Oliver's POV
Two months later...
Patience is not about waiting, but the ability to keep a good attitude while waiting.
Minsan sa buhay ko ay hindi ko pinagsisihan ang maghintay kung kailan nya ako tatanggapin sa buhay nya. Dati, nakaramdam ako ng galit sa kanya nang ipagtulakan nya akong palayo. Wala naman akong ibang gusto kundi ang tanggapin nya ang inaalok kong pagmamahal para sa kanya.
Pero sa kabila ng lahat.. kahit nagkimkim ako ng galit sa kanya ay hindi iyon naging daan para kalimutan ko sya. Kundi naghintay ako ng tamang pagkakataon kung paano ko sya muling mapapaamo.
When the right time comes.. sa muli kong pagbabalik ay hindi ko inaasahan na naging mabait sa akin ang tadhana. Muli nya kaming pinaglapit. At binigyan nya ng kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan noon pa man.
Bago ako umalis noon, akala ko kasi may iba syang napupusuan kaya hindi nya tinatanggap ang pagmamahal ko. Pero nagkamali ako, later on na-realize ko kung ano ang kanyang matinding dahilan. Sobrang pagmamahal nya sa kanyang ina ang syang bumabagabag sa kanyang disisyon.
Ramdam ko naman na may nararamdaman sya para sa akin pero iba parin kapag nagmumula na iyon sa kanyang labi. Kaya naman nang gabing iyon habang kausap ko sya sa phone. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko simula nang bigkasin nya ang kataga na kaytagal ko ng pinapangarap na makamtan mula sa kanya.
Sa sobrang excitement ko ay kaagad akong napasugod sa kwarto ng kapatid ko at inistorbo sya doon. Sumampa ako sa kanyang higaan at nagpagulong-gulong sa ibabaw ng kanyang kama.
"Oliver, anong nangyayari sa'yo?" Gulat syang napatanong.
Marahan akong naupo at nakangiti ko syang hinarap.
"Olivia, sinagot na nya ako!"
Napakunot ang kanyang noo bago nagtanong.
"Sino?"
"Sa wakas sinagot na ako ni Ayen Marie. She told me that she loves me."
Inaasahan ko na ang kanyang pagwawala dahil sa dala kong balita pero labis kong ikinagulat ang pagsilay na ngiti mula sa kanyang labi.
"Talaga? So, anong plano mo ngayon?" Ramdam ko ang tuwa mula sa kanyang boses.
"Hindi ba masama ang loob mo? Gusto mo ba si Ayen Marie para sa akin?" Gusto ko lang makasiguro sa kanyang reaksyon.
"Hangad ko ang iyong kaligayahan, Kuya. To see you how happy you are to be with her... progress na iyon para sa akin."
Sa unang pagkakataon ay nagawa nya akong tawaging Kuya. Kailangan kong pasalamatan si Ayen Marie. Dahil sa kanya... nagawa nyang baguhin ang pananaw ng kapatid ko sa kanyang buhay. Pina-realize nya dito kung ano ang nararapat na gawin. Iyon ang dahilan kung bakit sobrang mahal ko ang babaeng iyon.
"Plano kong magpropose ng kasal as soon as possible. Pwede mo ba akong matulungan?" Excited kong deklara sa kanya.
"You can count on me, Kuya."
*
*
*
And after the long wait, sa wakas natupad din ang plano ko na makasama syang lumipad patungong New York. But this time, hindi para sa vacation leave... kundi para sa honeymoon naming dalawa.
Mabilis kong hinakbang ang kanyang pwesto habang nakaupo sa may gilid ng kama. Marahan ko syang itinayo bago masuyong pinakatitigan sa kanyang magagandang mata.
"Finally, you're mine now..."
Malambing kong sabi bago ko tinawid ang pagitan ng aming mukha para siilin sya ng malalim na halik sa kanyang labi na buong puso naman nyang tinanggap.
💚💚💙💙💝END💝💙💙💚💚
Author's note:
Sa mga readers na walang sawa sa pagtangkilik ng aking likhang kwento. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.
Lots of love...
💙LavenderLace💙
BINABASA MO ANG
Sana Darating na ang Umaga
Художественная прозаBata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya...