Part seventeen

1.1K 42 0
                                    

"Masarap ka palang magluto, hijoh."

Napansin ko ang pag-aliwalas ng mukha ni Oliver dahil sa compliment ni Mama. Kumakain na kasi kami ng pananghalian sa kasalukuyan at hindi ko maipagkakaila ang tuwa na nakarehistro sa mukha ni Mama habang kasalo namin sa pagkain si Oliver.

Sumilay ang ngiti sa aking labi pero napawi din kaagad nang mapansin kong nakatingin sa akin si Ana. Nababanaag ko sa kanyang mga mata ang tinatagong kilig habang palipat-lipat ang kanyang paningin mula sa aming dalawa ni Oliver.

Parang nababasa ko ang nilalaman ng kanyang utak. Alam kong hindi sya naniniwala na hanggang kaibigan lang ang turing ni Oliver sa akin. Itinuon ko sa aking pagkain ang atensyon nang muling magsalita si Mama.

"Paano ka natutong magluto, Oliver? Kadalasan kasi sa mga lalaki ngayon ay hindi na pinagtutuunan ng pansin ang gawaing pambahay lalo na sa pagluluto."


Marahang ngumiti si Oliver habang nakatitig kay Mama.

"Nagtagal kasi ako sa ibang bansa, Tita. Doon ako nagtapos sa pag-aaral. Wala naman kasi akong maasahan kasi mag-isa lang ako doon kaya no choice kailangan kong matuto.Dinadalaw lang ako ni Mama at Papa dalawang beses sa isang buwan. Hindi naman kasi sila pwedeng mag-stay doon na kasama ko kasi marami din silang inaasikaso dito sa Pilipinas."Sagot nya.


"Ganoon ba? Wala kang girlfriend?"

Napatuwid ako ng upo sa hindi inaasahang tanong ni Mama. Waaaah, Ma! Sa lahat ng tanong bakit iyon pa?

"Mmm...malapit na ring magkaroon kaya lang masyado syang mailap. Pero handa naman akong maghintay. And i promise na pakakasalan ko sya kaagad Tita kapag sinagot na nya ako." Mula kay Mama napabaling sa akin ang kanyang atensyon napaubo tuloy ako nang wala sa oras.

"Ate, tubig oh..." Maagap namang inabot ni Ana sa akin ang baso na tubig.

"Salamat." Sagot ko bago napatingin kay Mama.

Hindi ko alam kung bakit napansin ko sa mga mata ni Mama ang matinding panghihinayang. Panghihinayang para saan? Dahil sa kaalaman na mayroon ng nililigawan si Oliver. Hayyys.. naguguluhan tuloy ako. Masyado naman yata akong assuming.


"Matagal naba kayong magkakilala ng anak ko?" Hindi na yata nawawalan ng tanong si Mama. O, siguro naniniguro lang sya kung mabuting tao at mapagkatiwalaan ba itong kinaibigan ko?


"Matagal na po Tita. Bago pa ako mangibang bansa ay naging magkaibigan na kami."

Napatango-tango si Mama bago muling nagsalita.

"Mabuti naman at kahit na nagkalayo kayo ay napanatili nyo parin ang pagkakaibigan ninyong dalawa."

"Syempre naman, Tita... si Ayen Marie pa makakalimutan ko? Wala na akong mahanap na katulad nya. Ang bait po kasi ng anak nyo at ang ganda pa." Binuntutan nya iyon ng tawa kaya wala sa sariling pinandilatan ko sya.

Andaming sinasabi... mamaya madulas pa ang dila nya.

"Bagay nga kayo, Kuya Oliver eh! Sayang at magkaibigan lang kayo at may nililigawan kana pala. Itong si Ate kasi wala pang boyfriend." Hindi na nakatiis si Ana pero napatigil din sya sa pagsasalita nang tapunan ko sya ng makahulugang tingin.

Taranta akong napatingin kay Mama pero nakangiti lang sya at itinuon na ang atensyon sa pagkain.

"Talagang hindi sya pwedeng mag-boyfriend, Ana.. magagalit ako."

Mula sa silong ng mesa ay palihim kong sinipa si Oliver. Magkaharap kasi kami kaya kaagad kong natunton ang kanyang tuhod.

Nakangisi syang napatingin sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na bigyan sya ng warning look.


"Ayyy, ang higpit ni Kuya." Nakapout pang sabi ni Ana.


Umayos ako ng upo at nagconcentrate nalang sa pagkain. Kasi baka mabubuko pa ako ni Mama kapag lagi kong pinapansin itong si Oliver.


*

*

*

Hinatid ko hanggang sa labas si Oliver nang magpaalam sya para umuwi. Halos maghapon din kasi syang nanatili dito sa bahay. Mabuti naman at hindi nya naisipang magpagabi, tsss..

Napaatras ako nang bigla nya akong lapitan. Pero mas lalo akong nataranta nang hindi man lang nagpaawat si Oliver. Huminto sya sa harapan ko bago nya ako tinitigan sa aking mukha. Particularly, sa bandang lips?

"Oliver, not again." Inunahan ko na sya sa balak nyang gawin.

Sumilay ang mapanglokong ngiti sa kanyang labi bago nagsalita.

"Kahit sa pisngi, hindi pwede?"

Hindi pa nga ako nakasagot ay mabilis na nyang iniyuko ang kanyang ulo para dampian ako ng matunog na halik sa aking pisngi. Napaawang nalang ang aking bibig bago sya pinandilatan.

"I'll be back tomorrow. Nangako ako sa Mama mo na mag-iihaw ng isda para sa lunch bukas. Aalis na ako, ingatan mo ang sarili mo para sa akin."

Napanguso ako sa kanyang tinuran.

"Sige na umuwi kana.. ingat ka sa pagdi-drive."

Hinatid ko pa ng tanaw ang sasakyan nya bago ako bumalik sa loob ng bahay.


*

*

*

Tumungo ako sa veranda kung saan doon namamahinga si Mama. Marahan akong naupo sa kanyang tabi pagdating ko.

"Nababaitan ako dyan sa kaibigan mo. Paano ba kayo nagkakilala nyan?"

Ngayon sa akin naman nabunton ang mga tanong ni Mama.

"Magkasama kami sa trabaho, Ma. Pero magkakilala na kami noong nag-aaral pa ako." Paliwanag ko kay Mama.

"Galing siguro sya sa mayamang pamilya kasi buhat sa kwento nya kanina, sa ibang bansa sya nagtapos ng pag-aaral nya?" Wala sa loob na bulalas ni Mama.

"Mmm... pag-aari lang naman nila yung hospital na pinaglilingkuran ko ngayon, Ma."

"Ano!?" Gulat na tanong ni Mama.

Napangiti ako at malambing kong hinawi ang kanyang buhok na biglang tumabing sa kanyang noo.

"My God, Ayen Marie! Ang yaman pala ng kaibigan mo tapos hinayaan natin syang magluto para sa pananghalian natin? Nakakahiya sa kanya..." hysterical ni Mama.

"Naku Ma, hwag po kayong mag-alala. Mabait po ang pamilya ni Oliver. Simple lang sila kahit mayaman ang kanilang angkan. Kita mo naman kanina, ni hindi mo nahalata sa kanyang pananalita na galing sya sa mayamang pamilya. Kasi po Ma, hindi mayabang si Oliver." Pang-aalo ko naman sa kanya.

"Kaya nga, ang dali nyang makagaanan ng loob. Mabuti nalang anak at kagaya nya ang napili mong gawing kaibigan kasi mapapanatag ang kalooban ko kapag sya ang kasama mo. Sigurado akong hindi ka mapapahamak."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Ano ba ang ibig sabihin nito, Ma? Huminga ako ng malalim bago napapaisip. May progress yata ang efforts ni Oliver ngayong araw. Unang araw pa ito pero may nakitaan na akong positive feedback mula kay Mama.

***

Sana Darating na ang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon