Lalaine's POVInihatid ulit ako ni Bri gamit ang mini van. It was 9:58 in the evening when I arrived home.
Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko, magiging masaya ba ko dahil nagkaayos na kami ni Lyka, o malulungkot ako dahil uuwi na siya ng probinsya matapos mailibing ang kapatid niya.
Gano'n ang nasa isip ko pero nangingibabaw ang lungkot sa puso ko. Nalulungkot ako dahil iniisip ko na kung mas maaga ko siya napatawad ay mas masusulit ko ang oras kasama siya...
Nakakalungkot dahil nagkabati kami ng dahil sa may nawala.
Napag-alaman kong may sakit pala ang kapatid niya. Hindi rin ako makapaniwalang gano'n ang buhay niya, hindi siya nagkukwento at nagsasabi kung anong mayro'n sa kan'ya o kung anong problema niya.
Napabuntong hininga akong isipin na kasalanan ko na naman ang nangyari. Umiling akong inilihis ang damit ko paitaas para makapaglinis ng katawan, pumasok ako sa banyo at naligo sandali. 'Pag tapos ay nagbihis na ako ng padyamas at maluwag na damit ng sa gayon ay komportable ako sa pagtulog.
'Pag tapos kong isaksak ang charger ng cellphone ko'y pinatay ko ang ilaw at nahilig sa kama ng kayakap ang unan.
I woke up early with my phone ringing, alarming me to wake. Napakusot pa ako ng mata at tsaka bumangon. Magluluto na sana ako ng almusal nang may nakita akong pagkain sa mesa, naalala kong umuwi nga pala si mama at nakipagpalit kay kuya sa pagbabantay kay Tri.
"Oh, 'nak, bilisan mo at baka mahuli ka pa," tumango na lang ako at tsaka naghanda, naligo muna bago kumain.
Nang makapagayos at nakapaghanda na ako sa pagpasok ay nagpaalam na ako kay mama, kinuha ko ang small bag ko at paperbag na may dalang pamalit.
Kagaya ng kahapon, walang klaseng magaganap bilang paghahanda sa nalalapit na intrams.
I arrived at our university eight minutes before the training. Nagpaalam muna ako sa mga kateam ko na ilalapag ko lang ang gamit ko sa locker.
Pagtapos ay bumalik na rin ako sa practice area, nilapag ko ang bottled water at cellphone ko sa bench.
Naninibago pa rin ako dahil sa trato ni Marie at Bam sa 'kin, hindi na dumadaplis ang mga masasamang tingin nila sa mata ko. Isang himala ang nangyari, walang araw na hindi nila ako tinitingnan ng masama, ngunit ngayon, tila may may nangyaring kakaiba.
Sinimulan namin ang streching routine at nagsimula na ng general routine.
No'ng una ay nahihirapan ako sa position na nakuha ko, hindi naman ako takot sa heights pero iba pa rin kapag hinahagis hagis ka, para bang kumakawala ang kaluluwa mo sa sarili mong katawan.
At first, I thought I wasn't able to do it but it's matter of discipline and courage to do if you really want it.
Iba 'yong saya kapag nakuha mo ang gusto mo, kapag naachieve mo 'yong gusto mong makuha.
Nang magwater break ay naupo ako sa bech at pinunasan ang tagaktak kong pawis. Ininom ko ang tubig sa bottled water at tsaka nagpakawala ng malalim na hininga.
'Pag ganitong water break ay madalang ang team na magusap dahil may kanya kanya silang mundo. They held their phones
Tumingala ako at kinapa ang phone sa tabi ko.
Binuksan ko ang iba't ibang social media accounts ko at nagscroll ng feeds, iisa lang ang umagaw sa atensyon ko, ang nagnotif sa twitter.
Mariemi and 26 others liked TMendez recent tweet.
BINABASA MO ANG
Be with Me
أدب المراهقينLalaine Dailean Corpuz, a senior highschool student who went through ambiguous betrayal. She fear to let people enter her life but there's something that she can't control. Sabi nga nila, iunat mo lang ang kamay mo't hayaan ang mga tao sa bisig mo...