Kabanata 17

1.1K 30 5
                                    

Lalaine's POV

"Bat anlaki ng eyebags mo? Para kang zombie," pang-aasar ni Tri pagkaupo sa silya niya. Napahawak ako sa mata ko. Ang aga mang-asar badtrip. Kasalanan niya to eh! "Wag mo sabihin hindi ka nakatulog dahil sa chat ko"

"'Wag ka ngang assuming! Nag-aral ako 'no" pagtanggi ko.

"'Wag mo na itanggi lalaine, ako lang naman 'to. " Ngumisi siya at tumungo sa likod ng upuan ko. Binatukan ko para matauhan.

"Aray!" napahawak siya sa batok niya.

"'Wag kang maingay diyan okay?" Apaka-ingay. Aga-aga. "Nakatulog ako at hindi kita napanaginipan, kung mapanaginipan man kita bangungot yon!" pagmamalaki ko.

"Grabe ka naman ansakit sa heart," umarte siya na parang nasasaktan may pahawak pa sa dibdib. Kakaiba talaga 'to.

"Nandito po ba si Corpuz?" Napalingon ako sa lalaking nasa pintuan, siya ata yung head ng hiphop team. Napatingin ako kay troy na napaayos sa kinauupuan.

Nagtaas ako ng kamay para makita ng hiphop head ang presensya ko. Tumayo ako at pumunta sa pintuan kung saan siya nakatayo. Doon ko lang napansin ang cool awra niya.

"Bakit?" Biglaang tanong ko.

"The cheer dance team wants to have you and I ask our adviser if it's okay, sabi niya okay lang naman daw dahil trainee ka palang." Dirediretso niyang sabi. Napaawang ang bibig ko ng malamaan 'yon.

"Teka-teka, you mean papalipatin niyo ko sa cheer dance team kahit hindi 'yon ang sinalihan ko?" dali-dali kong sabi dahil hindi ko naiintindihan.

"Ganon na nga" Sabi niya. "Uhm.. Pumunta ka na lang sa training ng cheer dance mamaya, dun na daw i-eexplain ng cheer dance team head ang lahat, alis na ko." Dugtong niya ng ituro ang daan kung saan siya maglalakad. Tumango nalang ako.

Dire-diretso akong umupo sa upuan ko kagat-kagat ang kuko ng hintuturo ko sa kanan. Pagkaupo ko saktong dumating ang teacher namen. The whole time na nagdidiscuss siya, tulala lang ako. Hindi ako mapakali sa sinabi ng head ng hiphop team. Bakit naman kaya ako ililipat.

At dahil absent ang teacher namin ng next subject napatungo ako sa desk ng upuan ko. Naramdaman ko naman ang presensya ni Trino sa gilid ko. Nagkumpulan nanaman yung mga mag totropa kung saan sila tumatambay sa loob ng room.

Nang may marinig akong palakpakan agad akong napaangat ng tingin nakita kong tumayo si Bambam, yung babaeng nag announce about sa elections na maikli ang buhok at malaki ang boobs. Nakaangat ang tingin niya at kumakaway-kaway pang beauty queen. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. Nakipagtitigan lang ako ng tingin sa kanya at gulat na tumaray siya saken.

Hindi ko alam kung nay galit 'to sakin. Parang batang laging umiirap, hindi ko na lang pinapansin.

"Hui!" pang gugulat sakin ni Tri sa tabi. "Sabog ka ba? Kanina pa kita tinatawag di mo ko pinapansin" pinagkrus niya ang kamay niya sa dibdib.

"Hindi, may iniisip lang"

"Ano sabi nung panget na 'yon kanina?" tanong niya ng ngumuso don sa may pintuan sabay taas ng isang kilay.

Napangalumbaba ako sa desk ko tsaka humarap sa kanya para siyasatin siya. " Hoi! May kinalaman ka ba sa paglipat ko sa cheer dance team?" tinaasan ko din siya ng kilay.

"H-huh?" sabi niya parang nagulat sa sinabi ko.

"Sa hiphop team ako sumali, pero sabi nila kailangan kong lumipat sa cheer dance team," parang alam na niya na ang ibig kong sabihin.

"Hindi 'no, hindi ko nga alam kung anong club ka sumali eh." sabi niya ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko mga isang dangkal kaya naman napaatras ako sa gulat. "But seriously? Sa hihop ka sumali? I thought you're going to cheer me sa mga laro." umarte siyang nagtatampo at tsaka ngumuso. He's like a kid.

"Oo, sa hiphop ako sumali, pero ngayon nasa cheer dance na." I rolled my eyes at him.

"Mukhang pumapabor sa akin si tadhana ah," sabi niya sa tonong pang-aasar ginulo niya ang buhok ko tsaka bumalik sa upuan. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Pagtapos ng klase, nagpalit na ko ng P.E. uniform 'yon daw kase ang dapat na suot. Pagpunta ko ng gym, hinanap ko yung adviser/trainor ng cheer dance team. Nilapitan ko kumpol ng estudyanteng nakikinig sa edviser nila. Eto na nga yun si ma'am Lara. Ineexplain niya yung oras ng training. Ang main objectives ng team ay magcompete sa darating na intrams. Pagtapos non pormal na ipinakilala ang head o president ng team.

Si Bambam, nanlaki naman ang mata ko nang ideretso niya ang tingin sakin, nakita ko rin si Marie. Kailan pa siya nagkaro'n ng interes sa pagsayaw? Huh? What's going on?

Naiwan ang mga officers, kaunti lang sila. Tama ang nasa isip ko dahil hindi naman kailangan ng madaming officers sa mga ganitong clubs.

Pagtapos non ay kinausap ako ng adviser namin. May nakapagsabi daw sa kanila na kakailanganin nila ako sa team. Si Marie lang naman ang kakilala ko na narito sa team.

Naupo ako saglit sa ikatlong palapag na bench nang may kausapin ang adviser namin. Iba't ibang clubs ang narito sa gym ngayon. Yung iba ay orientation, yung iba nagsimula na ng kani-kanilang streching.

Napagawi ang tingin ko kina Bambam na nasa harap ko ngayon, hindi ko alam ng close pala sila ni Marie. Gulat akong napatingin sa lalaking papalapit sa kanila....

Troy...

"Ah~ thank you baby" rinig kong sabi niya kay Marie nang ibigay niya ang tumbler dito.

My heart starts beating faster. Napahawak na ko at napatayo, kita kong gumawi ang tingin ni Troy sa akin.

"Are you okay?" dinig kong sabi ni Tri nang mapahawak sa braso ko at alalayan akong makaupo. Kita ko ang pag-aalala sa mata niya. Pinainom ako ng tubig. Nang makita niyang kumalma ang lagay ko, tsaka siya nahimasnasan at nagpakawala ng malalim na hininga.

Nang tumigin ako sa harapan ko, wala na si Troy at nakatingin nalang sina Bambam sa gawi ko.

I was surprised when I felt the hands of Trino holding mine. My heart keeps beating faster. Parang abnormal. I looked at him.

"Shhhh... Next time don't let your heart beat fast when I'm not the cause."

Be with Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon