27th Chappie

68 1 0
                                    


Lumapit samin ang lalaking yun.

Bree: "Josh?"

Si Josh nga, na may karne sa balikat ng t-shirt niya.

"Uh Josh? Kami kasi yung..."

Natakot akong sabihin, pero tinuro ko nalang ang karne.

Lalo na, baka pumapatol pa pala siya sa babae. Iiih! Scary! >×<

"Sorry!" Sabay kami ni Dy sa pagsalita.

Josh: "Ah eto? Di bale magpapalit nalang ako ng PE uniform." Sabay pagpag sa t-shirt.

Ako: "Dito ka rin nag-aaral? Si Dave kaklase ko sa isang subject, Fine Arts din ang kinukuha niya."

Naramdaman ko naman na napunta ang atensyon ni Cian sakin.

Masama pa ang tingin. Creeepy! Baka inatake nanaman ng pagkatopak.

Bree: "Really? Kaming tatlo nina Cian, parehong Business Management ang course, how about you Josh?"

Josh: "Engineering, ECE to be exact"

Pagpapaliwanag niya at saka tumabi kina Bree. Lumukot ang mukha ni Cian dahil nasiksik siya sa sulok.

Dy: "Sana lahat tayo dito nag-aaral."

Josh: "Kulang nalang si Dana, Crissy, Zen at Vidale"

Nang buong lunch na yun. Kwentuhan at tawanan lang ang inatupag namin.

Si Cian, hindi gaanong umiimik. Anong problema niya?

Tsk! Di bale na nga.

Sana talaga kumpleto kaming lahat. Tsaka namimiss ko na din si Crissy.

Siya ang kasundo ko sa buong trip sa Palawan. Pati ang kaartehan niya namiss ko na.

~***~

Natapos na din sa wakas ang first week. Medyo maluwag pa ngayon ang schedule.

Weekend...

Naisipan kong pumunta sa mall dahil nga sa ubos na pala ang stocks ko ng hindi ko namamalayan.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Sabi ni Cian, kami pa, pero bakit ganun?

I mean, shouldn't couples date? Go to places and say sweet words to each other?

(Pero siya? Wala atang sweet bone sa katawan. Puro pang-iinsulto ang lumalabas sa bibig.)

And most of all, they tend to see each other often.

(Pero si Cian? Mukhang tinataguan pa ako ng impaktong yun.)

Wala ka talagang maasahan sa isang yun. Buti pa si K.. Ah. Mali. Erase.

Speaking of Cian. Naalala ko ang sinabi sakin ni Dy.

*F L A S H B A C K*

At the cab.

"Dy, bakit mo pa ako ihahatid? Sa opposite direction ang hotel mo ah?"

Seryoso ang mukha niya at mukhang may malalim na iniisip.

Tsk! Naghihirap pa siya. Walang mapipiga diyan. Ket isang patak. >3<

Luh. Insultuhin daw ba ang bespren?

"Era, magtapat ka nga. Kayo ba talaga ni Cian?"

Nagulat ako sa bigla niyang pagtatanong lalo na tungkol samin ni Cian.

"H-Ha? Ah o-oo naman noh. Bakit mo natanong?"

"Your stuttering."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang nakain ni Dy at ganyan siya ngayon?

"Kasi nahahalata ko hindi kayo nagpapansinan, nag-away ba kayo?"

Haaays, Dy kung alam mo lang, kahit ako hindi alam kung ano ang 'status' namin.

"B-Busy lang talaga yun alam mo na He-He."

"Ceradine Zia Montez, sabihin mo na kasi ang totoo."

"T-Totoo? Anong totoo? Dy, may lagnat ka ba? Kung ano ano ang sinasabi mo eh."

Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang noo niya.

Napatitig siya sakin. Silence. As in, loooong silence. Malapit ang mukha niya sakin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Binitawan ko na ang pagkakahawak sa noo niya saka lumayo.


*E N D O F F L A S H B A C K*

*SIGH!* Minsan talaga may pagkamakulit si Dy.

Marami pa siyang tinanong at buti naman nalusutan ko yun.

Tinalo ko pa ang celebrity sa pang iinterview niya sakin . Tsk! Kainis.

Kung nag-uusap lang sana kami ni Cian.

Edi hindi ako nahihirapan kay Dy.

Busy ako sa pagpili kung anong gulay at prutas ang bibilhin ko ng may magsalita sa likod ko.

"Uhm, Miss? Pwedeng paabot ng isang bag ng kiwi?"

Hala. Nakaharang pa ata ako. Inabot ko nalang ang sinasabi niyang kiwi.

Humarap na ako sa kanya at O-M-G

O.O

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon