Kabanata 32

753 27 8
                                    

Lalaine's POV

Nakakiti kong tinahak ang labas papunta sa sakayan ng jeep. Masyado akong naeexcite na makita ulit si Tri. Ilang linggo ko rin siyang hindi nakausap, namiss ko 'yong kwentuhan namin.

Iniisip ko tuloy kung anong una kong itatanong sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang problema niya.

Pakiramdam ko tuloy ay napakabigat ng problema niya dahil umabit siya sa puntong gano'n, o di kaya may gusto siyang alisin sa isip niya na hindi niya talaga magawa.

Tinext ko si Brianna para ipaalam na gising na si Tri, agad naman siyang nagreply na pupunta siya pagkatapos ng family dinner nila.

Nakasakay ako ng jeep nang ganoon ang nasa isip ko, medyo natagalan pa ang byahe dahil traffic. Nang makarating ako ng University Hospital ay agad kong pinakita sa guard ang ID ko at excited kong tinahak ang daan papunta sa kwarto ni Tri.

Pagkapasok ko'y nagulat sina mama dahil sa lakas ng pagkabukas ko sa pintuan. Natawa naman ako at nanghingi ng sorry. Nakita ko naman si kuyang tatawa tawa.

"Uto-uto ka, palitan mo na si mama rito, hindi ka na nagbabantay,"

"Ano?!" sinamaan ko siya ng tingin dahil nagsinungaling siya.

Naiinis akong lumapit sa kanya at ambaan pero lumapit si mama sa'min.

"'Wag na kayo mag-away," bumaling siya kay kuya. "Ikaw naman Kobe, tinawag tawag mo pa 'yong kapatid mo, alam mo namang kagagaling lang sa eskwelahan niyan."

"Oh, ma, kumain na kayo," galit ko pa ring sabi.

"Salamat anak," kinuha niya ang paper bag na dala ko.

"Wait," kinapa ko ang paper bag na ibibigay ko kay Tri. "Sige na umalis na kayo," sinamaan ko muna ng tingin si kuya bago ako bumaling kay mama.

"Ma, 'lika na umuwi na tayo, bumalik na lang tayong madaling araw." Tatawa-tawa pa rin si kuyang nang-aasar at tsaka inakay si mama palabas ng kwarto.

Masama pa rin ang loob ko dahil nagsinungaling si kuya. Lugmok akong umupo sa upuan katabi ng kama nu Tri, pinagkrus ang braso at tsaka siya tiningnan.

"Ui, Tri, kailan ka ba gigising?" para akong tangang kumakausap ng hangin pero wala akong pakialam dahil wala namang nakakarinig.

"Ang dami kong tanong tungkol sa'yo Tri, halos gabi-gabi ko iniisip kung ano ang problema mo." pinasadahan ko ng tingin ang lalaking pwerte ang pagkakahiga.

Sa totoo lang, gwapo talaga siya eh, simula pa lang. Simulang simula pa lang. Noong nakita ko siya sa canteen, hindi ko naman akalain na magiging gan'to kami kalapit sa isa't isa. Marami na rin kaming dinaanang pagsubok bilang magkaibigan.

Palagi niya na lang akong nililigtas 'pag nasa panganib ang buhay ko. Palagi niya na lang pinupunasan ang luha ko pag umiiyak ako. Inilalayo niya ako sa nakaraan ko...

Hindi ko alam kung magandang bagay iyon. Napailing na lang ako nang maisip ko ang pag-uusap namin ni Troy, paniguradong magagalit si Tri kapag nalaman niyang nadikitan ako ni Troy.

Nakahinga naman ako nang maisip kong wala naman kaming masyadong napag-usapan.

Hinawakan ko ang kaliwang braso ni Tri gamit ang dalawa kong kamay.

"Gising ka na Tri, miss na kita." Totoo iyon. Halos maibaon ko ang ngipin ko sa labi ko sa pagpipigil ng pagtulo ng luha ko.

Totoong miss ko na siya, hindi ako sanay na hindi siya nakakausap, lalo na noong hindi siya makausap ng maayos, mabuti na lang at nariyan si Bri.

Be with Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon