7th Chappie

69 7 0
                                    

*TSUP*

Ang lapit parin niya sakin at seryoso ang mukha niya "Next time I don't want to hear you cussing ever AGAIN!"

Nakakatakot naman pala tong isang to. Grabe lang. Sa susunod tatandaan kong wag siyang asarin.

"Ah o-ok"

Maikling sagot ko kasi siyempre baka kung ano na ang gawin niya sakin. Pagkatapos nun naisip kong magluto ng lunch siya naman tinuloy ang panunuod.

"Hindi ka ba uuwi sa inyo?"

Tanong ko habang nagpeprepare ng iluluto.

"Nope" Sagot niya pero nakatingin parin sa TV. Bigla atang tumahimik? Himala

"Hindi ka ba hinahanap ng parents mo?"

Mapalayas na nga ito. Mahirap mag-adjust lalo na pag matagal ka na ng mag-isa sa bahay tapos may unggoy na sisingit?

Pano nalang pag yung underwear ko nakatengga sa kung saan diba? Nakakahiya naman ata yun.

"Nope"

Ang sabi kasi sakin ni Kean nun eh nasa ibang bansa daw parents nila. Kahit alam ko ang tungkol dun tinanong ko parin siya, ang tahimik eh, tinatry ko lang gumawa ng magandang conversation.

Kasi diba "kami" nga pero we barely know each other, in fact, stranger pa nga kami sa isa't isa.

"Uhm... Ano ang gusto mong lunch? Or kakain ka ba dito?"

"Yeah"

Aish! Ayoko na nga binaba ko ang kutsilyo ko at saka dumeretso sa kwarto. Nakakaasar eh. Hindi man lang sumagot ng maayos puro 'Nope' 'Yeah' lang ang sagot niya.

Sinarado ko ang kwarto ko. Siyempre natuto na ako noh, nilock ko na. Magpapadeliver na nga lang ako ng pizza.

Naligo muna ako, at kung ano ano pa ang ginawa ko sa loob ng kwarto saka napagdesisyunan ko nang tumawag para makaorder.

After ilang minutes lumabas na ako kasi narinig kong may nagdoorbell. At hindi ako nagkamali. Inabot ko na ang inorder ko saka ko naalala..

0-0 Wala na akong cards. Puro barya na lang tong pera ko.

Wala akong choice mangungutang nalang ako tutal nakitulog naman siya dito kagabi. May bayad ata yun noh.

Pumasok ako at nadatnan ko siyang nagluluto. Nilapag ko sa table ang pizza at nilahad sa kanya ang palad ko.

"Oh bakit?" Wow, alam niyang magluto? Parang easy lang sa kanya ang paghihiwa. Naku mukhang mapapakinabangan ko ito.

"Wala akong pambayad"

Kumunot naman yung noo niya na parang sinasabing 'Ano naman kaya yun?'

"Pambayad sa?" Niroll ko yung mata ko.

"Nagorder akong pizza. Dali na"

"Bakit ka ba kasi nagorder?"

"Dali na naghihintay sa labas yung nagdeliver eh"

Inabot niya na lang sakin ang pera ako naman tumakbo palabas.

Ng mabayaran ko na bumalik ako sa table, umupo, habang siya naghahain na sa table. Naamoy ko yung niluto niya mukhang mas masarap yun kaso ayoko inis ako. Isusubo ko na sana ang pizza ng....

Hinawakan niya ang kamay ko. Ngayon ko lang nahalata bagay sa kanya ang apron ko.

"Wag yan ang kainin mo.."

Hawak niya parin ang kamay ko at saka tinapat sa mukha ko ang plato na may adobo.

"Eto nalang"

Hindi ko siya pinansin kakainin ko ulit sana kaso ayun pinigilan niya ulit.

"Eto na nga sabi eh"

Sumisigaw na siya. Kaya ayun sumunod nalang ako. Ang creepy eh.

Habang kumakain kami...

"I'm sorry"

Yun ang nakapagpatigil sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Love's Twisted Game (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon