30th Chappie

42 1 0
                                    

*F L A S H B A C K !*

Malapit na ang graduation. Yipee. Excited na ako.

\^_^/ Tumingin ako sa paligid. Maraming couples ang naglalandian dahil nga sa valentines ngayon. Tsk! Kainggit.

"Ikaw po ba si Era? May nagpapabigay po."

Walang kaano ano kong tinanggap yun. Isang papel na heart ang shape.

"Follow the TU and you'll find my LIPS?" Binasa ko ang mga nakasulat doon.

Errrrr. Baka manyak lang ang nagpapabigay nun. Ihh! Creepy. Tsaka wrong spelling pa, baka TWO hindi TU. Tsk!

Kinusot ko na yun saka tinapon. Nang papunta ako sa gym. May nakita akong kumpol ng mga tao. Uy, baka may scandal mapanuod nga.

Kaso isang estudyante ang nakita ko at may hawak na rose. Nang magtama ang mata namin. Ngumiti siya at saka lumapit.

"Ate Era tama po ba?" Sabi sakin ng isang freshmen student sa high school na pinapasukan ko. Nangunot ang noo ko.

Sigurado akong ito ang una namaing pagkikita. Bakit kilala niya ako?

"May nagpapabigay po."

Inabot niya sakin ang bungkos ng pulang rosas. Tinignan ko ang card at may nakalagay na "A symbol of my burning love for you Bhie."

Napangiti ako. Alam ko na kung sino yun.

"Ah tsaka sabi 'niya' po baka hindi mo magets ang letter. Follow the tulips daw po."

At yun. Pagkaalis niya nakakita ako ng hilera ng mga tulips sa sahig. Nagblush ako ng makarinig ako ng gasps ng ibang nakakita nun.

Yun pala ang ibig sabihin ng nasa sulat. Akala ko kasi kung ano na.

Isa isa kong pinulot ang mga yun hanggang sa makapasok na ako sa loob.

Ako na po ang agaw atraksyon dahil sa dami ng bulaklak na buhat ko.

"12 tulips. A symbol of my confession to you right now Ceradine 'Era' 'Bhie' Zia Montez."

Nakita ko siyang nasa gitna ng field may hawak na mike. Sa likod niya may banner ng picture ko at picture niya.

Masyado namang public. Pagagalitan siya ng teachers. >.<

May lumabas na mga estudyante hawak ang isang board. Every board may mga letters.

'H A P P Y 1ST A N N I V E R S A R Y, B H I E.'

Tapos si Kean ang hawak niya na board ay may nakasulat na three magical words. 'I LOVE YOU'.

Tumakbo ako palapit sa kanya at saka siya hinalikan sa pisngi. Mabilis ko siyang niyakap at bumulong..

"I love you too bhie."


*E N D O F F L A S H B A C K*


Sunod sunod nang tumulo ang mga luha ko habang tinititigan ang mukha ni Kean na nakatingin sakin.

Those memories. Bakit? Bakit ngayon pa siya bumalik sakin? Gusto ko. Gustong gusto kong lumapit kay Kean at yakapin siya.

Nakaramdam ako ng kamay sa wrist ko at ang sunod kong alam ay hinahatak na ako ni Cian papasok sa kwarto niya.

Tumingin sakin si Cian ng malalim at saka hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha ko habang tulala parin ako.

Kean...

"Shh. Zia, you have to stay strong."

"C-Cian, hindi ko kaya. Ayoko. Na-Natatakot ako." Pagsususmamo ko pero umiling siya.

"No Zia. You have to do this. You need a closure at isa pa. Ayoko nang makita kang umiiyak mag-isa. O tulala sa school grounds."

Umiling ako. Ayoko please. Wag. Wag ngayon.

"Listen. It's now or never Zia."

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala ng mga oras na yun. Weighing things.

Biglang pumasok si Cian ng may dalang pagkain.

"Kumain ka na muna."

"Cian, please don't do this to me huh?" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"No. Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin ang makitang kang umiiyak. At ayoko nang maramdaman pa ang selos. Dahil hanggat nandyan si Kean, hindi ako matatahimik Zia." Sabi niya habang tinuturo ang parte kung nasan ang puso ko.

Kitang kita sa mukha niya ang lungkot. At sa mga sinabi niya, halatang namula siya pero hindi niya yun tinago.

Cian...

Bakit?

Tuloy tuloy ang tulo ng luha ko. Halo halo ang nararamdaman.

Hindi ba dapat nakamove-on na ako. Three months. Diba dapat sa mga panahong kasama ko si Cian nakalimutan ko na si Kean?

Bakit?

Isa. Isang sulyap lang sa mukha ni Kean, back to zero nanaman ako. Bakit? Ayoko. Nasasaktan ako sa tuwing makikita si Kean, paano pa kaya ang harapin siya?

"Era, let's break up..." Tandang tanda ko kung paanong parang isang babasagin na bote ang bumasag sa loob ko. Parang time bomb na sumabog at nabingi ako.

Nasa park ako nun at tuwang tuwa dahil sabi niya magkita raw kami. Yun ang unang beses na magkikita kami matapos ang second year college namin.

Magbabakasyon na at marami akong naiisip kung saan kami pupunta.

Pero tatlong salita lang ang kinailangan para mawala ang ngiti ko sa mukha at mapalitan ng luha, lungkot at pagkalito.

Lumapit ako sa kanya at humawak sa braso niya, pero pilit niya yung tinanggal at saka ako tinalikuran at umalis.

"Okay. If you really can't do this, then don't. In the end, the decision is yours." Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang boses ni Cian.

"But whatever it is, just remember that you have me, not in your front nor back, but beside you."

Sincerity. Yan ang nakita ko sa ga mata ni Cian ng sabihin ang mg salitan yun.

Cian has always been there for me. But why? Bakit isang tingin lang kay Kean, parang wala na ang lahat?

And the the next thing I knew? I was standing at Kean's room. Kumatok na ako at huminga ng malalim.

Zia, this is it.

Kaya ko to.

A/N: None of the previous chapters are edited so if error/s found please comply. -LovingBlu

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon