1st Chappie

301 8 2
                                    

"Miss panyo oh"

Suminghot ako sabay tingin sa taong nagbibigay sakin ng panyo.

Si Cian lang pala. Ang kapatid ng taong dahilan kung bakit ako umiiyak.

Inabot ko ang panyo at sinabing

"Salamat ha... Ano bang tatak nito? Papalitan ko nalang."

Sabay pahid sa luha ko

"Ewan ko."

Sabi niya at naki upo sa tabi ko. 

Tinignan ko siya ng masama. Nahalata niya ata kaya lumingon sakin.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?"

"Eh siraulo ka ba? Umiiyak na nga ang tao tumabi ka pa. Kita nang nag sesenti eh."

"Kaya nga binigyan kita ng panyo eh"

"Bakit......" Pumapatak nanaman mga luha ko.

"Ang panyo ba kayang pagalingin ito?"

At tinuro ko ang part kung nasaan ang puso ko. Lumalabo na ang paningin ko dahil sa

dami ng luha.

"Hindi, pero kaya nitong bawasan ang sakit."

Mahina niyang sabi kaya hindi ko narinig yung iba.

Ilang minuto na akong iyak ng iyak. At mukhang pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Andito kasi ako sa park kung saan lagi kaming pumupunta ni Kean. Mas lalo pa akong napa iyak.

Bigla nalang niya akong hinatak sa kamay at napatayo mula sa pagkakaupo.

"San mo ko dadalhin???"

"Bibili ng gamot"

"Hah? Para saan?"

"Sumunod ka nalang"

Pinasok niya ako sa isang asul na kotse at lumipat sa driver's seat.

"Nagda drive ka?"

"Si Kean may kotse tas sakin nagtataka ka pa?"

Tumahimik nalang ako at himala natigil ako sa pag iyak.

Ako nga pala si Ceradine Zia Montez, 19 y/o, 3rd year College sa? Saan na nga ba ako nag aaral? Eh kasi naman summer break ngayon kaya naka bakasyon yung utak ko first week of summer tapos nakalimutan ko kung saan ako nagaral ng apat na taon. At first week nagbreak kami ni Kean. Ano ba yan naiiyak nanaman ako.

Marami pa naman akong plano kung saan kami magsa-summer.

Huminto kami sa isang maliit na Grocery store lumabas siya at hindi nagtagal bumalik sa kotse. Tinignan ko ang laman 

... 

... 

... Haha natatawa ako aanhin niya yon???? Pinipigil kong tumawa pero nawala ang balak kong pagtawa nang mahinto kami sa pamilyar na bahay...

Ang bahay nina Kean.  

Huminto kami at hinatak niya ako palabas ng kotse pati ang pinamili niya. Magrereklmo na sana ako sa kabrutalan niya ng makita ko sa loob ng bahay si.....

Si.... 

Si K-Kean at ang pinalit niya sakin si CHLOE at masayang masaya sila...

Napatulala ako sa nakita ko, kasi sa pagkaka alala ko kaninang umaga lang kami nag break. That B*lls*it. Numumula na ata ako at kinuyom ko ang kamay ko sa sa galit pero hinawakan ito ni Cian..!!!!!  

O.O

Napatingin samin si Kean nawala ang ngiti niya.

"Oh kuya, andito ka pala at.... Ceradine?"

"Yeah" Tipid na sagot ni Cian

"Why are you two together then?"

At ito ang nagpagimbal sa araw ko.

"Why? Is it prohibited for me to be with my GIRLFRIEND?"

Napanganga ako sa sinabi niya kulang nalang malaglag panga ko. Pero sinarado ko ito dahil baka mahalata pa ni Kean.

Nang bigla niya akong hinalikan............................ sa Lips pa. Nung mga oras na iyon sigurado ako na ang mata ko na ang malalaglag sa sobrang gulat sa mga pangyayari.

"Shall we?"

Tanong niya sa akin ng may kasamang ngisi tsaka ako tinulak tulak sa isang kwarto....

A/N: This chapter is... uh no... this story is dedicated to my all time favorite author with her story 53,000 steps... I soo love it!!! I've read it who-knows-how-many-times. So yeah happy reading.. And please, please, please, be free to comment but of course, no bad words and heart breaking comments.

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon