Kabanata 36

730 22 12
                                    

Lalaine's POV

"Anak, nandito na si Trino," nanlaki naman ang mata dahil hindi ko iyon inaasahan. Napalabas na lang ako ng kwarto at binitbit ang backpack, back to normal na naman. Mabuti at naayos ko na ang gamit ko kagabi nang makauwi galing simbahan.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang maalala ang iniisip ko kahapon, akala ko naman ay aalis si Tri o kung ano.

Pagkalabas ko ng kwarto ay binigyan ako ni mama ng makahulugang tingin, pinandilatan ko lang siya at humalik sa pisngi. Binatukan niya lang ako.

"Aray!"

"Bilisan mo, nag-aantay manliligaw mo." Napailing na lang ako at tsaka bahagyang natawa. Anong manliligaw? Siraulo na nanay ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang maabot ko 'yong gate.

"Goodmorning!" Nakataas ang kaliwang kamay niya habang nakangiti.

"Anong meron?" I asked. Parang may kakaiba 'e. Hindi ko iyon maipaliwanag. Pinanliitan ko siya ng mata habang siya'y nakasandal sa kotse niya.

"What?"

"Ba't ka nakangiti? Ang cringe," I rolled my eyes.

"I just greet you, something wrong?" nangunot ang noo niya at bahagyang ngumuso.

Napailing na lang ako at tsaka bahagyang natawa. akma na akong papasok ng kotse nang kuhain niya ang bag sa kamay ko at tsaka umikot para pagbuksan ako ng pinto. Umanggulo pa ang ulo ko dahil hindi ako sanay sa mga inaakto niya.

Nagtaka rin ako kung bakit niya ipinasok sa street na ito ang kotse niya, paniguradong nahirapan siya sa pag-ikot ng kotse niya dahil may kakiputan ang daan dito.

"How's your night?"

"Anong how's your night 'e natulog lang ako?"

"How's your sleep?"

I can't believe this guy.

Napabuntong hininga ako at tsaka siya nilingon. "Yung totoo? Anong nangyari sa'yo?"

"What? I'm just asking you."

"Hindi 'e, hindi ka normal, kung sino ka man, umalis ka sa katauhan ni Tri."

My eyes widened when he laugh outburst.

Alam kong corny yung sinabi ko at hindi siya agad-agad matatawa ro'n, ano'ng nangyari. He's acting really weird.

Nang makarating kami ng university ay agad niyang ipinarada ang sasakyan at tsaka naunang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Hawak-hawak niya ngayon ang backpack ko.

"Akin na," akma kong kukunin pero hinawakan niya ang kamay ko.

"I insist."

Napabuntong hininga na lang ako at sinakyan ang kawirdohan niya. Nang makarating kami sa classroom ay halos kumpleto na ang naro'n, mabuti na lang at wala pa si Ms. Ginabatan.

Sinalubong naman kami ni Bam at tsaka ako tiningnan mula paa hanggang ulo, ako nama'y nagtataka kaya ginaya ko ang ginawa niya.

"Anong trip mo?" Bahagyang tumaas ang noo ko nang itanong ko sa kaniya iyon.

"Can't you see? Dadaan ako oh, make a way for me." Tumaas ang isang kilay niya.

Narinig ko na ang bulungan at yung ibang lalaki ay nagsisigawan na.

"Red or White?" nagpustahan pa ang mga kupal. Natawa ako nang marinig ko iyon.

Red or white, sa pula o puti lang sa public schools 'yan eh. Naiiba 'pag university?

Be with Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon