Lalaine's POV
Good thing he saved me.
"What do you want?" he offered me the menu.
"Kahit ano," he nodded. Tumayo siya at nagsimulang maglakad papunta sa linya.
Sinabi niya kay sir kanina na may problema lang daw ako kaya ako lutang. He's the one who was given the consequence. He needs to recite the metals and non-metals.
Tulog pa.
I dont know if I'm going to be happy, I mean I'm not doing the consequence but he is and it's unfair that makes me guilty. I shrugged.
Okay na sigurong tulungan ko siyang magkabisa.
Nandito kami sa cafe, malapit sa school.
Sa park nalang sana kami kako nag stay para iwas gastos. Ayos lang naman daw iyon hindi naman ako ang gagastos, siya naman daw. Sumang-ayon na lang ako.
We're sitting on the window side where expensive cars are on the road.
Ano pa bang aasahan mo dito sa lugar ng mga mayayaman. Ito ang lugar ng mga may prebilehiyo. Napa-iling na lang ako.
Mga babaeng hindi mo alam kung likas na nila ang ganoong pagkilos. Iyon bang mabagal na may paglabas ng pwet, o maarte lang talaga.
Don't care.
Kaharap ang mga notes at periodic table na nakalapag sa babasaging mesa, pinakikinggan ko lang ang mga taong naguusap sa paligid.
Pinakinggan lang, labas pasok sa tenga ko ang mga sinasabi nila. Hindi ko naman takaga naiintindihan.
"Ang kapal ng mukha nung transferee ano, yung hirap na hirap kang kaibiganin si baby Tri tapos siya, hay nako bitch." Maarte ang pagkakasabi
Iyon lang ang narinig ko, hindi ko na gaano pinansin dahil malamang iba ang pinariringan nil---
E-eh? Transferee? Gwapo?
Lilingunin ko na sana ang kaso'y umupo si Trino sa tabi ko at ipinasak ang earphone sa kaliwang tainga ko, ang isa ay nasa kaniya.
Aangal pa sana ako ngunit mas nanaisin ko nalang na pakinggan ang tugtog na nagmumula sa bagay na 'yon.
Inantay ko pa ng ilang segundo ang musika na lalabas sa piyesang ito na nakasalpak sa tenga ko.
Walang lumalabas na kahit ano.
Nagtaka ako.
Nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko, patuloy ang paggalaw ng ulo niya. At pag lalaro ng mga daliri niya sa babasaging mesa.
"Sira ba 'to?" hindi ko na napigilang itanong. Napakaganda naman ata ng pinakikinggan niya at may papikit-pikit pa.
Tinanggal ko na ang earphone na pinasok niya sa tenga ko pero ibinalik niya ulit ito.
"Pretend you didn't heard anything, pretend you're listening to the song when you're not." Nilingon niya ako. Para bang may malalim siyang nais ipakahulugan.
Ibig sabihi'y wala talagang musika. Hindi ko maintindihan. Hinayaan ko.
"Sarili mo ang pakinggan mo wag ang sinasabi nila," he look at me."I know they're just jealous of you kase may gwapo kang kasama." He shrugged and chuckled. I hit him on his arm as I laugh.
Napakataas ng tiwala sa sarili.
"Aray ko naman," sabi niya nang may pahaplos haplos pa sa braso kung saan ko siya pinalo.
BINABASA MO ANG
Be with Me
Teen FictionLalaine Dailean Corpuz, a senior highschool student who went through ambiguous betrayal. She fear to let people enter her life but there's something that she can't control. Sabi nga nila, iunat mo lang ang kamay mo't hayaan ang mga tao sa bisig mo...