Lalaine's POV
"I'll call an ambulance." I smiled.
I immediately run towards him. He looks tired and wasted. Huminga muna ako ng malalim bago siya tapikin sa pisngi, nang hindi siya sumagot ay nakagat ko ang labi bago ipinwuesto ang kamay sa bukana ng bibig niya. Marahil ay marami na siyang nainom na tubig.
Nagtama ang tingin namin ni Trino. Nakasandal siya sa motor niya habang ang isang kamay ay nakapuwesto sa tainga at ang isa naman ay nakapamulsa.
Pinagmamasdan niya ang ginagawa ko.. Humugot ako ng malalim na hininga at pinagdampi ang labi namin ni Troy. Ipinasa ang hangin na nagmumula sa sistema ko at tsaka pinakawalan iyon. Ipinwesto ko ang ang dalawang kamay ko sa dibdib niya at tsaka ito paulit ulit na itinulak.
Inulit ko ito ko ito hanggang sa umubo siya kasabay ng paglabas ng tubig sa bibig. Sunod sunod ang naging paghinga ko habang tinitingnan ko siya.
"T-troy.." tuluyan akong naupo sa lupa at inihilig ang ulo niya sa hita ko. "It's gonna be okay.. I'm here.." marahan kong hinaplos ang pisngi niya.
Sa pagkakataong iyon nakita kong dumilat ang mata niya. "You are here... You came..."
"Shhh... Don't talk.. The ambulance is on their way." Bumaling ako kay Tri na ngayon ay nasa amin ang tingin.
I'm sorry...
Parang kinurot ang puso ko nang makita siyang kinagat ang ibabang bahagi ng labi at tumingala. Tila pinipigilan ang luha sa pagbagsak. Halos tumila na ang ulan kaya't malinaw kong nakikita ang kanyang mukha.
"I-I'm really waiting for you to c-come, Lalaine.. And you're here." Bagaman mahina ay narinig ko iyon. Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko, hindi ko naman siya magawang tingnan dahil patuloy na inaagaw ni Tri ang atensyon ko.
Nang makita niya kaming nasa ganoong posisyon ay nanatili ang tingin niya sa kamay ni Troy na nasa pisngi ko.
Ako yata ang nasasaktan para kay Tri. Hindi ko alam kung bakit sa akin nangyayari ito. Wala akong ideya kung ano ang dapat maramdaman ko.
Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan si Tri sa nakikita niya pero may parte sa katawan kong nagdidiwang dahil sa narinig ko..
Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang ambulansya. Tumingin ako kay Troy na ngayon ay nakapikit. Hinawi ko ang buhok niya pataas habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa mata ko.
Inaasikaso siya ng medics habang ako'y lumapit kay Tri para makapagpasalamat.
"Sobrang salamat, Tri. Masaya akong naiintindihan mo." I smiled at him genuinely.
"We.. are friends right?" napalunok pa siya bago ituloy iyon na para bang hirap na hirap siyang bigkasin. Parang kinukurot naman ang puso ko dahil doon. "Go.. go on, go with him, help him. Don't mind me I'm fine." he smiled.
Kabaliktaran iyon ng nakikita ko. Hindi siya okay, paanong nagagawa niyang ngumiti. Bakit siya gan'to. Nasasaktan ako, dinudurog ako.
"Thank you, Tri, babawi ako." I held his arm. Doon ko lang napansin na wala na ang benda dito, nginitian ko siya.
"You don't need to.. We are friends, right?" I nodded tsaka siya tinalikuran.
Sumakay na ako sa ambulansya malayo rin pala iyon mula sa university hospital.
Kagat-kagat ang kuko ko nang maupo ako sa aero bench para mag-antay ng resulta.
"Hey! Here, magpalit ka muna." Bri handed me a paper bag, tiningnan ko iyon at may laman itong damit at plastic.
BINABASA MO ANG
Be with Me
Teen FictionLalaine Dailean Corpuz, a senior highschool student who went through ambiguous betrayal. She fear to let people enter her life but there's something that she can't control. Sabi nga nila, iunat mo lang ang kamay mo't hayaan ang mga tao sa bisig mo...