Lalaine's POV
Hindi ko alam gagawin ko sa narinig ko ni hindi ako makalingon sa likuran ko. Naramdaman ko ang malamig niyang kamay sa aking braso. I was like a statue standing infront of him. Hindi ako makagalaw, hindi ako lumingon sa kaniya.
"A-ah eh oo hehe." Nautal pa ako at tsaka humigop ng kape.
"Oi Lyka, ba't di mo naman sinabi yung name ng coffee shop na pinuntahan niyo nalito tuloy kami nila Bri" Singit ni Marie sa gitna ng pag-uusap.
"Ano? Sinabi mo sa kanila na nandito tayo?" Pinandilatan ko si Lyka, I can't believe this girl.
"Ano ka ba naman, malamang kasama natin sila." Nasapo ko ang noo ko at napabuntong hininga nalang. "Upo muna kayo." Si Lyka habang sinesenyas yung 4 pa na upuan. Aba kaya pala sa animan kami umupo ng mokong dahil papapuntahin niya sila dito.
Ngayon pinag gigitnaan ako ni Lyka at Bri, bale si Lyka yung nasa pinakadulo. Kaharap ko si Marie na pinagigitnaan ng magkaibigang si Troy at Kai.
Tumikhim ako, nagsimula na silang umorder.
At diyan pa talaga si Marie pumwesto ha, nananadya ba 'to? . Napabuntong hininga ako ng hindi magustuhan ang nakikita.
Ambigat ng ambience dito sa kinauupuan ko kaya pinili ko muna mag-cr.
"Uhm excuse me muna cr lang ako." Nginitian naman nila ko. I start walking going to the comfort room and look at myself in the mirror. I look like a banana that left for one hour.
Haggard, nakakahiya. I washed my face but I have no make-ups. I'm not into girly things, but consiousness is killing me.
Teka hihiram muna ko kahit liptint lang.
"Ate pwede pahiram niyan saglit?" Turo ko don sa liptint nung ate siguro mga around college siya, mukha namang mabait. Joke.
"Ah oh sure, here" Binigay niya naman sakin. I held it, it looks expensive. Pang-mayaman.
Wait, I don't know how to use this. Ahm alam ko na! Gagayahin ko nalang yung ginagawa nila marie. Naglagay ako ng patak sa daliri ko at pinahid ko 'yon sa aking labi dahilan para bahagyang mamula ito.
"sSaamat ate." sabi ko dun sabay abot nung chick tint. She smiled at me. Ang ganda niya. Pero may kakaiba. Strange feeling, hindi ko alam.
Tumingin ako sa salamin. Kahit papaano naging tao naman ako. Napailing ako dahil nilunok ko ang sinabi kong hindi na ako magpapaapekto at iiwas na ako. Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maglakad palabas ng cr.
I'm so mad at my self for doing this.
"Hoi! tumatagal ka sa cr ah." Dinig ko ang pamilyar na tinig mula sa pintuan ng cr. Bahagya pa kong nagulat.
Pagharap ko sa kanya'y nanlaki din ang mata niya. "Ano yaaaaan? Namumula labi mo ah mukhang may pinopormahan." She teases me.
I pouted.
"Lyka hayaan mo na last na 'to, let me." Inakbayan ko siya at hinatak palabas ng cr.
BINABASA MO ANG
Be with Me
Teen FictionLalaine Dailean Corpuz, a senior highschool student who went through ambiguous betrayal. She fear to let people enter her life but there's something that she can't control. Sabi nga nila, iunat mo lang ang kamay mo't hayaan ang mga tao sa bisig mo...