Lalaine's POV
Napatayo ako at akmang lalabas ng kwarto dahil hindi ko kinakaya ang ambience sa loob.
"Tara, kain." Naramdaman ko ang pagsunod niya at inunahan pa akong makalabas.
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko at hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa at matanggap ang mga sinasabi niya.
Napailing na lang at sumunod sa kanya. Binuksan niya ang fridge at ako nama'y naupo sa couch. Hinayaan ko lang siya roon sa kusina habang ako nama'y nag-iiscroll ng feeds.
Inilapag niya ang ang fries sa harapan at naupo sa tabi ko. Binuksan niya ang tv at tsaka itinaas ang paa. Natawa naman ako at tsaka ipinatong ang paa sa coffee table kung saan nakapatong ang paa niya. Natawa rin siya nang makita niya iyon.
We watched some movies.
"Are you free tomorrow?"
"Yeah, oo bakit?"
What the hell?
Napailing na lang ako nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin. He dared me to wear a floral dress. This is his second wish. I'll let him control me what to do.
I was wearing an above the knee off- shoulder pink floral dress with ruffles on the end, I hate it. I curled my hair, I hate it. I use to wear sneakers but I wore 2-inched hill white sandals and I hate. I put on make up, I hate it. I dislike everything I wore, but for sure he'll love it.
"Y-you look beautiful..." napalunok pa siya bago niya sabihin iyon. Natawa naman ako at nakagat pa ang ibabang bahagi ng labi ko.
Pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng puting sedan na sasakyan niya. I carefully went in and buckled my seatbelt. Nakita ko namang kumaway si mama mula sa labas kaya't kumaway na rin ako at tsaka siya nginitian.
It was beautiful in here, I told myself looking at the view nang makarating kami roon. My floral dress suit the theme of the park. Ang ganda rito... pinasadahan ko ng tingin ang iba't ibang bulaklak na nakaayos sa uri nito. Hindi ko akalain na may ganito kagandang lugar dito sa Manila.
"Smile." He focused his DSLR on me. Napatakip ako ng mukha sa ginawa niya. Nakakahiya.
"That's my dare." He glared at me. I put down my hands and pouted looking defeated.
"I said smile, don't pout, you're too cute" I chuckled as I hear what he says.
"Alam mo ba, kapag naglakad ka diyan habang umiikot matutupad lahat ng wish mo?" Tinuro niya ang mahabang linya sa daan. Kataka-takang naputol ito. Isang metro lang ang haba.
"Kalokohan." I rolled my eyes on him.
"Ikaw bahala, nung umikot ako diyan nung bata ako, natupad lahat ng wishes ko." He crossed his arm looking at the line. Pinasadahan niya rin ako ng tingin kaya't napaisip ako sa sinabi niya.
"Sure ka?" I looked at him.
"Oo nga, ayaw maniwala, try mo. Wala namang mawawala sa 'yo." Saglit ko pa siyang tiningnan at tsaka pumwesto sa unahan ng linya.
Humigop pa 'ko ng hangin bago magsimulang umikot. I found myself crazy. Para akong tanga kaya 'ko napatigil. At tsaka tumingin sa kanya na ngayo'y kinukuhanan ako gamit ang DSLR niya.
"Alam mo ba kung bakit naputol yung linya? Naubusan kasi sila ng pintura." Humagalpak siya ng tawa. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya't tumakbo ako papalapit sa kanya. Tumakbo rin siya kaya't ang nangyari'y patuloy ko lang siyang hinahabol.
BINABASA MO ANG
Be with Me
Teen FictionLalaine Dailean Corpuz, a senior highschool student who went through ambiguous betrayal. She fear to let people enter her life but there's something that she can't control. Sabi nga nila, iunat mo lang ang kamay mo't hayaan ang mga tao sa bisig mo...