16th Chappie

69 5 0
                                    

Tinawag na kami para bumaba pero hindi ko parin siya pinapansin. Nakaka-asar na kasi eh, napupuno na ako.

Hindi naman dapat na sa lahat ng pagkakataon pwede niya akong lokohin. Ahhhh ayoko na! Ayoko na siyang isipin lalo lang umiinit ang ulo ko eh.

"Era!" Buti na lang talaga nandito si Dy.

"Oh Dy nasan ka kanina? Wag mo sabihing nagkulong at natulog ka?"

"Ehehehe... parang ganun na nga" tsk! Hindi na talaga nagbago tong si Dy. Naku, naku!

"Kaya pala may laway ka pa oh"

"Wag mo na akong lokohin."

Nag-asaran lang kami sa elevator kaya tinginan samin ang mga tao. Tahimik nanaman sa sulok si Cian.

Nang makababa kami sa lobby, sumalubong samin si Brianna at siguro mga kasing edad namin.

"Hi Ceradine, Marco, at Gabby- is it okay na Gabby na lang?"

"But you can call me Era ^_^" sabi ko

Ngumiti lang si Cian. Tsk! Kanina bad mood tapos ngayon pangiti ngiti. Ang plastik! Sapdkin ko to eh.

"Ah eto nga pala si Dave, Josh, Vidale,Zen, Crissy and Dana" Inisa-isa niya silang tinuro, ang ga-gwapo naman at ang ga-ganda nila.

"At kagaya nyo parents namin ang nagpapunta dito"

Napangiti ako. Sabay sabay pa talaga silang magsalita, ang galing.

Dave is a kind of person na snob. Hindi siya gaanong nagsasalita kahit sa dinner.

Dana is her fraternal twin. Unlike him madaldal siya at masayahin total opposite ni Dave.

Si Josh naman gangster type, may piercings siya, pala mura pero nakakatuwa dahil hindi siya nakakasakit. (Though medyo nakakatakot siyang asarin)

Si Vidale naman ang joker ang galing niyang magpatawa. Sobrang kwela.

Si Zen? Nerd type pero mabait siya at nakikisama naman sa kwentuhan.

Crissy is the type of a walking brand model. Mahilig siya sa mga branded na materials. Let's just say na kahit mukhang spoiled brat eh hindi siya maarte. Actually mukhang mas makakasundo ko ito sa lahat.

Nagkayayaan na maginuman. Naglatag sila sa beach ng kumot at pinalibutan naming lahat yung drinks at snacks.

Nagset-up din sila ng bonfire. Oh diba parang camping lang. (*3*)

'Naku patay' nasabi ko pero mahina lang kasi naman hindi naman ako umiinom, tubig oo pero ang alak?

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon