23rd Chappie

64 4 0
                                    

Zia's POV

"Woi! Ang daming stars! Marami ka bang alam na constellation ha Cian?"

Lumingon ako sa kanya. Hihi. Nayaya ko siyang magstar gazing dito sa veranda kahit inaantok na DAW talaga siya. Ang lamig nga eh. Ang saya neto!

Naglatag kami ng banig tapos humiga doon. Lumingon ako kay Cian na nakatingin lang sa stars. Ang galing nga eh hindi maulap ngayon.

"Basic lang alam ko"

Straight face nanaman siya, hindi ko tuloy alam kung anong iniisip niya.

May naalala ako, pero hindi ko alam kung itatanong ko ba sa kanya o hindi parang kasing personal na yun para itanong.

Makalipas ang ilang minuto nakatingin parin kami pareho sa kawalan. Hindi ko kayang tahimik ang paligid parang nakakabaliw.

"Uh.... Cian?"

"Oh?" Walang kwenta talaga to! Poker face sya lagi. Walang kwentang kausap.

"Uh... ano... k-kasi"

Tumingin na sya sakin ngayon. Pero emotionless parin siya.

"DibaSabiMoNoongNaginumanIsaLangNagingGirlfriendMoSinoYun?"

Kumunot ang noo niya. Mukhang hindi niya naintindihan.

"Ano? Ulitin mo nga ang gulo mo eh"

Nagdalawang isip muna ako. Tatanungin ko ba? Hmm, sige na nga.

"Naalala mo yung naginuman tayo? Sa beach?"

Bumalik na siya sa pagkakahiga at tumingin uli sa stars.

"Oo"

"Sabi mo isa lang naging girlfriend mo? S-sino yun? >o<"

"Ikaw"

Plain niyang sagot na nakatingin parin sa stars. Eh? Naguluhan ako. Sabi sa school cassanova daw siya tapos marami na siyang pinaiyak.

Panong isa lang ang naging gf niya at ako pa? Meaning wala pa talaga siyang naging gf? Ay ang gulo!

"Bakal ka ba Cian?" Mukhang nagulat siya sa tanong ko.

"A-Anong sabi mo?" Hindi ko siya nililingon, baka kasi pag tumingin ako sa kanya matakot lang ako.

"Kasi hindi ka man lag nagkagirlfriend"

"Gusto mo bsng patunayan ko sayo na lalaki ako?" Hala! Katakot

"Ehehehe, joke lang no. Enebe!"

Katahimikan uli. Pagtingin ko sa langit *0*

"Waaaah, ong domi polong shooting storz!"

Tinignan ko uli siya, ow-kay.. ang wierd nya, straight face padin. Ako naaamaze dito sa kagandahan siya wala lang?

"Stop staring!"

Ah okay sabi ko nga. Bakit kaya ang sungit sungit nito?

Pumikit ako para makapagwish. Pagmulat ko nakatitig siya sakin. Hindi basta tingin kundi titig.

"Ano?"

Iritado kong sabi, diba nga it's rude to stare, tsaka ano.. ano.. basta!

"Anong hiniling mo?"

Ngumiti ako sa kanya.

"Secret! Bleh! :P"

Napansin kong pumikit rin siya. Ang tagal niyang nakapikit, naiinip na nga akong maghintay eh.

Hinipan ko siya sa mukha kaya napamulat siya, ako naman ngumiti lang. ^_^v

"Anong winish mo?"

Ngumiti lang siya sakin. Minsan talaga hindi ko alam kung nangiinsulto ang mga ngiti niya.

"Secret!"

Tumingin uli siya sa langit kaya ako din. Ang daming falling stars. As in, yun nga ata ang first time kong makanuod ng meteor shower.

Ano kaya ang wish niya? Nakaka-curious naman.

Siguro ang magkaroon na siya ng madaming girlfriend. Sayang ang gwapo niya. Woi...erase erase.

Hindi ko namalayan na inaantok na pala ako sa panunuod ng falling stars.

'Sana bumalik na siya'

Yun ang huling salita na nasabi ko bago makatulog.

~~~~~

Pagkagising ko nasa kama na ako. Eh? Panaginip lang ba yun? Pero kasi parang totong totoo.

Bumangon na akong mabigat ang pakiramdam ko. Naku mukhang lalagnatin yata ako. Bumaba na ako nang hindi padin nakikita si Cian. Kukuha sana ako ng tubig nang mahalata ang sticky note sa ref.

'Hoy! Pupunta lang ako sa kung saan,nagluto na ako kumain ka na lang. -C'

Kung maka-hoy naman kala mo close kami. -.-' Kumain na lang ako nung niluto niya.

Medyo feeling ko may mali eh. Masarap naman siya, napailing ako o baka naman may topak lang tong panglasa ko ngayon.

Ay ewan. Dahil nga sa mabigat ang pakiramdam ko. Natulog nalang muna ako pagkatapos kong maligo at kumain.

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon