18th Chappie

69 6 0
                                    

CIAN'S POV

Hindi ako makatulog ng gabing yun. Sinilip ko si Zia sa kama pero nakatalikod. Siguro tulog na siya.

Tumingin ako sa digital clock na nasa side table and it says 3:30. Iniisip ko ang mga sinabi ni Zia nung mga oras na iyon.

#FLASHBACK#

Ang tahimik, walang nagsasalita saming dalawa. Sa sobrang inip niya uminom siya ng alak na nandun.

Nakailang shot na siya pero hindi pa siya nagsasalita.Iinom pa sana siya nang pigilin ko ang kamay niya.

"Tama na yan!"

"Bakit...*hik* nanaman......ba?" Napahawak siya sa bibig niya.. tumingin siya sakin. Mukhang lasing na nga ito.

"Zia, bakit kayo nagbreak ni Kean?"

Tanong ko, kahit alam ko na ang sagot tinanong ko parin para mawala ang katahimikan. Basta na lang lumabas sa bibig ko yun.

Nakatingin siya sa apoy nun na unti-unting nauubos. Biglang may tumulo na luha sa mata niya pero nakatingin parin siya dun.

"H-hindi ko.... *hik*... alam eh.... bashtaaa na..... lang niya.... *hik*.... akong iniwan...."

"Tapoooosh...*hik*...nakita...nalang natin...*hik*.. shila na....ni Chloeeeee..."

Para siyang bata na umiiyak, pinunasan niya yung luha niya gamit ng kamay.

"Sssh. Tama na nga yan. Isa lang naman ang tinanong ko ang dami mo ng sagot" Hahawakan ko na sana siya kaso inilayo niya yung kamay niya. Umiiyak parin siya.

"Inom... *hik*... ka..dalii" Alok niya sakin ng alak.

"Tara na lasing ka na." Kukunin ko na uli sya kaso lumayo. Ang kulit naman talaga oh.

"Alam....*hik*.. mo.. ba? ...*hik*...M-mahal ko.... yun *hik*...sobraaa..."

Nakikinig nalang ako lang ako sa kanya, mahirap na kasi pag nakipagtalo pa ako. Makalipas ang ilang minuto, himala tumahimik! Sumilip ako sa kanya.

Huminto na siya ng pagiyak. Pinunasan niya yung mga luha niya saka ngumiti sakin pero ang mga mata niya iba ang sinasabi.

"A-ano... kaya..*hik*...kung ...*hik*... ikaw ... n-nalang *hik*... ang .. m-mahalin ... ko?"

Nagulat ako sa sinabi niya pero bago ako makareact nakita kong tutumba na siya sa pagkakaupo.

"Tsk! Iinom inom tapos hindi pala kaya."

Dali-dali ko siyang pinuntahan saka siya binuhat papasok sa hotel.

Habang papasok ako, nakita ko sina Crissy, Josh, Vidale, Zen, Brianna, at Dana na nasa pintuan, siguro nakikinig samin. Wala si Marco at Dave.

Pero nung nakita nilang napansin ko, alisan sila sa glass door (panong hindi ko sila makikita nasa likod sila ng glass door. Tsk!)

Tapos kanya-kanya silang ginagawa. Si Zen kunyari nagbabasa ng baliktad na dyaryo, si Crissy naman nagsasalamin.

Si Josh kunyari nakikipagusap sa mga attendant, si Brianna nakatingin lang sakin at nakapeace sign. Mas malala si Vidale, kausap yung halaman.

Napangiti ako sa kinikilos nila. Napailing nalang ako saka sila nilagpasan at pumasok sa elevator.

Narinig ko pa si Josh na nagsalita.

"Hahaha! Muntanga si Vidale kausap ang halaman!"

Vidale: "Ikaw nga nanchi-chix"

Sa loob ng elevator, tinitigan ko si Zia na buhat ko, nakayakap at mahimbing ang tulog. Kung titignan siya parang walang problema, parang hindi umiyak. Sana ganyan ka nalang lagi.

*TING*

Bumukas na ito saka ako lumabas. Pagkapasok namin sa room inihiga ko siya sa kama.

Nagstir siya, mukhang nagising ko at......

*BHUAAAAAAAACKK* Sumuka siya sakin. /( -_-')\

"Aish! Ang dugyot mo naman Zia!"

Pagtingin ko sa kanya tulog na. Napilitan akong bihisan at linisan siya.

"Psh! Iinom inom pa kasi" Bulong ko sa sarili ko.

#END OF FLASHBACK#

Siguro nga nasanay na akong matulog sa sofa kahit masikip dahil sa babaeng yun. Nilingon ko uli siya sa kama na mahimbing ang tulog.Hays makatulog na nga! 

[U.U]zZZ

A/N: Dedicated ito sa kanya, the reason? Wala lang trip kong magdedicate this week. Since halos lahat ng followers ko binibigyan ko ng dedication so there.

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon