Chapter 12
Meg’s POV
Flashback lastnight.
Minsan sa buhay ng tao, meron tayong mamahalin ng sobra. At kung sino pa yung pinahalagahan mo at minahal ng sobra yun pa ang sobrang nakasakit sa atin. Sabi ng iba kung gaano ka daw nasaktan ganon mo din sya kamahal, kasi kaya ka nasasaktan kasi mahal mo, di ka naman daw masasaktan kung wala lang.
Heartaches kasama sa buhay natin yan eh. Pero paano nga ba ang gagawin mo pag yun sobrang minahal mo ay hindi pala para sayo? Iyon bang buong buhay mo pinangarap mo na sana sya na nga at sana kayo na forever. Pero yun forever na yun ay hindi pala “sya” .
Pinipilit mong intindihin pero hindi maabot ng tamang pag iisip mo, kung bakit hindi pwede maging kayo. Masakit , oo sobrang sakit , kung baga sa kanta “knife cuts like a knife how will i ever heal im so deeply wounded knife” meron pa.. ” the first cut is the deepest”
o yun kay Michael V na
Sinaktan mo ang puso ko
Sinaksak mo ng kutsilyo
Binuhusan mo ng asido
Pinukpok ng martilyo
Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako’y naghihingalo
Mauubusan na ‘ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko
. Naiisip ko normal lang naman talaga ang masaktan eh. Kasi halos lahat ng tao nakakaranas non.
At dahil nakita ko sa stat na marami nagtatanong kung paano daw ba mag move on sa isang broken relationship? Eto ang sagot ko. Depende siguro sa sitwasyon kung paano ka nasaktan . May ibat iba kasing sitwasyon eh tulad nito:
Sobrang minahal mo sya, akala mo kayo na, umikot ang mundo mo sa kanya, pero nang tumagal nag iba na sya ng hangarin, iba na ang nararamdaman sayo.
Sabi nya friendship is all he can offer. Pag katapos ng lahat sasabihin nya cool off muna tayo, after a week or so friends na lang tayo. Hello? pwede ba yun? friends? can exlovers be friends? Mahirap yun.
O kaya its not you, its me.. hindi ikaw ang problema .. ako. Mga tamang alibi ba.
Eto ang mas masakit, ” Hindi na kita mahal, meron nang iba”
OR.. Ikaw lang ang may nararamdaman one sided love ba.
At ako yung one sided love na yan!
At marami pang scenario kung paano ka nasaktan. Ang hirap … kasi kung mahal na mahal mo tapos ganyan mga approach ang maririnig mo, malamang kung di malakas ang tolerance mo sa pain mabaliw kana. Una tatanungin mo ang sarili mo ..
BAKIT? BAKIT AKO PA? WALA NAMAN AKONG KASALANAN NAGMAHAL LANG AKO?.
Minsan sinisi mo pa si BOSING kung bakit nangyayari sa iyo ito? Ano ang gagawin ko? Bigla na lang tutulo ang luha mo… bababa ang tingin mo sa sarili mo, iisipin mo unlikable ka, loser, walang kwenta.. sadyang nakakababa ng self esteem pag yun taong gusto mo hindi mo makuha kahit anong gawin mo. . Mahirap kalaban ang puso lalo na ang ego.
Yung iba gagawa ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman.. magwawala, kung dati good girl.. ngayon ang tawag sa kanya ” GOOD GIRL GONE BAD” sisirain ang sarili dahil lang dun. Kung lalaki naman syempre good boy naging BADBOY .
![](https://img.wattpad.com/cover/24210104-288-k750505.jpg)
BINABASA MO ANG
Why we Broke up? (Completed)
RomanceJust because a relationship ends...it doesn't mean two people stopped loving each other. Sometimes, they just stopped hurting each other... Every heartache has a story… Every break up starts with a love story….... All Rights Reserved 2014 YuiJean 10...