niyan eh. Get up!"

Tinanggal niya ulit yung kumot. Para tuloy kaming ewan. Pero talagang napagod ako kulang pa ko sa tulog.

Umupo na ako para magkaharap na kami. Seryoso talaga ang mukha niya.

"Cian inaaantok talaga ako! Please 30 mins. lang"

"Tsk! 1:30 na, pass lunch, tapos mamaya ka pa kakain yung mga kasama natin nasa baba na!"

Hindi ko siya pinansin. Bigla nalang niya akong binuhat sa balikat niya at akmang bubuksan na ang pinto

"Waah! Cian ibaba mo ako ISA!" Huminto siya sa pagkalakad. Nahihilo naman daw ako, nakabaliktad ba naman.

"Nope" plain niyang sagot

"CIAN, MATUTULOG KA MAMAYA SA LABAS! PAG HINDI MO PA AKO BINABA DITO"

Tapos lumabas na siya. Gosh! Sana walang lalabas sa mga room nila, nakakahiya talaga sana walang makakita samin.

Nagwawala na ako sa hallway. Ayaw parin akong ibaba ni Cian. Konting konti nalang masusuka na ako.

"Kyaaaah! Cian nasusuka na ako ples lang"

Hinahampas hampas ko pa siya sa likod niyan. Kaso sa sobrang kapal ng balat hindi epektib. Kainis!

"Era?"

Ooopsie. Patay sakin tong Cian natoooo!

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon