Part four

1.2K 46 0
                                    

Matapos kong maayos na iparada sa tapat ng gate ng aming bahay ang sariling sasakyan ay saka pa ako umibis mula sa driver's seat.

Hindi naman kasi ako ganoon kayaman para makabili ng two storey house kaya hindi ko pwedeng ipark sa loob ang aking sasakyan dahil ang bahay na nabili ko many years ago ay walang garahe.

Huminga muna ako ng malalim bago sana tunguhin ang naghihintay na pintuan pero bigla nalang akong natigilan. Sa di kalayuan ay nahagip ng aking tanaw ang isang nakahalukipkip na bulto ng isang tao na pamilyar na pamilyar sa akin.

Marahan syang humakbang papalapit sa aking kinatatayuan nang sadya akong humarap sa kanyang direksyon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong binundol ng kaba. Paano nya natunton ang bahay namin?

"Anong ginagawa mo dito?" Sana napadaan lang sya or sana may kakilala sya na pinuntahan dito kaya coincidence lang itong pagkikita namin pero—

"So, kaya ba ayaw na ayaw mong ihatid kita or sabihin sa akin kung saan ka nakatira dahil iyon ang dahilan?"

Napakunot ang aking noo sa mga katagang ibinungad nya sa akin.

"Kaya ba ayaw mong umalis dahil matindi ang iyong dahilan? Pero Ayen Marie, anong dahilan kung bakit hindi mo sinabi sa akin kung anong totoong dahilan?"

Biglang nanlamig ang aking kamay at wala akong maapuhap na isasagot sa kanya.

"All those years na magkasama tayo, ang akala ko nag-iisa kana sa buhay. Ni minsan hindi ka nagkwento, bakit Ayen Marie? Ikinakahiya mo ba sya? Kaya itinago mo sya sa lahat?"

Napakuyom ako ng mahigpit sa aking kamao at bago ko pa napakalma ang aking sarili ay namalayan ko nalang na tumaas ang aking kamay palapat sa mukha ni Oliver. Kasabay ng pagbigay ko ng malakas na sampal sa kanya ay ang pagbalong ng maraming luha mula sa aking mga mata.

"Ayen—" kaagad syang napahawak sa kanyang namumulang pisngi bago nagtatakang napatingin sa akin.

"Ikinakahiya? Yun ba ang magandang salita na naisip mo, Oliver? Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko! Kahit kelan hindi ko ikinakahiya ang aking Mama kung iyon ang inaakala mo! Inilalayo ko lang sya sa mapanghusgang tao para maprotektahan ang kanyang karamdaman na kahit ako ay hindi ko maintindihan kung bakit sya nagkakaganoon! Ni hindi ko alam kung paano ko mapagaling ang kanyang karamdaman samantalang hindi na mabilang sa aking daliri kung ilang pasyente na ang napagaling ko." Napalunok ako ng mariin.

"I'm sorry, hindi muna ako nag-isip-"

"Pwede ka ng umalis at hindi ko kailangan ang paliwanag mo!" Putol ko sa kanyang sasabihin.

"Ayen Marie..." nagsusumamo ang kanyang boses.

"Please Oliver, leave!" Itinuro ko pa ang malawak na kalsada para makaalis na sya.

Napakuyom sya sa kanyang kamao pero tumalima naman. Saka pa ako napahagulgol ng malakas nang mawala na sa aking paningin ang sasakyan na kinalululanan ni Oliver.

Akala ko maayos na lahat. Akala ko tuluyan na akong matahimik. Pero ngayong muli syang dumating ay unti-unti na naman nyang ginugulo ang nananahimik kong buhay.

Wala namang dahilan para ipaliwanag ko sa iba kung anong buhay mayroon ako. Pero bakit naaapektuhan ako pagdating kay Oliver? Hindi nga ba, ayoko ng isipin ang tungkol sa sariling kaligayahan? Dahil alam ko walang lalaking makakaintindi sa sitwasyon ko. Alam kong magbabago ang pagtingin nila sa akin kapag nalaman nila ang tungkol kay Mama.

Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Kaagad napalingon sa akin si Ana habang nanonood ng tv sa may sala nang mapatapat ako doon.

"Hi, Ate.. nakauwi kana pala. Sabay na po tayo kumain mamaya. At saka nasa loob na po ng kanyang kwarto ang inyong Mama. Mabait naman po sya ngayong araw. Kumain po sya at hindi nagwala."

"Ganoon ba?" Pilit akong ngumiti bago muling nagsalita.

"Mauna kana palang kumain, busog pa kasi ako. " Hindi ko naman maamin sa kanya na wala akong ganang kumain dahil baka mag-alala pa sya. Pagod na nga sya sa pag-aasikaso kay Mama, dadagdagan ko pa ba?

Nagtataka man pero nagawa narin nyang tumango bilang sagot. Dumeretso ako sa kwarto ni Mama bago marahang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto. Sumilip ako mula sa siwang ng pintuan at nang makita kong nakahiga sya sa kama ay naisipan kong hwag nalang syang istorbohin. Muli kong ipininid ang pintuan bago ko tinungo ang sariling kwarto.

Marahan kong ipinatong sa ibabaw ng study table ang aking dalang gamit bago ko hinubad ang aking damit. Pumasok ako sa banyo para magquick shower at ilang minuto ang lumipas ay namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa aking kama.

Gusto ko nang matulog para makalimutan ko ang lahat ng pangyayari kanina pero ni hindi man lang ako dinadalaw ng antok. Napatitig ako sa aking palad bago huminga ng malalim. Ni hindi ko buong akalain na mapagbuhatan ko ng kamay si Oliver. Parang pinagsisihan ko ang ginawa kong pagsampal sa kanya kanina.

Kailangan kong humingi ng apology sa kanya dahil hanggat hindi ako nakakapag-sorry sa kanya ay hindi ako patatahimikin ng aking konsensya. Marahan kong kinuha ang kumot at itinabon iyon sa aking mukha. Hayyys... bakit ba hindi ako makatulog?

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang bigla akong matigilan. Umingit kasi ang pintuan ng aking kwarto at kasunod nun ang pagkarinig ko ng yabag ng paa patungo sa aking kinahihigaan.

Gusto ko sanang silipin kung sino ang pumasok pero hindi na ako nag-aksaya ng panahon para kumilos dahil alam kong si Ana lang naman ang nakakapagtangkang pumasok dito sa aking kwarto.

Napalunok ako ng mariin nang maramdaman kong bumigat ang gilid ng aking kama. Teka, hindi naman ito gawain ni Ana, ah!

Napakurap- kurap ako habang napapaisip. Ano kayang nangyayari sa babaeng iyon?

Naramdaman ko ang marahang paghaplos mula sa ibabaw ng aking kumot. Parang nag-init ang aking pakiramdam dahil sa simpleng haplos na iyon. Buong buhay ko ay hindi ko naramdaman ang pagkalinga ng isang magulang simula nang lumisan si Lola. But now-

"Hwag mong hayaang mahulog ang iyong kalooban sa isang lalaki. Sasaktan ka lang nila at iiwanan. Hwag na hwag kang iibig anak,kasi hindi ka magiging masaya. Panandalian lang ang kaligayahan na hatid ng pag-ibig sa buhay mo. Ang kapalit noon ay ang hindi matatawarang kalungkutan."

Bumalong ang maraming luha na kanina ko pa pinipigilan. In this life ay wala akong pinangarap kundi sana marinig ko man lang ang kanyang boses. But eversince na nagkaisip ako ay hindi ko man lang narinig ang boses ni Mama. Ang lagi kong nasisilayan sa kanya ay ang paghagulgol nya ng iyak na nauuwi sa pagwawala at ang kanyang pagkakatulala.

Ang aking Ama ba ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan sa loob ng maraming taon? Niloko sya at iniwan? Kaya ba sya sumugod dito dahil naramdaman nya na nagkaproblema ako nang dahil sa pag-ibig?Kailangan nya akong paalalahanan dahil natatakot sya na baka mapagdaanan ko ang kanyang napagdaanan?

Gusto kong bumangon para yakapin sya ng mahigpit. Gusto kong iparamdam at ipaunawa sa kanya na lahat ng mga bumabagabag sa kanyang kalooban ay kailangan nyang pakawalan. Kailangan nya iyong bitawan para gumaan ang kanyang pakiramdam. Na lahat ng nangyayari sa mundo ay may hangganan at may dahilan.

Pero ni hindi ko nagawang kumilos. Naka-hang ang aking utak kung totoo ba itong nagaganap ngayon. Nababahala ako na baka kapag bumangon ako ay tuluyan ko nang hindi muling marinig ang kanyang boses. Boses na kaysarap sa aking pandinig. Boses na kaytagal kong pinanabikang marinig.

Nanlalambot ako at nakaramdam ng pagkadismaya nang maramdaman ko ang kanyang pagtayo at marahang paglayo mula sa aking higaan. Saka ko inilabas ang aking ulo nang marinig ko ang pagpinid ng pintuan sa aking kwarto.

Totoo kaya ito? O,guni-guni ko lang ang lahat?


***

Sana Darating na ang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon