Kabanata 34

738 25 11
                                    

Lalaine's POV

"Can you let me win this time?"

Anong isasagot ko?

Nag-iwas ako ng tingin at napakagat sa ibabang bahagi ng labi ko.

"You free later?" pag-iiba niya ng usapan.

"Uh, Lalaine, picture taking daw muna with the basketball team." Leianne said looking at me, the other flyer on our team.

"Sige," I smiled at her bago lumingon kay Tri, tumango lang siya at tsaka sinenyas ang court.

I felt guily, ni-isang tanong niya ay wala akong nasagot.

Nakababa na kami sa court nang mag-announce ang MC na after picture taking ay maaari ng pumwesto sa kanikanilang laro.

Pumwesto ang cheerleading team sa harap ng basketball team. Kahit hindi kami umupo ay kitang kita sila gawa ng agwat ng tangkad namin.

Bahagya pang nagkatulakan kaya't napatid ako patalikod nang may humawak sa braso ko.

"S-salamat," wtf? Bakit ako nautal. Napailing na lang ako at tinalikuran si Troy.

"'Wag kang lampa." Bahagya pang nanlaki ang mata ko at nagtaasan ang balahibo sa katawan ko, batid kong ganoon siya kalapit dahil bagaman mahina ang pagkakasabi ay narinig ko iyon. I can smell his scent from my back.

And that phrase sounds familiar.

That was the exact phrase he told me when we are juniors.

"1,2,3 Smile!" isinenyas iyon ng estudyanteng may hawak ng camera. Sa bilang na iyon ay napa-ayos ako at bahagyang ngumiti.

Nagulat ako nang magdikit ang balat ko sa balat niya. Ang braso ko sa braso niya. Wtf. Nararamdaman ko ang daloy ng kuryente sa katawan ko.

Hinayaan ko iyon at nagfocus sa camera. Pagkatapos kumuha ng litrato ay nagbatian ang magkabilang team. Nag-iwas agad ako ng tingin nang makitang niyakap ni Marie si Troy, mukhang nagkabalikan na sila. Nakaramdam ako ng kung ano sa katawan ko at hindi ko iyon nagustuhan, hindi ko gusto ang nakikita ko.

"Congrats!" nakipagkamay ako sa ibang players at tsaka pilit na ngumiti.

"Ang galing mo kanina Corpuz! The best ka talaga!" inakbayan ako at tinapik tapik ng kabilang kamay ng isang player. Bahagya pang nanlaki ang mata ko dahil hindi ko iyon inaasahan. I smiled awkwardly at tsaka pilit na kumakawala sa pagkaka-akbay niya ngunit habang ginagawa ko iyon ay mas lalong bumibigat ang braso niya sa balikat ko.

"Back off." Gulat ako nang hawakan ni Troy sa balikat ang kateam at matalim itong tiningnan.

Hindi ko iyon kilala at hindi ako pamilyar sa mukha niya kaya't ganoon na lang ang gulat ko nang umakbay siya.

"Oi, Cap, sorry Cap." Tinapik tapik niya ito sa balikat at tsaka umalis.

"You alright?" Kita kong binasa ni Troy ang labi niya at tsaka ito pinunas.

I nodded. "Salamat." Napakamot pa ako ng ulo dahil sa hiyang bumabalot sa katawan ko.

Nasapo naman ng tingin ko si Marie na nag-iinit na naman ang mata habang nakatingin sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin at tsaka bumaling kay Troy.

"Congrats," I forced a smile. "Una na ko, hehe," sinensyas ko pa ang dadaanan ko.

Ayoko namang simulan na naman ng away.

Napabuntong hininga ako nang makalayo at makabalik sa bench. Nagtaka pa ko at nagpalingon lingon dahil hindi ko na nakita si Tri.

Tiningnan ko naman ang phone ko dahil nagvibrate ito.

Be with Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon