What the hell?
Napailing na lang ako nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin. He dared me to wear a floral dress. This is his second wish. I'll let him control me what to do.
I was wearing an above the knee off- shoulder pink floral dress with ruffles on the end, I hate it. I curled my hair, I hate it. I use to wear sneakers but I wore 2-inched hill white sandals and I hate. I put on make up, I hate it. I dislike everything I wore, but for sure he'll love it.
"Y-you look beautiful..." napalunok pa siya bago niya sabihin iyon. Natawa naman ako at nakagat pa ang ibabang bahagi ng labi.
Pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng puting sedan na sasakyan niya. I carefully went in and buckled my seatbelt. Nakita ko namang kumaway si mama mula sa labas kaya't kumaway na rin ako at tsaka siya nginitian.
It was beautiful in here, I told myself looking at the view nang makarating kami roon. My floral dress suit the theme of the park. Ang ganda rito... pinasadahan ko ng tingin ang iba't ibang bulaklak na nakaayos sa uri nito. Hindi ko akalain na may ganito kagandang lugar dito sa Manila.
"Smile." He focused his DSLR on me. Napatakip ako ng mukha sa ginawa niya. Nakakahiya.
"That's my dare." He glared at me. I put down my hands and pouted looking defeated.
"I said smile, don't pout, you're too cute" I chuckled as I hear what he says.
"Alam mo ba, kapag naglakad ka diyan habang umiikot matutupad lahat ng wish mo?" Tinuro niya ang mahabang linya sa daan. Kataka-takang naputol ito. Isang metro lang ang haba.
"Kalokohan." I rolled my eyes on him.
"Ikaw bahala, nung umikot ako diyan nung bata ako, natupad lahat ng wishes ko." He crossed his arm looking at the line. Pinasadahan niya rin ako ng tingin kaya't napaisip ako sa sinabi niya.
"Sure ka?" I looked at him.
"Oo nga, ayaw maniwala, try mo. Wala namang mawawala sa 'yo." Saglit ko pa siyang tiningnan at tsaka pumwesto sa unahan ng linya.
Humigop pa 'ko ng hangin bago magsimulang umikot. I found myself crazy. Para akong tanga kaya 'ko napatigil. At tsaka tumingin sa kanya na ngayo'y kinukuhanan ako gamit ang DSLR niya.
"Alam mo ba kung bakit naputol yung linya? Naubusan kasi sila ng pintura." Humagalpak siya ng tawa. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya't tumakbo ako papalapit sa kanya. Tumakbo rin siya kaya't ang nangyari'y patuloy ko lang siyang hinahabol.
Nang matapilok ako'y bumagsak ako sa semento. Ano ba naman, malas na buhay 'to oh. Nakita ko siyang papalapit sa gawi ko.
"Sorry." He knelt and get something from his black bucket bag.
"It's fine." Natawa pa ako dahil sobrang seryoso ng mukha niya.
Inilabas niya ang band aid at inilagay sa paltos ko. May dala rin siyang lace-up sandals at 'yon ang ipinasuot niya sa 'kin. Alam niya na daw na mangyayari 'yon kaya't nakapag handa siya. Hawak hawak niya ang hilled sandals ko nang magsimula ulit kaming maglakad.
Umupo kami sa isang open area kung saan papanoorin ang paglubog ng araw. Maraming magkasintahan ang naroon at 'yong iba'y magkakaibigan o di kaya'y pamilya.
Masyado naman akong namangha sa pinagsamang kulay dilaw, pula at kahel na kulay ng langit.
"Ang ganda 'no..." bigla ko na lang nasabi habang nakatingin roon.
Hindi naman ako nakatanggap ng tugon kaya't agad ko siyang tiningnan. Gulat pa 'ko ng makitang nakatingin na siya sa'kin kaya't tinaasan ko siya ng kilay.
"Oo nga," he smiled. "Ang ganda..."
Fuck? Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman ko.
'Pagkatapos namin roon ay lumabas na kami ng garden at at naghanap ng pwedeng tambayan.
We ended up in the coffee shop. Naupo kami roon sa may couch and coffee table. Nagpunta siya sa counter para umorder.
"Panalo ba?" he put the pizza on the coffee table and sat beside me.
"Hay, ewan ko ba, hindi raw muna iaannounce ang winner dahil may umaalma from juniors." Napabuntong hininga ako at tsaka kumuha ng isang hiwa.
"It happened again."
"Ano?"
"Last intrams ganoon rin ang nangyari," Napailing siya habang nakatukod ang siko niya sa tuhod. Napansin ko naman ang kanang palapulsuhan niyang may benda pa rin.
Marami nga pala akong dapat itanong sa kanya.
"Dahil kataastaasan ang dean and her dad is one of the committee of judges palagi silang panalo kahit dapat seniors."
Napailing ako at tsaka sumubo ng pizza. Madumi rin pala ang mga galawan rito.
Basta may kapangyarihan, kahit hindi tama, nasusunod.
We remained silent for a minute.
"Do you mind telling me your problem." Kahit kinakabahan ay naglakas loob akong tanungin. Tiningnan ko siya at noo'y napahawak siya sa benda. Pinasadahan niya ito ng tingin at tsaka tumingin sa'kin habang binasa ang ibabang bahagi ng labi niya.
Halos nakadilat ang mata ko at hindi naaalis sa kanya nang magsimula siyang magkwento. I was stunned. Masyadong marami siyang pinagdaanan.
"Did you enjoy?" He look at me smiling, changing the topic.
I smiled back at him and nodded.
"Thank you for being my friend Lalaine. Thank you for making me happy." He said as we leave the coffee shop. I look at him. Why so sudden? Bakit niya sinasabi ang mga bagay na 'to?
"Welcome." I look at him in confusion.
Bumalik na kami sa sasakyan at tsaka inihatid ako sa bahay. Naging mabilis lang ang byahe.
"Lalaine" I look at him as he called my name.
"Thank you for making me smile and for being a friend, goodbye." He turned his back on me.
I'm confused. Bakit iba ang nararamdaman ko?
Aalis ba siya? Bakit? Anong ibigsabihin no'n?
BINABASA MO ANG
Be with Me
Teen FictionLalaine Dailean Corpuz, a senior highschool student who went through ambiguous betrayal. She fear to let people enter her life but there's something that she can't control. Sabi nga nila, iunat mo lang ang kamay mo't hayaan ang mga tao sa bisig mo...