Kabanata 25

878 24 11
                                    

Lalaine's POV

"Fuck Troy, I love you damn much."

Kita kong natigilan siya sa sinabi ko. Umalis siya sa pagkakapatong sa 'kin

Ba't ka tumigil? Napapikit ako at napakamot ng ulo.

Ini-ayos niya akong ihiniga sa unan. I glared at him.

He bended down to kiss me on my forehead.

"I love you, but I'm not him." Ipinatong niya sa akin ang comforter at tsaka pinatay ang ilaw. "Goodnight."

Sobrang sakit ng ulo ko. I'm not in my sense when I leave the room scratching my eyes. I yawned and streched my arm up.

"Good morning."

"Good morning ma," kinusot-kusot at nakurap-kurap pa 'ko. "Ma?!"

Her eyes widened in surprise.

"Bat ka 'andito?" I move closer to her with confused eyes.

"Aba, ikaw ang bakit nandito?" Nakapamewang siyang tiningnan ako.

Inilibot ko ang mata ko at tsaka lang ako bumalik sa diwa. Gulat ako ng makitang iba na ang suot ko. I'm wearing jogging pants and a P.E uniform. Napayakap ako sa sarili ko. Ano ginawa ni Tri sa 'kin?

Lumapit si mama at hinawakan ang tenga ko, kinaladkad papunta sa sala at tsaka pinaupo.

"Aray, aray ko ma!" pagkabitaw sa tenga ko'y binatukan ako ng mahina. I rolled my eyes. Wala 'kong maalala.

"Ikaw bata ka! Nakakahiya ka! Jusko, Mahabagin ano na lang gagawin mo kung wala si Trino? Jusko!" Did my mom just scolded me? Ano ba. Ba't wala akong maalala.

Na sa'n siya? I scratch my head in confusion. Holy shit. I looked at the clock. May pasok kami! Dali-dali akong tumayo at nagpa-ikot-ikot sa sala.

"Ano bang ginagawa mo?" My mom sounded mad.

"Ma! May pasok kami, di mo 'ko ginising. Late na 'kong isang oras!" I raised my voice as i get panicked.

"Nagbigay ako ng excuse letter" I exhaled heavily, mabuti naman. Ibinagsak ko ang sarili sa couch na nasa sala.

My mom handed me a glass of cold water, ininom ko 'to. Bumalik ulit siya sa kusina para kunin yung mga plato. Hala ang kapal ng mukha, nagawa pang magluto dito. Hala.

"Ma! Ba't ka nagluto, nakakahiya!" napafacepalm ako.

"Hindi naman ikaw ang nilutuan ko. Si Trino, naku! Ang bait-bait ng batang 'yon." Tiningnan niya ko "Tira lang niya yan, kainin mo na." Luh, sino ba talaga ang anak mo ma?

Pagtapos kong kumin ng hotdog at sinangag na 'tira' ni trino'y pinaghugas ako ng plato. Badtrip. Pati pinag kainan niya'y ako naghugas. Senyorito.

Pagtapos ay tinawag ako ni mama sa sala at pinaupo sa tabi niya.

"Ano ba talagang nangyari 'nak?" She asked me in concern.

Inisip ko kung ano ba talagang nangyari dahil kahit ako'y hindi ko maalala. Ang naalala ko lang ay nag-i-nom-a-ko.

Napatingin ako kay mama na ngayo'y nag-aantay ng sagot. I hugged her and she hugged me back. I cry like a baby nang maalala ko ang dahilan ng pag-inom ko.

"Ba't hindi mo sinabi sa 'kin?" Hinimas-himas ni mama ang likod ko dahil hindi ako tumitigil sa paghikbi, ikinwento ko sa kanya ang mga nangyari.

"Sorry, ma" I hugged her tightly. "Ayoko nang dagdagan ang problema niyo ni papa" I look and smiled at her. "pero okay na ako ma! Promise!" I raised my right hand up.

Be with Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon