Chapter 7

1.4K 41 7
                                    

Chapter 7

A-araaayy ang sakit ng leeg ko anong oras na ba?

“ma!buksan nyo na tong pinto!” katok ako ng katok sa pinto,hay inaantok pa ako kasi di ako nakatulog kagabi pano ba naman kasi pinapak ako ng mga pesteng lamok kagabi eh kainis! Hay gising na kaya si mama?gusto ko na mahiga sa malambot kong kama. Maya maya pa narinig ko na ang pagpihit ng doorknob namin

“lokong bata ka andito ka padin?di ka umuwi sa asawa mo?!” tss seryoso ba talaga to si mama sa pinagsasabi nya? Asawa?ang bata ko pa kaya!

“ma naman!ano ba naman yang pinagsasabi mo asawa ka jan!bata pa ako mama!” agad naman akong pumasok bahala sya jan gusto ko muna umidlip kasi maya maya papasok na ako kaya heto at binagsak ko na yung katawan ko sa kama kaya goodnight to me.. Zzzzzzzz

Bryan’s POV

Hi!sorry kung ngayon lang ako nagkaPOV di ko din alam kung bakit merun ako anyways I’m Bryan Aquino bestfriend ko si Brent ang may ari ng school namin. Kilala ko na si brent since nung mga bata pa kami kaso nga lang umalis sila ng family nya nung ten palang kami pero di naman nagtagal at umuwi sila dito,at ayun dito nadin nya naisipang ipagpatuloy yung pag aaral nya. Hmmm actually wala pa akong girlfriend kasi may hinihintay akong bumalik,bata pa lang kami mahal ko na sya pano ko nasabing mahal ko sya nun pa?gayung bata pa kami nun?simply kasi kayak o syang protektahan oo prinotektahan ko sya nung isang gabi muntik na syang magahasa ng limang lalaki. Pauwi na ako nun nagsskateboard nang may marinig akong umiiyak at humihingi ng tulong sinundan ko kung san ang boses na umiiyak nalaman ko galing sya sa isang bakanteng lote ng subdivision namin na may lumang van hindi ito agad mapapansin kung anuman ang nangyayari sa bakanteng lote kasi nahaharangan kasi to ng van. Agad akong lumapit nakita ko ang isang babae na nakahiga at aakma syang hubaran nung lalakit habang yung dalawang lalaki nakahawak sa mga braso nya at yung dalawa naman nakatayo at naninigarilyo pa. thank god at napatingin sya sa direksyon ko,agad ko naman syang sinenyasan na huwag syang magpahalata.ang ginawa ko naghanap ako ng bato at agad naman akong nakahanap habang sa kaliwa hawak ko yung skateboard ko.

Flashback….

 

“bitiwan nyo sya!” sigaw ko sa limang lalaki agad naman sila napatingin sa direksyon ko. Hindi ko alam kung san ko nahugot yung lakas ng loob na harapin sila kasi kung iisipin wala naman talaga akong kalaban laban sa kanila kasi bata lang ako at sila parang nasa twenties na.

“hoy bata huwag kana makialam dito?o baka ikaw yung tinawag nung batang lalaki kanina na niligtas nitong batang babae na to hahaha”at nagtawanan pa sila,batang lalaki?so ,may niligtas pala tong babae na to.

“hindi ko alam ang pinagsasabi nyo pero bitiwan nyo na sya!”sabi ko sa kanila ang alam ko lang gusto ko syang iligtas.

“sige pagbibigyan kana namin bata,sige bitiwan nyo na yan makikipaglaro nalang muna tayo dito sa bubwit nato hahaha!”

Agad naman silang tumayo at lumapit saken.agad ko naman binato yung bato at tinamaan yung lalaking akmang huhubaran yung batang babae at kusa ko naman binitawan yung skateboard ko at inapakan ko ito at pinaandar patungo dun sa batang babae buti at nahila ko sya.

“sakay!” sabi ko sakanya at hinawakan ko sya sa braso.binilisan ko yung pagpadyak sa semento para bumilis yung takbo ng skateboard ko hinabol nila kami,pero di nagtagal tumakbo sila papalayo kasi may rumurondang pulis patrol sa subdivision namin.

Why we Broke up? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon